Balita

Lydia NoNo, noon! Lydia YesYes, ngayon?

Lydia NoNo, noon!

Lydia YesYes, ngayon?

$20 million winner! Eskeremengoles!

Si Lydia Nono po! Ngayon, Lydia Yesyes?

Kung pano nya na-pick ining winning numbers!

Ewan ko! Ewan nyo? Ancient Chinese secret?

* * *

Lawiswis Kawayan! Si Lydia, ang dasal,

Ilokano kaya? Baka, Pangasinan?

Visaya? Tagalog? Baka, English naman?

Siya ang tanungin! Ngayon e nasaan?

* * *

Sez Pilosopong Lao, ang gulong ng palad,

Pag – ikot di tiyak! Mababa! Mataas!

Tsk – tsk! Me ang daing, sa baba madalas?!

Kung subukan kayang gumamit ng tyakad?

* * *

Undersickretary Popoy, laging puro,

Siya magkaminsan napunta sa Bingo,

Me kapunapunang kapwa Pilipino

Hi-hi! ang reaksyon, pag talo / panalo!

* * *

Oka – ka! Oka – kaka! Pag hindi natama,

Nalapit at friendly, masaya! Madada!

Me pag naka – jackpot di na nabati nga!

Naiwas pa, inda! Muntik nang madapa!

* * *

Hinagpis ni Tembong! Me Pinoy ganito,

Kala mo hihingan lagi ng balato!

Ang marapat sana, manalo o matalo,

Pakikipagkapwa e hwag magbago!

For prexy si Noynoy e tuloy na tuloy!

Sumigla madlang Pinoy! Anak ng Kalikoy!

Nepu. Cory’s Magic! Alahoy! Alahoy!

Laban! Ang sigaw! Mabuhay si NoyNoy!

* * *

Sir Tomas Kaluban, e sinaluduhan

Si Senator Roxas, na isang marangal,

Kay Noynoy Aquino, ay ‘nagbigay – daan’

Bibihira lang daw ang katulad ni Mar!

* * *

Wha! Sa Venice filmfest, ‘Engkwentro’ ang nanalo!

Film ni Pepe Diokno! Idad nya? Twenty two!

The youngest filmmaker! Kikodok alam mo,

The late Jose Diokno, e kaniyang lolo;

* * *

Carlo J. Caparas, as National Artist,

E, tinututulan nitong ibang critics!

Kung meroong ayaw, Carlo J! Ibakwit!

Buti pang sa komiks ikaw e bumalik?

carlo j. kanyanbg pelikula puro raw

massacre, ngayon

Exit mobile version