Eskeremengoles! Major! Major! Mistake?
Doon po sa atin, ngayon bukambibig!
Wakanga! Sez intsik, sa palpak na pulis!
At wakanga pa rin! Names e nagkapalit!
* * *
Alahoy! Alahoy! Yung jueteng na naman!
Retired Obispo Cruz, sez business as usual!
Taong Malacanang natanggap ng lagay?
Lumang tugtugin na! Singhal ni Cabuyao!
* * *
Sabi ni Do-Re-Mi, jueteng is forever!
Erap nang sugpuin? Erap nang pigilin?
Ilegalize na lang! Penpendeserapen!
Ecayubabagot! Hmp! Anak ng Jueteng!
* * *
Si Joey Velasco, hindi Amorsolo!
Pero paintings niya, ngayon paborito!
“Hapag ng Pag-asa” e numero uno!
Isang obra maestra! Ta – touch sa puso nyo!
* * *
“Hapag ng Pag-asa” e parang “Last Supper”
Pagkakaiba lang, si Jesus, ka – dinner,
Hindi disipulos! Street kids ang dating!
Lipus ng pag – asa, ang nasasalamin!
* * *
Si Joey pumanaw, kamakailan lang;
Si P – Noy dumalaw sa nabyudang ginang!
Nagulat ang huli, di inaasahan!
Makadaup – palad! Pag – asa ng Bayan!
* * *
Si Luz del Rosario! Para konsehala!
Dun sa Ward 11, nitong Mississauga.
Bakit di si Resty, ang tanung nung iba?
Kung sa Pangasinan, si Resty, baka pa!
* * *
Si Irene Violette, dun sa Delta Bingo!
Bah, nilalapitan bawat Filipino!
Hwag daw kalimutan, na si Luz iboto!
Si Irene e Prance! Wah! “Wi, mersibuku!”
* * *
Huh, sigaw ni Tembong! Irene! Irene! Irene!
kasel hanga si Tem, sa sipag pag – campaign!
Katwiran ni Irene, si Luz, e perfect 10!
Sa Carassauga po, si Luz, kanilang chair.
* * *
Si Willie ‘Wowowee’ sabi sa TV5!
Magkakaron ng show! Tanung namin agad!
“Naron ba si Congrats!” Pagdipa ni Congrats!
Miss na miss ng lahat! Lalo pag naliyad!