Lahat tayo ay may pagkakamali
Sana ay huwag nang maulit pang muli
Kabutihan palagi ang ating isukli
Pagpapatawad walang pinipilit
Kung tayo ay may nagawang kasalanan
Marapat lamang ating pagsisihan
Dahil hindi tayo magkakaroon ng katiwasayan
Kung ang nasa puso ay galit at pagkasuklam
Mga samaan nang loob ay kalimutan
Pagpapatawad ang kailangan
Pairalin ang pagmamahalan
Sa kapwa huwag makipagmatigasan
Masarap sa ating pakiramdam
Iyong taong walang nasusuklam
Lahat iyan ang inasam asam
Tayo ay magkapatawaran
Kung ikaw ay makikipagmatigasan
Ayaw mong tumanggap ng kamalian
Mga isip nyo walang katiwasayan
Malabong makamit ang kaligayahan
Ako ay isang taong mapagdamdam
Pero kung nakikita kong lubag sa iyong kalooban
Lahat ng nakaraan ay kinakalimutan
Hindi na mahalaga kung sino ang may kasalanan