Balita

‘sa totoo lang’ – ‘Ms. Mable and others’

Maganda at mapayapang araw/ gabi ang pagbati ko sa iyo/ inyong bumabasa ng kolum na ito sa mga sandaling ito!

Alam kong maraming mga magulang and other elders ang masaya these days kasi panahon  daw ng graduations diyan sa inyo sa Canada. Ang Pinoy talaga- kahit saan mang panig ng mundo,igagapang ang mga anak para makapagtapos. It is one of Filipino values and traditions that you have not allowed to be forgotten- a high value for education. TUMPAK kayo dyan- pantapat ng mga anak natin sa matinding kumpetisyon ditto sa mundong ibabaw.

Well, alam ko rin naman na ang mga anak ninyo diyan ay kadalasan ay nagkukusa at nagiging self- supporting- kumakayod para sa kanilang tuition . Ang swerte nyo naman!

Plus the fact that within reach ang quality education sa Canada. I even heard in NBC Nightly News that American students are crossing the boarder to enroll in Canadian universities because tuition is not that steep and the quality of education is at par with that in the US. Hala, baka maubusan ng slot ang mga Canadians- preferential treatment dapat. Canadians muna bago Markano.
Congratulations to you all!

Teka lang, naipamili na ba ninyo ang mga graduates nyo ng graduation gifts nila? Naku, di kayo mauubusan ng ideas. Kadami ng mga alok sa internet- things that they can make use of when they enter University, stay in college dorms, bling- blings, pangporma,  etc. etc. or else, make your personalized gifts. Uso pa ba sa inyo yan (dahil alam ko sobrang busy ang mga tao sa inyo lugar)? Sa bahay ng sister ko sa Houston (Texas), binalot ng aroma ng butterfinger and ‘sock it to me’ cakes ang buong apartment sa dami ng mga nagsipag- order ng mga homemade cakes na ito for graduation parties in many homes there. My sis is well known for her wonderful cakes and for special ocassions, they order from her instead of buying from the store. Iba daw, eh.

Congratulations din sa mga may lahing Pinoy na mga taga Canada sa pagkakawagi ni Ms. Mable Elmore, anak ng isang Cebuana nurse. I am told na ang nomination pa lang niya sa NDP Party for Vancouver- Kensington riding ay isa nang political breakthrough.

E lalo na nang wagi sya sa May 12 elections! So, on the 39th session of the Parliament of the Legislative Assembly of British Columbia, Ms. Mable will be jotted down in Canadian history as the first legislator of Philippine descent to have won a seat in this venerable  law- making institution. Yan ang WOW!

AT, kasali ang Filipino community ng Vancouver sa pagka WOW because I was told that our closely- knit community there campaigned very hard to make Ms. Mable’s winning a reality.

Tatanungin ninyo sa akin, ‘E kumusta naman kayo jan sa ‘Pinas?’

Marami naman sa inyo e alam na ang sagot dyan kung kayo ay nanood sa GMA7 or ABS- CBN sa inyong cable/ satellite tv.

Mala circus pa rin. Matutuloy ba ang cha- cha (Charter Change na kung ilang beses nang pinagbalakan ng ating mga….ilang kababayan)…e ang automation ng next Philippine elections (hayun, nag- I eliminate pa rin ng di karapat dapat na bidders. Karapat- dapat naman kaya ang magwaging bidder? O baka wala naming magwagi at manu- mano ulit ang bilangan (isama mo pa pati daliri ng paa mo sa pagbilang!). A big hullabaloo is the Katrina Halili (isang starlet na laging nagcha – champion sa tawag na ‘sexiest’ in the land or ‘pantasya’ ng mga min(mga kalalakihan yon)…at kung anu ano pang bansag denoting earthiness (and carnal desire?)- Hayden Kho (claim to fame naman nitong

Si doc ay boyfriend sya and protégé of Dr. Vicky Belo, ang aleng nagpapaganda sa mga stars at iba pang maypera.). Mabiling mabili ang mga CD copies ng video na ito sa Quiapo. Raid katakut- takot ang ginagawa ng mga Pulis- Maynila, Optical Media Board (ni Chmn. Edu Manzano) at iba pang ahensya ng gubyerno. Yung karamihan naman, sa internet na lang naghahanap ng snippets/ excerpts ng famous video na ito.

Tantanan na nga nyo yan, mga kalahi!

Di disente ang panonood nyan- kababawan ang tawag dun.

Dapat ay di pagpyestahan ang video na yan kasi labag sa kalooban ng mga taong nasa video na yan ang pagsasapubliko nito. Unauthorized sa Ingles!

Very strong ang aking feelings tungkol dito kasi naturingang advance na tayo sa mundo ngayon e bakit kaya matindi pa rin tayo sa pagbibigay panahon sa mga eskandalo? Bakit kaya di tayo magtulung- tulong na lang mag- isip kung paano nga ba mai STOP ang mga ganito? Kawawa ang affected, including their families, Tuwa naman ang sukab na nagpakalat because his product is patronized.

Which reminds me- the month of May this year was Filipino Heritage Month.

Sana naman ay maipagpatuloy nating lahat, lalo na kayong nasa overseas, ang magagandang pamana ng ating mga magulang at nakatatanda. Hindi kasali rito ang mga minana nating pera at iba pang material na bagay. Instead, sana mapalawak at maituro pa natin sa ating mga anak ang magagandang kaugalian na na naging gabay natin sa ating paglaki- respeto at kalinga sa nakatatanda, dangal at dignidad sa bawat kilos, tiis at sakri-

Pisyo habang inaabot ang pangarap, at marami pa…Hwag ninyong isipin na CORNY na ito ngayon. Walang corni- corny kung sa tama lang, take note. Hindi nawawala sa uso ka-

ilanman ang kabutihang- asal.

At nitong month of June, as all of us celebrate our Philippine Independence Day- may paparties at parade ba ang mga taga Toronto this year?- sana I commit natin sa ating sarili ang resolve to continue loving our heritage wherever we are. Transplanted nga kayo diyan- diyan ang hanapbuhay na kumikita ng dollars, magandang bahay na may latest gadgets to make life more comfortable, easy weekends at leisure, affordable education for your children, lahat lahat na ng opportunities ay nandyan.- pwede kayang you leave a big part of your heart into remembering and loving the Philippines despite your sad experiences here before being transplanted in Canada, despite our problems that you read or hear often from media, despite the poverty  that you see in the faces of many gameshow contestants who are willing to sing, dance or do acrobatics to qualify to win thousands of pesos with which to start a better life.

When you see us amidst chaos, don’t utter ‘ Ay, salamat at nakaalis ako sa Pinas kung hindi I will also be suffering my kababayan’s lot.’, but say ‘ Thank you, God for giving me the opportunity to better myself in another country. I pray that my other kababayans who are still poor will be given the same opportunity that I had.’

Salamat, salamat sa inyong mga prayers! I am sure our country will weather the problems as it has done so in the past. Konting konti na lang and pretty soon ay mabubura na rin ang mga problema tulad ng pandaraya sa eleksyon (aba, ngayon pa lang may citizens’ movement na para sa isang eleksyon sa 2010 na walang dayaan. Pati nararapat na kandidato ay i i- endorso sa publiko), tiwaling public officials, at kurakutan. Sana NOW NA!

Enjoy a great fortnight, everyone!

Till later, dear friends! You can email me at mediastrat@gmail.com

Exit mobile version