Q. Nais ko lang po sanang isangguni itong problema naming magkakapatid. Wala napong pareho ang aming mga mgulang. May mga ari arian po silang naiwan dito po sa Taguig,Metro Manila. At lahat po ito ay nakapangalan po sa aming ama at ina . Ang aming bahay po ay sa tabi po ng kalsada along the road po. At malapit lang po kami sa City Hall ng Taguig. Nung namatay po aming ama pinauwi nya po ang bunso namin kapatid para tumira sa aming bahay kasama ng aming ina. At ilang taon nakalipas pumanaw na din ang aming ina .
Naiwan ang bunso kong kapatid sa aming matandang bahay. At lahat ng aming mga papeles at nas kapatid Kong bunso kasama na ang aming titulo ng lupa. Nag usap kami ng mga kapatid ko na titirahan ko yung isang bahay para hindi nako umuupa at pumayag sila.
Palibhasa bunso dun siya tumira sa matandang bahay na kadikit ng bahay ko. Nagg usap kaming 7 magkakapatid na ang bahay ng aming ina ay hahatin nalang namin sa 4 at yun ibang kapatid namin ay meron na din sila sa wawa at dulong bayan. Wala naman po naging problema kasi po lahat po sila sang ayon sa hatian kaso po huwag na huwag lang daw po namin balakin isanla o ibenta.
Ang kaso po noong December 2015, ung bunso naming kapatid at pamilya niya nag desisyon lumipat ng bahay sa Las Pinas po. So pinaupahan po ng kapatid ko un matandang bahay namin. Nagkaroon po ng 5 yrs contract pinaayos at pinaganda ng umuupa un bahay namin nagkagastos daw po un umuupa ng 500,000 daw? Sa pagpaparenovate ng matandang bahay namin at ginawang maternity clinic. Lumipas ang 11months lumapit sa akin ang kapatid kong bunso at my dalang papel malabo ang mata ko at masakit pa ang ulo ko nung time na noon . Pilit nya kong pinapipirma sabi ko mamaya nalang pagdating ng anak ko para mabasa yan. Sabi nya naman sa akin ate pirmahan mo niyan nagmamadali kasi ung magaayos ng titulo natin ipapasubdivide na yan ni mam Leny pirmahan mo na ate.
Sumang ayon din ang asawa niya kaya napilitan akong pirmahan. After 1week nakita ko anak ang kapatid ko . Hinanap ko kapatid ko sabi sa akin ng pamangkin ko tita binenta na ni daddy yan at pinagpalit din ng bahay sa Bicutan. Halos matulala ako sa narinig ko sa pamangkin ko.
Ano po bang actions ang pwede kong gawin para maipawalang bisa namin yun nangyaring benta swap po na ginawa ng kapatid kong bunso. Wala naman po kaming mag kakapatid sa harap ng notary public noong time na nangyari yun at dapat po di ba lahat kaming magkakapatid may pirma dun papano po ba gagawin namin para mapa hold po iyon help me please..
ANS: Di maliwanag sa sulat mo kung anong klasing documents ang pinapirma sa iyo ng bunso mong kapatid. Kung ito may ay bilihan or palitan ng lupa, at kung sino-sino sa mga kapatid mo ang pumirma sa dokomento. Sa sulat mo ikaw lang ang pumirma sa dokomento na kaya mo pinirmahan ay sa paglinglang sa iyo ng bunso mong kapatid.
Ang pinaka mainam mong gawin ay kumunsulta ka sa inyong lawyer upang sa madaling panahon, ay makakagawa ng kaakibat ng hakbang upang protiktahan ang inyong interest sa minana ninyong lupa mula inyong magulang. Bilang tagapagmana, kayong magkakapatid ay maituturing na mga co-owners ng nasabing properties.Ang maari lang ibenta ng isang co-owner ay ang kanyang share or parte lamang.
Para sa kaagarang proteksyon ninyo, magpagawa kayo sa abogado at magpagawa kayo ng Affidavit of Adverse Claim hinggil sa nasabing properties at ifile ito sa office ng Register of Deeds kung saan naka register ang nasabing properties. Lakdaan ninyong magkakapatid ang nasabing affidavit at ipanotaryo ito. Mag hain din kayo ng reklamo sa inyong barangay hinggil sa bagay na ito.
Within 30 days from the filing of the Affidavit of Adverse Claim, dapat mag file kayo ng petition sa Regional Trial Court(RTC) ng for the Annulment of the Sale and/or Exchange of Properties with Reconveyance of the said property. Kasama na rin dito ang pag hingi ng damages and attorney’s fees sa taong nangloko sa inyo. Kung na forged ang mga signatures ng iba mong kapatid, maari din silang mag file ng Criminal case(s) laban sa mga taong may kagagawan at pasimuno nito.
Looking forward you’ll find the above in order as the “Batas Pinoy Global Community”(BPGC), welcomes you in this program.
Disclaimer: Batas Pinoy Corner Not Legal opinion:
Material placed on this corner is for the purpose of providing information only. It is not intended as practice of law or legal services. Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer. Such circumstances or understanding of the facts as conveyed to the writer by the sender may not actually reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and as understood by the writer.
This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The content provided by Batas Pinoy Corner is not meant to be a substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professional for legal advice as regards to the information obtained in this column.
* * *
Readers who may have legal concerns affecting their persons, property, rights,title and related interest concerning Philippine laws and jurisdiction, are welcome to e-mail their query either in English or Pilipino in plain, concise and orderly presentation of facts in order to avoid vagueness and misunderstanding of your stories, for appropriate comments to: attyrw@gmail.com .