Balita

PAG DISTRIBUTE NG PROPERTY NG SECOND WIFE

Q.Magandang umaga po Atty., gusto ko lang po maliwanagan sa issue namin ngayon ng aking pamilya tungkol sa lupain nang aking magulang. Yung papa ko po ay nakapabili nang lupain at nakapagpatayo na nang bahay kasama ang bago niyang asawa. 

Ako lang po ang anak nang papa ko sa first mother ko, pero ngayon sa second mother is meron na silang isang anak. That time kasi sa pagkabili ng lupa instead ako po ang papapirmahen kasi daw anak ako pero kasi bata pa ako that time so yung lola ko ang nagpirma sa kasulatan tungkol sa lupain. So, expectedly substitution lang lola ko for the sake na may katibayan na mapupunta pa sa akin ang kalahati nang lupa. 

Ngayon, ang problema is nagplanong ibenta nang second wife ni papa ang lupa ng buo. Kaya sinabihan nila si lola na papapirmahin nang kasulatan patungkol sa lupa. May posibilidad ba po na makapagtutol ako sa kanilang plano kahit hindi ako ang nakapirma sa kasulatan? Ano po kailangan kung gawin para sa akin na mapunta ang lupa na hawak sa pangalan nang lola ko? Salamat po! 

ANS: Kailangang kausapin mo ang iyong lola at ang iyong father tungkol sa bilihang binibalak tungkol sa iyong karapatan doon sa lupa. Kasi kung ang nakalagay sa title na owners ay ang pangalan ng lola mo, father mo at yong second wife ng father mo, hindi naman basta maibenta ung lupang kabuuan kung wala silang pirma doon sa Deed of Sale ang mga co-owners. At kung magkaroon man ng bintahan, na ang naka pirma lang sa Deed of Sale ay a 

particular co-owner lamang, it is understood na ang ibininta ay ung kanilang share or interest doon sa co-ownership. Ang hindi nag pirma sa deed of sale, ay nangangahulugan na di nila ibininta ang kanilang share or interest doon sa co- owned property. 

Bago nila ibenta sa iba ang lupa at hindi dapat isama ang share mon a nakapangalan sa lola mo , ay dapat magkaroon muna ng physical partition doon sa lupa at ipahati or subdivide ito into corresponding lots with each co-owner having their own separate lots with the approved technical description including the area thereof. Ang pag survey ay ginagawa ng geodetic engineer or licensed surveyor. 

Pag nagkaroon na ng subdivision plan at basi rito, ung separate na lote na naka toka sa iyo, ay maari nilang mailipat sa iyong pangalan, sa pamamagitan ng pag execute ng lola mo, father mo at second wife, ng father mo ng isang notarized Deed of Donation Inter Vivos with your acceptance (Donation meaning ibniigay sa iyo) or ibininta sa iyo, by way of Deed of Absolute Sale. 

Pag nagawa na nila ito, mabayaran ang mga kaakibat na mga taxes sa BIR for the issuance of Certificate Authorizing Registration(CAR) , at sa Assessor’s office at yong transfer and registration fees sa office ng Register of Deeds upang ikaw ay mabigyan ng separate title ng lupa/lote basi doon sa subdivision plan kung saan naka saad sa deed of sale or donation na nabanggit. 

In the same manner, pag naibenta or naibigay na sa iyo ang lote na para sa iyo, maari na rin nilang(lola,father,asawa) na ibenta nila ung naiwang lote sa ibang tao, kung saan hiwalay na at di kasama sa bintahan ang iyong lote. 

Para sa mga kadagdagan kaalaman pa, sundan po ninyo ang mga sari-saring katanungan at mga kaalamang legal sa YouTube.com Batas Pinoy Channel ng inyong lingkod at i-share ninyo sa inyong mga kaibigan at kamag-anak ang mga paksang makakapag bigay ng mga kaakibat na kaalaman sa usaping may kinalaman sa batas ng kanilang buhay; at upang makatanggap ng updates in the future mangyari lang na mag subscribed at like sila sa video na Batas Pinoy Channel . 

Looking forward you’ll find the above in order as the “Batas Pinoy” global community welcomes you in this program. For more legal queries, issues and concerns, follow me at the YouTube.com “Batas Pinoy” Channel. 

NOTICE: Due to the long queue of patrons waiting to be accommodated take notice of the following: 

a) Patrons are being served on a First received query basis. 

b) As a matter of policy, only one-time free consultation is encouraged in order to give chance to others waiting in the queue. 

c) It is the responsibility of the sender to provide sufficient and complete information and details relative of the issues and concerns brought forth in order to avoid time consuming follow-up, clarificatory or piecemeal, speculative questions. 

Disclaimer: Batas Pinoy Global Community(BPGC). Not Legal opinion: 

Material placed on this corner is for the purpose of providing information only. Any communication from this corner does not create lawyer-client relationship of whatever nature and for whatever purpose. It is not intended as practice of law or legal services. Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer. Such circumstances or understanding of the facts as conveyed to the writer by the sender may not actually reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and as understood by the writer. 

This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The contents provided by Batas Pinoy Global Community(BPGC) are not meant as substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professionals for legal advice as regards the emailed or forwarded queries and the corresponding information furnished or as viewed by BPGC. 

Readers who may have legal concerns affecting their persons, property, rights,title and related interest concerning Philippine laws and jurisdiction, are welcome to e-mail their query either in English or Pilipino in plain, concise and orderly presentation of facts, (as no follow-up or clarification of queries will be entertained to give way to others in the queue ) in order to avoid vagueness and mis-appreciation of the facts of your stories. For appropriate information write to: attyrw@gmail.com . 

Exit mobile version