Ni Edwin Anyayahan Esteba
Lilipas din
Sa pagdating ng ating kaarawan
Edad ay nadaragdagan
Kumukupas ang kakisigan
Naglalabasan ang mga uban
Para sa akin ay numero lamang yan
Sa pagtanda natin iisa lang patutunguhan
Hiram na buhay sa Diyos nakalaan
Kamatayan natin hindi mapipigilan
Bakit ito ay iyong kinatatakutan?
Lahat naman doon ating pupuntahan
Pero ito ay pwede mong paghandaan
Para sa iyong pamilyang maiiwan
Maaaring marami tayong pagsubok na pinagdaanan
Pero lahat ito ay ating nalampasan
Minsan may kontrobersyang kinasasangkutan
Pero sa bandang huli naaayos din naman
Kung sa iba ako ay may nagawang kasalanan
Hinihingi ko ang inyong kapatawaran
Hindi kung sino ang tama o may kamalian
Pagpatawad iyan ang lubos na kaligayahan
Kaarawan ay isang beses isang taon dadaan
Pero sabi nga ng iba lilipas din yan
Pagkakataon sasamantalahin ko na yan
Hangad para sa lahat ay kapayapaan
***********