Q. Hello po…kamusta po? Nabasa ko po ung column ninyo sa Filipino newspaper at naisip ko po na kayo po ang makakatulong sa mga problema ko kaya nag email po ako sa inyo.
Live-in caregiver po ako at kakatapos ko lang po ng dalawang yrs last October . Magpapasa na po sana ako ng application ko for open permit and permanent resident kaso may problema po ako re:sa marital status ko.
Kinasal po ako taong 2001 at nagkaanak po kami taong 2002 at pagkatapos po noon eh di na po sya nagpakita sa amin.
Wala po kaming komunikasyon sa kanya at wala rin po kaming natatanggap na financial support sa kanya simula noon. Ang gusto ko po sanang mangyari eh hindi ko po sya isasama sa application ko. Nag-inquire po ako sa immigration at sabi po nila eh magfile ako ng divorce bago ko i submit ang application ko.
Ang tanong ko po eh paano kung kasal na po pala ung tatay ng anak ko bago po kami ikinasal,considered null and void po ung kasal namin d ba?
Kailangan ko pa po bang magfile ng divorce? Nagrequest na po ako sa NSO ng Certificate of Marriage on record sa kanilang file para mapatunayan ko po kung kasal na syang talaga bago nya ako pinakasalan.
Ano po ba ang dapat kong gawin?Problemado na po akong talaga dahil gusto ko na pong masubmit ang application ko dahil gusto ko na pong magkasama kami ng anak ko.
Sana po ay matulungan nyo ako dahil kayo na lang po ang tanging pag-asa ko…Maraming-maraming salamat po sa inyo.God Bless!!!
Ans. Kung bago kayo ikinasal ng iyong asawa at siya ay nakasal na sa iba bago , ang ibig sabihin nito ay “null and void” and inyong kasal. At kung gusto mong iayos ang iyong civil status sa tama, nararapat lang na mag-file ka muna ng petition sa ating husgado sa Pilipinas , ng “Declaration of nullity of marriage”.
Tungkol naman sa Divorce…. Hindi ito angkop sa iyo dahil ikaw ay isa pa ring Filipino citizen. Maaring mo lang itong gawin kung ikaw ay ganap ng Canadian Citizen. Ano mang divorce na makukuha mo kahit saang lupalop ng mundo habang ikaw ay isang Filipino citizen, ito ay walang saysay, sa ilalim ng batas ng Pilipinas at maging sa Canada . At for immigration purposes, ito ay maaring hindi kikilanganin ng immigration authorities.
Nabanggit mo na ikaw ay mag-aapply na ng open permit or “landed immigrant”. Maari mo naman gawing ito sa iyong kasalukuyang katayuan.
Ideclare mo lang ang totoo doon sa iyong application na ikaw at ang iyong asawa ay “de facto” separated mula pa noong 2002 mula ng ikaw ay nag-kaanak. At mula noon wala na kayong contact o communication .
At dahil hindi mo naman tiyak sa ngayong kung kasal nga sa una ang iyong asawa, ang presumption nito ay valid ang iyong kasal. At dahil dito maari mo itong ideclare as “married” as your civil status sa iyong mga documento . Kaya lang, kaakibat nito or doon sa parte na “married” at pangalan ng iyong spouse, lagyan mo ng salita na “ de facto” separated kayo at ang kanyang address ay “ unknown”.
Of course, huwag mong kalimutan na ideclare mo sa iyong application ang iyong anak. Dahil ang anak kasama sa isang family class for immigration purposes. Ang iyong pagiging “separated” o ang iyong kasal ay maging “null and void” ang bagay na ito ay HINDI makaka-apekto sa status ng iyong minor na anak na makasama at makapiling mo sa Canada bilang isang ina .
Sumangguni Karin sa isang “Immigration lawyer” kung nanaisin mo (huwag sa immigration consultant) upang ikaw ay mabigyan ng malawak na “professional advice “ tungkol sa iyong kalagayan .
Hanggang sa muli at good luck sa iyo. Maraming salamat sa iyong pag-sulat.
# # #
Disclaimer: Batas Pinoy Corner Not Legal opinion:
Material placed on this corner is for the purpose of providing information only. It is not intended as practice of law or legal services. Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer. Such circumstances or understanding of the facts as conveyed to the writer by the sender may not actually reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and as understood by the writer.
This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The content provided by Batas Pinoy Corner is not meant to be a substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professional for legal advice as regards to the information obtained in this column.