Natutuwa ka ba?

By | March 16, 2025

Ni Edwin Esteba

Sa mga nangyayari na ito

Lalo nang gumugulo ang bansa mo

Dahil dito nagkakahiwa hiwalay ang mga tao

Dahil sa kanilang mga idolong pulitiko

Noong silang dalawa ay mag alyansa

Tuwang tuwa mga supporters nila

Akala mo ang tatalino nila 

Tatawagin na bobo ka

Bakit nga ba sila nag alyansa?

Nakinabang ba bawat isa sa kanila?

Ngayon ay nagkasira na

Benggahan na sila

Noon pa man ayaw ko na magsama sila

Dahil alam ko naggagamitan sila

Pero dahil sa inyong matatalino

Kandidato nyo ay nanalo

Ngayon nagsisisi na ba kayo?

Inaamin nyo na nabudol kayo

Nasaan ngayon ang inyong talino

Tinatawanan kayo ng mga tinatawag nyong bobo

Hindi ako masaya sa nangyayari

Kahit na ako ay hindi maka Duterte

Dapat dito siya iharap sa ating korte

Hindi iyong dadalhin sa hague

Hindi pa naman siya napapatunayang nagkasala

Biktima lamang siya ng maduming pulitika

Pero sa kanya madumi na ang humuhusga

Ang tanong, nasaan na demokrasya?

Naniniwala pa rin ako sa katotohanan

Pero sana huwag dadaanin sa karahasan

Dahil baka taktika iyan ng kalaban

Sa huli ating pagsisihan

               ************

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.