MAITUWID SA TAMA

By | May 16, 2010

Q. Atty. Rogie Wong, isa ako sa masugid na mambabasa sa inyong column. Napag alaman ko po na kayo ay mahihingian ng payo.

Kami po ay dumating sa Canada September 2007 so it is our third year now here . Ngayon po ay common law relationship lang ako. May dalawa pong anak. My daughter is 23 yrs. Old and my son is twenty two yrs. Old.

Iniwan po kami ng husband ko when my youngest son was only three (3) years old. Nung nasa Pilipinas pa po ako nakisama na po siya sa iba, at nag kaanak ng isa. Then hindi nagwork yung pagsasama nila, at nakisama na naman siya ng iba at nag-karoon ng apat na anak sila.

Alam ko po na pinakasalan niya yung huli.Yun po ang huling balita ko tungkol sa kanya pero di ko na po siya nakita. Kaya po ako humihingi ng tulong sa inyo ay upang malaman ko na kung pwede ko pong pakasalan ang taong kinakasama ko for the last nineteen (19) years . Ito pong common-law partner ko ngayon ay hindi po kasal sa iba.

Gusto ko lang sana sa mata ng Diyos at ng tao maitama ko ang aking pagkakamali. Sa ngayon po ay nahaharap kami sa malaking pagsubok. Naisip ko pong bawasan man lang ng isang problema ang bigat ng dibdib ko. Sana po ay matulungan ninyo ako. Lubos na gumagalang… ELV

Ans: Kung nais mong makasal sa iyong kinakasama ngayon, ito ay mag-karoon lang ng legal na bisa kung mapawalang bisa muna ang subsisting or existing marriage ng mga contracting parties. More particularly, your subsisting marriage in the Philippines.

Kasi kung ang previous marriage ay subsisting pa, ibig sabihin nito ay hindi pa annulled o nag-karoon ng Divorce, ayon sa batas ano mang kasal ang gaganapin , ito ay walang saysay, kahit pa gaano na katagal na hindi kayo nag-sasama ang dating mong asawa .

Tandaan natin na sa Batas ng Pilipinas na walang Divorce para sa mga Filipino citizen, ang “marriage” is a lifetime commitment. Unless this marriage is severed by annulment or divorce under certain exemption ng Art. 26 ng ating Family Code.

Tungkol naman sa kalagayan mo at sa plano mong pag-papakasal, dapat maka-kuha ka muna ng divorce decree sa Canada laban sa una among husband na sinabi mo na nag-iwan sa iyo noong musmos pa lang ang anak mong lalaki .

Pero dapat bago ka mag-file ng petiton for divorce, kinakailangan muna na ikaw ay maging ganap na Canadian citizen. Nasabi mo na kayo ay tatlong taon ng sa Canada. Samakatuwid iligible na kayo na mag-apply ng Canadian citizenship , assuming that you have been a landed immigrant already for the past three years. Kung hindi pa man kunting panahon na lang ang iyong hihintayin.

Huwag na huwag kang mag apply o kukuha ng Divorce kung ikaw ay hindi na ganap ng Canadian citizen. Marami sa ating mga kababayan ang nag-karoon ng problema sa maling hakbang na ito pag-dating na sa pag sponsor ng kanilang bagong pinakasalan.

Only to find out na hindi pala maaring isponsor yong bago nilang asawa kahit may divorce judgment na sa dahilang ang panibagong kasak ay walang bisa dahil at the time na grant yong divorce, Filipino citizen pa rin sila . Salamat sa pag-sulat mo at good luck sa inyo!