Alahoy ! Alahoy ! Maligayang Pasko !
Tropa ng Kalabit, bumabati sa inyo !
Ang Diwa ng Pasko kung isasaulo:
Tahimik ang mundo, masaya ang tao.
* * *
Manny ! Money ! Manny ! Pinacquio na lahat !
Ken Le – on ! Ken Tigre ! Pati si Goliath !
Pacquiao ! Walang tinge ! Kabig ! Nu – ay tulak !
Kahit against all odds ! Si Bay walang gulat !
* * *
Viva ! Manny Pacquiao ! Mabuhay ! Mabuhay !
Sambayanang Pinoy pinaghihiyawan !
Mabuhay si Jinkeeee ! Iba sinisigaw !
Merong pulitiko, nabulong ke Pacquiao ?
* * *
Congrats ! Phil Reporter ! 4th award na ! Bien – bien !
From Ethnic Press Council, the best ang Reporter !
Wah! Sa editorial, at design e winner !
Si Hermie Garcia, ano raw, nagpa – beer ?!
* * *
Konsehal Jim Borres, dun sa Quezon City,
Napakapupular ! Matulungin kase !
Kung maging congressman, e lalung maige !
Jimbo ! Jimbo ! Jimbo ! Sigaw ni Eddie Lee.
* * *
Bravo ! Encore ! Concert ng Mabuhay Singers !
Sa PhilamLife Theater, November 26,
“Ginintuang Gunita” ang title ng concert,
Ika – 50th year, Mabuhay pag-awit !
* * *
Tatlo sa Mabuhay, alang kupas sila !
Si Carmen, Cely, Raye ! Nasaan ang iba ?
Ewan nyo, ewan nya ? Me namayapa na ?
Saan man naroon ! Tiyak nahirit pa !
* * *
Seniors sa Square One, at sa Howard Street,
Ang Mabuhay Singers, kanila raw favourite !
Unang album nilang ‘Halina’t Umawit’
Okedok! Kikodok ! Naghit! Parang hotcake !
* * *
” Sino Si Santa Klaus ? ” lyrics sinulat ko,
Orig ang Mabuhay na nag – record nito;
Anung taon noon, nang irecord kanyo ?
Teka … panahong yon ? Bigas di per kilo !
* * *
O, bueno ! Jingle bells! Staff ng BALITA,
From Ka Ruben and Tess — sumainyo nawa,
Merry, Merry Christmas ! Iwasan, sana nga !
Bibig e bumula ! Wapelo ! Oka – ka !