Balita

MINANANG LUPA AT PAG PATIRA SA KABIT AT ANAK SA BAHAY NA CONJUGAL PROPERTY

Q: Atty greetings po! Ang tatay ko po ay may minana na lupa sa kanyang mga magulang
(pareho ng patay), pero hindi pa po nakapangalan sa kanya ang titulo ng lupa. Na-transfer lang po ang
titulo ng lupa sa kanyang pangalan lamang noong sya ay may asawa na (nanay ko). Ang tanong ko po ay
kung may karapatan po ba ang nanay ko sa minana na lupa ng tatay ko sa kanyang mga magulang?
Namatay po ang nanay ko noong March 2020, after a month, lumutang na po ang tatay ko at
ang kanyang kabit na itinago niya sa amin ng 14 na taon. Ngayon po ang tatay ko at ang kabit niya ay sa
bahay na namin tumitira kasama pa un dalawang anak ng kabit niya. Ung bahay namin ay naipundar ng
nanay ko at ang ginamit na pera rito ay ung retirement niya funds ng nanay ko.

ANS: Hindi maituturing na conjugal property ng tatay mo at nanay mo ang namanang lupa ng
tatay mo. Kaya wala conjugal share or parte rito ang iyong ina doon sa lupa. However, dahil asawa ng
tatay mo ang nanay mo, pag ang tatay mo ay mamatay kasama na ang mga anak nila, kayo ay
maituturing na compulsory heirs ng tatay mo. At ayon sa batas, as compulsory heirs, equal sharing ang
lahat ng mga compulsory heirs na nabanggit na ari-arian
Dahil naunang namatay ang mother mo, entitled lang kayo at ang tatay bilang mga surviving
heirs sa mga ari-ariang napundar ng nanay mo at tatay mo na conjugal property nila, kasama na rito ang
bahay na napundar galing sa retirement ng nanay mo. Ung naiambag mo sa pagpagawa ng bahay ay
subject yan for reimbursement mula sa mga compulsory heirs, egual sharing basis, pero ang pag mamay-
ari na ng bahay ay considered na as conjugal property.
As regards sa minanang lupa ng tatay mo mula sa kanyang magulang hindi ito maituturing na
conjugal property nila, at ang minanang ito ay exclusive capital o property ng tatay mo. Dahil ang bahay
na to napundar during their marriage, kahit na retirement money ng nanay mo ang ginamit sa
pagpagawa nito , ang bahay ay maituturing na conjugal property ng tatay at nanay mo. Ung kalahating
interest or portion ng bahay ay maituturing na conjugal share ng tatay mo, ung natirang kalahati naman
ay maituturing na estate ng nanay mo, na siya namang mamanahin or maging legitime ng mga
compulsory heirs ng nanay mo, tulad ng tatay mo as surviving spouse, at mga anal nila.
Equal sharing ang bawat isang compulsory heirs. Dahil ang tatay mo ay co owner siya sa bahay
at ganoon na rin kayong mga anak, na co-owners ding tagapagmana, ang bawat isa sa inyo ay may
karapatan na gamitin ito or ipaggamit or ipa upa ang part nito, sa kanina man na gusto ng mga co-
owners. Kung ang tatay mo ay pinatira ang kanyang kabit kasama na rito ang dalawang anak, to the
extent of his interest or co-ownership sa bahay, ay maaring ipaggamit niya ang part or portion ng bahay
para sa kabit at dalawang anak.
Bilang mga co-owners, may karapatan din kayong gawin ito.

. Readers who may have legal concerns affecting their persons, property, rights, title and related
interest concerning Philippine laws and jurisdiction, are welcome to e-mail their query either in English
or Pilipino in plain, concise and orderly presentation of facts, (as no follow-up or clarification of queries
will be entertained to give way to others in the queue ) in order to avoid vagueness and mis-
appreciation of the facts of your stories. For appropriate information write to: attyrw@gmail.com.

Exit mobile version