Eskeremengoles! Masaklap. Masakit.
Trahedyang sinapit nitong walong tourists!
Gagastusin satin kanilang dolyares,
Pero ang napala? May their souls rest in peace.
* * *
Tararadyingpopot! Errors sandamukot!
Rescue operation, nagkapetotpetot!
Nangagtuturuan! Merong mananagot?
Kung matukoy man nyo! Ano, pagkatapos?
* * *
Sez Pilosopong Lao, dapat ibinigay
Anumang hiniling nitong si kapitan!
Saka nyo sabihing, Ah, e! sorry, we lied!
Kung ginawang ganoon, e alang namatay,
* * *
“Sino ang Maysala?” Napakaluma na,
Movie na tambalang Romeo – Amalia!
Agad sumasagi saming alaala!
Pag me sinisisi! Sino ang maysala?
* * *
Sir Tomas Kaluban, di po masisisi,
Na ang mga intsik ngitngit sa nangyari!
Wala nga sanang buhay na naputi
Kung di sana palpak ginawang responde!
* * *
Hinagpis ni Tembong! Pinoys dun sa Hong Kong,
Yung OFWs naiilang ngayon!
Porke damung intsik galit sating Pinoy!
Amo sinisante, Pinoy na katulong!
* * *
Kinukuyom na lang ang sama ng loob!
Nagpapakumbaba, ang OFWs!
Dahil sa trabaho, hala! Sige, kayod!
Kesa pauwiin! Kahit sinusurot!
* * *
Okedok! Kikodok! Darating ang araw,
E, maghuhupa rin, tinding galit na yan!
Ginawa ni Pedro, di ginawa ni Juan!
Tiis lang kabayan! Kung tayo e nadamay.
* * *
Undersickretary Popoy Magtataho,
Kanyang sinasabi sa lahat ng dayo,
E, ang mga intsik ang nauna dito!
Bago pa kastila at amerikano.
* * *
Ating ipagdasal, na huwag masira,
Relasyon sa China, Oka – ka! Oka – ka!
Pakikiramay po ating ipadama
Sa nangaulila, bulalas! Wakanga!