Balita

Marriage and NSO Registration

Q. Dear Atty. Wong. Magandang araw po. Lagi ko po binabasa ang batas pinoy corner nyo sa Balita newspapers.

Gusto po sanang humingi ng payo sa inyo kung ano pong nararapat gawin.

Tungkol po sa kapatid ko na si Ming at ang asawa nya na si Manny. Kinasal po sila noong September 1999 sa church at registered po sa NSO.

Pero bago po yan, kinasal po si Manny sa unang girlfriend niya na si
Virgie sa isang judge noong 1996 pero nakiusap daw si Virgie na wag munang iregistered sa NSO ang kanilang kasal kasi at that time nakapetition sya sa america at kailangang single sya.
May anak po sila pero hindi po sila nagsama sa iisang bahay dahil ayaw ng parents ni Virgie kay Manny. Until po na nagkahiwalay sila ng tuluyan.
Nung nakilala po ni Manny ang kapatid ko na si Ming ipinagtapat po nya ang lahat tungkol kay Virgie. Ang pagkakaalam ni Manny hindi valid ang kasal nya kay Virgie dahil nga po hindi narehistro sa NSO. So nagpakasal po silang dalawa.
Nung nalaman po ni Virgie na nagpakasal si Manny kay Ming marami pong pagbabanta at pananakot ang ginawa nya, ginugulo nya po si Ming hanggang ngayon.

Noong year 2007 ipinarehistro ni Virgie sa NSO ang kasal nila ni Manny. So ngayon po she is claiming na sya ang legal wife.
Pumunta po si Manny at Ming sa NSO para ayusin pero ang sabi daw ng NSO invalid daw ang kasal nila. Ang labas po ngayon ay kabit si Ming na sya pong problema namin ngayon.
Kung totoo po si Virgie ang legal wife paanu po ipapaannul ang kasal nila para malegalize ang kasal ni Ming at Manny . Umaasa po ako sa kasagutan nyo. Maraming salamat po. May God bless you always. Gumagalang, “Dora” .

ANS.

Firstly, it is not the registration of the marriage with the NSO that makes the marriage legal and binding. Kahit hindi naka rehistro sa NSO ang kasal at ang marriage naman is valid in form and substance under the Family Code, ang kasal na ito ay valid at legal kahit hindi naka register sa NSO.

Kahit mai-pa annul yung marriage nina Virgie at Manny, assuming na mayroon basihan ito ayon sa ating Family Code, ang pag wawalang bisa nito, ay hindi nangangahulugan ng maging valid and kasal ni Manny at Ming automatically .
Kasi, at the time na nag pakasal si Manny and Ming na sister mo, mayroon ng legal impediments si Manny to contract a subsequent marriage, sa dahilan na nang nagpakasal siya, ang naunang marriage niya was still subsisting. Sana bago siya nagpakasal kay Ming , ipinaannul muna ni Manny ang marriage niya kay Virgie.

Kaya tama ang sinabi ng NSO na hindi valid ang kasal ng sister mo kay Manny.

Kung gusto ninyong maannul yong kasal ni Manny kay Virgie, dapat mag file siya ng petition sa hukuman sa Pilipinas for the annulment of their marriage. At kung si Manny naman ay isa nang Canadian or US citizen na ay maari siyang mag file ng divorce dito sa Canada or sa USA upang ma severe at ma terminate ang kanyang unang marriage sa pamamagitan ng divorce .

Hanggang sa muli at maraming salamat sa pag-sulat mo.

MERRY CHRISTMAS AND PROSPEROUS NEW YEAR TO ALL!!!!

Exit mobile version