Q. Dear atty, kumusta po kayo ? Nabasa ko po ang article nyo sa Balita dyan sa Canada . Dito po ako sa Pilipinas nakatira. Wala po akong malapitan sa mga tanong ko kaya po ako nag research sa internet. Sana po e mapayuhan nyo po ako.
Meron pong pinamanang lupa ang ama ng aking asawa.
Nagkamali po kami at hindi po ito nalipat sa pangalan ng mister ko hanggang sa namatay na ang kanyang ama. Pero tuloy pa rin pong binabayaran namin ang amilyar neto. Wala po itong titulo at Tax Declaration po ba ang tawag doon? 13 years na po syang namantay.
Ngayon po e me nabili din po kaming lupa katabi nun. Balak po naming gawing isang buo yung lupa at hatiin sa gitna. ang reason po nito ay para maging squala ang lupa at ipapamana namin sa dalawa naming anak. Ano po ba ang dapat ko munang gawin pinasukat ko na ho ang lupa. Isang taon na rin po at wala in ako natatanggap na plano galing sa nagsukat para yata naloko kami.
Kaya naman po napasukat namin ang lupa e yung ang advise ng mismong hepe ng munisipyo. Gulong gulo na ho ako marami ako pinagtanungan pero di ko na maintidinhan ang nangyayari. Naiyak ako sa tuwing ako magtatanong e me nakalakip na bayad.
Ito. po ang kailangan kong gagawin:
1.ilipat sa pangalan namin yun unang lote na pamana sa mister ko
2.dahil ang dalawang magkatabing lupa e parihaba, naisip namin buuin na lang ito at hatiin sa gitna para sa dalawa naming anak bawat lupa na parisukat ang hubog e tig 1500 s meters ang sukat. Sana po e mabigyan nyo ako ng payo tungkol dito. Salamat po atty at mabuhay kayo!
Ans: Hello Ms. Gina.
Sagot sa unang tanong: Tungkol sa lupang namana ng iyong mister sa kanyang mga namatay ng magulang, ang dapat ninyong gawin magkaroon muna ng tinatawag na settlement of estate ng magulang ng mister mo. Kung ang mister mo lang ang sulong anak ng namatay na magulang, kailangang lumagda ang iyong mister ng “Affidavit of Adjudication”. At kung ang mister mo naman ay may iba pang mga kapatid, silang lahat ay dapat lumagda ng “Extrajudicial Settlement of Estate”.
Ang ibig sabihin ng mga nasabing dokomento ay binabahagi ng tagapagmana ang ari-ariang naiwan ng namatay na magulang. At kaakibat dito ang pag babayad ng estate tax at ibang pag payarin sa goberyo hinggil sa pag lipat ng pangalan ng mga ari-arian ng namatay at upang maisalin sa pangalan ng tagapagmana ang nasahing lupain. Ang lupain maaring may titulo or kung wala man, yong naka tax declaration lamang, tulad ng nabanggit mo sa iyong sulat.
Ang mga nabanggit na mga dokomento at mga gagawin ay masalimoot at complikado. Lalo na ito ay may kinalaman sa lupa at pakikipag ugnayan sa ibat –ibang sangay ng goberyo. Mas makakabuto sa iyon na sumagguni ka at kumuha ng iyong abogado upang sa ganoon maprotektahan ng iyong mga karapatan at maisaayos ang lahat ayon sa ating batas.
Sagot sa pangalawang tanong: Hinggil naman sa karatid na lupain na inyong nabili, wala namang hadlang sa batas ng inyong balak na pag buuin ito kasama ng lupang namana ng iyong mister. Kailangan ninyo na ipa survey at ipa approved ang lot plans ng mga nasabing lupain na gusto ninyong buuin. Ang tawag dito as “Consolidation” .
Upang isagawa ang mga bagay na nabanggit at dapat na gawin kailangan ninyo ang serbisyo ng abogado at license surveyor or Geodetic Engineer. At kaakibat dito ay mga gastusin tungkol sa mga professional fees and mga bayaring buwis at mga fees at taxes sa goberyo.
Mag tanong tanong ka inyong bayan kung sino sa mga nabanggit na professionals ay maasahan. Upang maiwasan ng hindi magandang karanasan mo sa surveyor na hanggang ngayon wala pang resulta, dapat ang lahat gagawin hila at kasama ang kanilang profeesional fees at ang kanilang obligasyon ay nasa kasulatan at pirmadon nila.
Ang dapat gagawin: 1) Makipag-ugnayan ka sa iyong abogado at sabihin mo sa kanyan ang gusto mong mangyari. At itanong mo sa kanya kung magkano ang kanyang serbisyo at dapat ito ay nasa kasulatan ng may lagda ninyo at ganoon din ang iyong abogado. Siya na rin ang gagawa ng mga dokomentong nabanggit sa itaas, at kasama na rito ang pag papalipat ng Tax Declaration na lupain na minana ng iyong mister, sa pangalan ng iyong mister.
2) Maki pag ugnayan ka sa surveyor na may tiwala ka. Maki pag sundo ka kung mag kano ang professional fees niya. Ang pag bayad no sa kanya at dapat by instalments o hulugan. Mag bayad ka lang partial or downpayment at ang kabuuan or full payment ay pag natapos and kanilang serbisyo at ibibigay sa iyo ang mga sumusunog : a) Guhit / Lot Plan with approved technical description ng dalawang lupain( kasama na yong inyong nabili) at yong minana ng iyong mister, b) Consolidated lot plans with approved technical description ng nasabing lupain mula sa DENR-Bureau of Land Management,kung ang mga lupaing ito ay wala pang titulo at mga Tax Declaration(TD) lang.
Maari kang mag patulong sa iyong abogado para gumawa ng kaakibat na kasunduan sa iyong surveyor at sa kasunduang ito ay nandoon lahat kung ano ang mga obligasyon niya sa iyo at ganoon din ikaw.
Looking forward you’ll find the above in order. Maraming salamat sa paging bahagi mo ng “Batas Pinoy Global Community”.
Disclaimer: Batas Pinoy Corner Not Legal opinion:
Material placed on this corner is for the purpose of providing information only. It is not intended as practice of law or legal services. Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer. Such circumstances or understanding of the facts as conveyed to the writer by the sender may not actually reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and as understood by the writer.
This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The content provided by Batas Pinoy Corner is not meant to be a substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professional for legal advice as regards to the information obtained in this column.
* * *
Readers who may have legal concerns affecting their persons, property, rights,title and related interest concerning Philippine laws and jurisdiction, are welcome to e-mail their query either in English or Pilipino for comments to: attyrw@gmail.com .
Dear Attorney,
Good day po.
May mga nabasa po ako na related articles sa current situation ko and gusto rin po sana humingi ng payo sa inyo. Namatay po and father ko without leaving any will. Solong anak po ako sa unang asawa nya. In 1993 my father remarried at nagkaron sila ng 3 anak.
1. May karapatan po ba ang pangalawang asawa at ang kanilang mag anak(half siblings ko na maituturing) nya sa bahay na iniwan ng ama ko? Ang titulo po ay nakapangalan pa rin sa aking ama at ina, na una nyan asawa(nauna po namatay ang aking ina).
2. May minana po ang aking ama sa aking lolo. Ang titulo po ay nakapangalan sa aking ama, na may status na “widower”. May karapatan po ba dun ang kanyab pangalawang asawa?