Eskeremengoles! Saming last Kalabit,
Me mga nag – email nabating pabalik!
Good wishes sa staff, sana raw lumawig
Buhay ng BALITA, sey nung avid readers.
* * *
Alahoy! Alahoy! Tuwing Kung Hei Fat Choi !
Noon sa Echague nabaha ng Tikoy!
Ewan ko, ewan nyo? Ganun pa ba ngayon?
Happy New Year to all! Sating madlang Tsinoy!
* * *
Undersickretary Popoy na King Suey Ham,
Tandang – tanda niya, ang kaniyang Inang,
Yung Tikoy Echague syang binibili raw,
Para ring kalamay! Ang Tikoy! Mabuhay!
* * *
Wow! Barack Obama! Oh – lala! Oh! Bama!
Ngayon bukambibig, buong America!
Lalu sa Africa! Hawaii! Indonesia!
He – he! Maging satin! Very popular sya!
* * *
Tuloy ang barak e biglang sumikat!
Sa bayang Laguna, kung noon e ‘layak’
Ngayon e pahiyas! At pinakakalat!
Paligid ng bahay anut puro barak!
* * *
Naumpisahan na, president me kulay!
Baka ang susunod e Fil – American?
Tapos ating bayan matulad sa Hawaii,
Saka lang gaganda ang takbo ng buhay?
* * *
Charice, after singing ng Whitney Houston’s songs,
Sey ni David Foster, Inda, ” a star is born! ”
Kay Ellen’s at Oprah’s, standing ovation!
Sa Inauguration ball! Cool! sabi Tembong!
* * *
Okedok! Kikodok! Laking karangalan!
Talk sa Howard Street, at dun sa Square One!
Ne. Charice! Salonga! Pineda! At Pacquiao!
Masaya! Masigla! Refill, nakailan?
* * *
Hwag lang pag – usapan tungkol sa politics,
E, puro kalmante ang ating pensioners!
Alang hina – highblood! Nalabas ang litid!
Natalsik ang laway! Nabula ang bibig!
* * *
Si Pilosopong Lao, kanyang pinapayo,
dito sa Pinoycom, iwasan na kuno
Yung mga intriga! Yung libe – libelo!
Instead, beso – beso! Ayaw yung seloso?