Balita

MANA NG AMA SA LUPA

Q. Hello po . Nakitira po kami sa lupa ng lolo at lola ko . Patay npo ang lolo .Ito po ay conjugal property . Nais po ng lola ko na pa alisin kami sa lupa kung saan nanduon aming bahay. Ang papa ko po ang anak ni lola. Pwede po ba kami mapa alis ni lola? Wala po ba karapatan ang papa ko bilang isang anak ? Lola ko lang ba ang taga pag may ari ng lupa ? Ano po habol ng papa ko ? Ano po ang panglaban nmin? Ano po ang dapat nmin gawin? Salamat po . Sana ma bigyan pansin niyo po ang mga tanong ko. “ROWENA”

ANS : Hello Rowena,  dahil sa patay na ang lolo mo at kung saan ang lupa na nabanggit ay pag mamay-ari nilang mag-asawa, ito  ay maituturing na isang conjugal property nila. Ang iyong ama at ganoon na din kung may mga kapatid siya na anak din ng lolo mo, ay maituturing na compulsory heirs ng iyong lolo.

At bilang  isang compulsory heir, ang papa mo ay maituturing na co-owner ng  mga ari-arian ng mga conjugal property na pag mamay-ari ng lolo at lola mo. Ang maituturing lang na pag mamay-ari ng lola mo sa lupa ay kalahati nito, plus ung equivalent share ng bawat anak nila. Halimabawa, kung P1,000.00 ang halaga ng ari-arian, ang kalahati nito P500.00 ay conjugal share ng surviving spouse or ung lola ninyo. Ung natirang P500 ay paghati-hatian ng mga anak nila plus ung share para sa surviving spouse. Samakatuwid, kung nag susulo lang na anak ang papa mo, ung P500 hati sila ng iyong lola. Kung kaya ang total na maging share ng lola mo doon sa conjugal property  ay P500.00 plus P250 or total of P750.00. Ung P250 ay para sa tatay mo or one fourth (1/4) ng lupang tinitirikan ng iyong bahay. 

So ang gagawin ninyo ay mag pagawa kayong ng Exra-judicial settlement of estate with Deed of Partition, kung saan sa pamamagitan nito, ay hahatiin ang conjugal property sang-ayong doon formula ng nabanggit sa itaas, at upang mabayaran din ang mga kaakibat na taxes, tulad ng Estate tax, documentary tax , transfer tax at iba.

Kung pagpapartihin at isubdivide ang property or lupa ay dapat kumuha kayong ng serbisyo ng geodetic engineer or land surveyor upang ipa survey at iguhit ng partitition at subdivision plan ng lupa upang sa ganoong ang lupa na para  sa papa mo ay maihiwalay doon sa lupa ng conjugal property or property na share ng iyong lola. Pag natapos ninyong matupad ang mga requirements, publication of notice of settlement of estate, at mabayaran ang mga taxes/fees, ung original na title ng lupa or TCT ay issurrender sa Register of Deeds para icancell ito, at ma issuehan ng panibagong titulo kung saan ang share ng papa mo mailipat sa panibagong title na naka pangalan sa kanya.

Kung di sila magkakasundo sa nasabing extrajudicial settlement, ay wala na kayong choice, kung di ang pumunta sa Korte, para mag file ng peititon for Judicial Settlement of Estate with a Deed  of Partition, kung saan ang hukuman mismo ang siyang mag-utos sa lahat ng mga compulsory heirs or tagapag mana ng lolo mo na pag papartihin ang nasabing ari-arian ng sang-ayon sa batas, basi doon sa formula sharing nabanggit sa itaas.

Salamat sa paging bahagi ng “Batas Pinoy Global Community”.

Disclaimer: Batas Pinoy Corner Not Legal opinion:

Material placed on this corner  is for the purpose of providing information only. It is not intended as  practice of law or legal services.  Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer.  Such circumstances or  understanding of the facts as conveyed to the writer  by the sender may not actually  reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and  as understood by the writer.

This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The content provided by Batas Pinoy Corner  is not meant to be a substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professional for  legal advice as regards to the information obtained in this column.

* *  *   

Readers who may have legal concerns affecting their persons, property, rights,title and related interest concerning Philippine laws and jurisdiction, are welcome to e-mail their query  either in English or Pilipino in plain, concise and orderly  presentation of facts in order to avoid vagueness and misunderstanding of your stories, for appropriate comments  to: attyrw@gmail.com  .

                                               

                                                                 

Exit mobile version