Balita

MANGANGAKO NA NAMAN

Tuwina lamang nalalapit ang eleksyon

Mga pulitiko isip natin ay kinokondisyon

Manira sa kapwa ngayon ang kanilang misyon

Dahil madali daw maniwala sa balita ngayon

Lahat sila ay mangangako sa atin

Kahit imposible sa atin ay ok pa rin

Hindi na tinitingnan tunay nilang hangarin

Kaya pag sila ay nanalo tayo ang talo pa rin

Kung tunay talaga ang kanilang hangarin

Sa kinang ng salapi huwag papaalipin

Pagsisilibi sa bayan ang pairalin

Hindi iyong sarili ang payayamanin

Kwalipikasyon nila ay dapat suriin

Pagsisilbi sa bayan ang mithiin

Daing ng mamamayan ay diringgin

Sa kapangyarihan huwag paalipin

Kaya sa pagpili kayo ay maging matalino

Oposisyon o administration man ito

Ang titingnan nyo ang kanilang pagkatao

Hindi sa kung ano ang kanilang partido

Kaya ingat kayo sa mga mangangako

Alam naman natin ito ay mapapako

Lalo na sa mga pulitikong trapo

Nagsisilbi lang sa kanilang partido

********

Exit mobile version