KABANATA 40
ARAW NG PASASALAMAT
Tapos na ang kanilang honeymoon. Nasa kani-kanilang tirahan na sila.
Pagkatapos ng tatlong araw na pagpapahinga at bilang pagtupad sa utos ng kanyang ispesyalistang manggagamot bago sila umalis, si Carlo, kasama ang kanyang bagong maybahay ay nagpunta sa klinika nito upang muling magpa-check-up.
Tulad nang dati ay binigyan siya nang complete medical check-up. Kinuhanan siya ng dugo. Ini-X ray siya. Binigyan ng MRI scan.
Makalipas ang tatlong araw ay ipinatawag siya ng manggagamot.
Saglit na nabahala si Carlo. At sino ang hindi mababahala? Sa kanyang mga karanasan, kapag ayos ang mga resulta ng mga pagsusuri ay hindi siya ipinatatawag. Ang pagtawag kaya ay nangangahulugang may nakita sa kanyang hindi maganda.
Tinanong niya ang kanyang sarili. Lumabas na kaya ang resulta ng kanyang mga check-up? Lumubha kaya o bumuti ang kanyang kalagayan?
IYO’Y isang araw na siya ang unang pasyente. Pagdating niya sa klinika, pagkatapos mag check-in sa medical secretary, ay kaagad siyang ipinatawag ng manggagamot.
Sinalubong siya ng manggagamot ng siya’y pumasok sa examination room nito. Masaya at nakangiti ang manggagamot ngunit iba ang ngiti nito – ngiti nang hindi maipaliwanag na kaligayahan.
Nagkakamot ng ulo at halatang maganda ang dalang balita ng manggagamot. “Milagro.”
“Ang alin?”
“Ang kalagayan mo?”
“Bakit?”
“Ngayon lang nangyari sa akin ito.”
“Ang alin?”
“Ang kalagayan mo.”
“Ang kalagayan ko’y ano?”
“Pinagmilagruhan ka.”
Nangiti si Carlo sapagkat alam niyang may katotohanan ang sinasabi ng manggagamot. “Pinagmilagruhan ako?”
“Sa palagay ko.”
“Bakit mo nasabi iyan?”
Saglit na di kumibo ang manggagamot. Pagkuway marahan siyang nagpatuloy, “Biglang nawalang lahat ang cancer cells sa katawan mo.”
“Oh my God!”
“Nangyari ito nang magpunta ka sa Israel. Pinagmilagruhan ka!” Lumakas nang kaunti ang boses ng manggagamot, marahil ay nang dahil sa tuwa.
Sandaling katahimikan.
“Gusto mong ikuwento ko sa iyo ang nangyari sa akin doon.”
“Gusto ko.”
“Makinig ka.”
“Nakikinig ako.”
Isinasaysay ni Carlo ang naganap sa kanya sa Jerusalem.
Isinalaysay niya ang kanyang mga ginawa sa Via Dolorosa patungo sa Church of the Holy Sepulcher – ang taimtim na pagdarasal ng siya, hawak ang may sinding kandila ay sumama sa prusisyon ng mga nanampalataya at ang pagbuhat niya ng kurus sa isa sa labing apat na stations.
Isinalaysay din niya ang kanyang mga ginawa ng siya ay nasa loob na ng Church of the Holy Sepulcher – ang pagluhod sa paanan ng replikang kurus at katawan ng Panginoon, ang taimtim na pananalangin, ang muling paghingi ng tawad sa kanyang mga ginawang kasalanan sa panahon ng kanyang kapilyuhan, ang pagtutulos ng kandila sa altar, ang pagluhod sa Stone of Unction at ang pagbasa ng kanyang kamay sa langis na naroon at ang pinakamahiwagang naganap sa kanyang buhay, ang malamig na kamay na dumampi sa kanyang likod at balikat sa Chapel of the Angel.
Nakatanga ang manggagamot, tila hindi makapaniwala sa kanyang narinig.
Pagkuway ipinikit niya ang kanyang mga mata, mandiy tila iniisip kung siya ay nanaginip lamang.
Tumaas ang kanang kamay ng manggagamot. Tinapik niya sa kanang balikat si Carlo, “Mapalad ka, kaibigan. Siguro, dahil sa mga ginawa mong mga kabutihan kaya ka pinagmilagruhan. Sandaling tumigil sa pagsasalita ang manggagamot bago nagpatuloy, “May naisip ako.”
Nahiwagaan si Carlo sa sinabi ng manggagamot. Nagpalipas siya nang ilang segundo bago nagpatuloy, “Ano’ng naisip mo?”
“Kung isulat kaya natin ang kasaysayan ninyo ni Raphael?”
“Hindi masama.”
“Ano’ng malay mo, baka maraming gumaya sa mga kabutihang ginawa ninyo?”
“Pag-usapan natin.”
Nagkamay sila at nagtapikan sa balikat. Nagpaalam na si Carlo sa manggagamot.
MARAMI ng mga ginawang kabutihan si Carlo. Ngunit ngayon, sa paniniwala niya, ay hindi pa ganap ang kanyang mga pagbabago. Alam din niyang mayroon pa siyang mga dapat iwasto. Isa na rito ay ang hindi pagpapatawad sa mga taong nagkasala sa kanya tulad ng kapatid niyang si Melinda at ang salbahe nitong asawa. Naisip din niya na kung pinatawad nang Panginoong Tagapagligtas ang mga humalay sa kanya ay sino siya, gayong tao lamang siya, para hindi magpatawad.
May namuong plano sa kanyang isipan. Patatawarin niyang lahat ang mga taong nagkasala sa kanya at sa mga pinagkasalahan niya ay hihingi siya ng tawad.
Ipatatawag niyang lahat ang mga ito at kung sino man ang ma-contact ay aanyayahan sa isang “Araw ng Pasasalamat” na kanyang itatakda.
Ipatatawag din niya sa “Araw ng Pasasalamat” ang lahat ng taong malapit sa kanya. Kung maari ay pauuwiin na rin niya si Bien. Ipatatawag rin niya si Melinda at ang salbahe nitong asawa.
ITINAON niyang gawin ang “Araw ng Pasasalamat” sa Biernes Santo.
Sa likod ng kanyang bahay, sa malawak na bakuran na kinatatayuan nito ay maayos at pabilog na nakapuwesto sa damuhan ang mga kulay puting plastic na upuan.
Naroon silang lahat, mga siyamnapu sila at marami ang sabay na kumakain at masayang nag-uusap-usap sa isang impormal na pagsasama-sama: mga taong malalapit sa kanya at malaking bahagi ng kanyang pagbabago sa pangunguna nina Raphael at Atty. Magtanggol; mga taong nagkasala sa kanya ngunit kanya nang pinatawad; mga dating girlfriends na kanyang niloko at pinagsamantalahan, ngunit ngayon ay humingi na siya ng tawad; mga kamag-anak na kanyang pinagkaitan ng tulong.
Naroon silang lahat. Naroon sila upang maging saksi sa isang “Araw ng Pasasalamat.”
Iba ang araw na ito. Sa isang dahilang madaling ipaliwanag ay kung bakit masaya at maaliwalas ang kanilang mga mukha, may ngiti ang kanilang mga labi at sa kapaligiran, madarama ang isang stress free environment.
“Please be seated,” pambungad na sabi ni Carlo.
Naupo silang lahat, maliban kay Raphael na kaagapay ni Carlo.
“Firstly, I would like to introduce my best friend, and he is a lot more than a friend to me as he is my brother, my confidant and my idol. Please welcome, Mr. Raphael Samonte.”
Palakpakan.
“Second to God, Mr. Samonte is the main reason why I did all those wonderful things and why I am, what I am now.”
Muli, palakpakan.
Hinintay ni Carlo na matapos ang palakpakan at maglaho ang ingay bago siya nagpatuloy, “To thank the Lord for all the wonderful things He did to me including the miracle, I ask that all of us stand up and form a circle.”
Tumayo silang lahat at kumilos patungo sa pabilog na anyo.
“I ask that we hold each other’s hand.”
Naghawak ang kanilang mga kamay.
“To thank the Almighty Lord for his miracle, I ask that everybody joins me in praying the Lord’s prayer.”
Kumalas ang kanilang mga kamay at ang mga iyo’y tumaas na ang mga siko’y nakadikit sa kanilang tagiliran, nakabaluktot nang kaunti at ang mga palad ay nakalahad, nakatingala sa langit, tulad ng palad ng isang pulubing humihingi nang kaunting habag.
“Let us pray the Lord’s prayer.”
Mataimtim silang nagdasal.
“Our father,
who art in heaven,
hallowed be thy name,
thy kingdom come,
thy will be done,
on earth,
as it is in heaven,
Give us this day,
our daily bread,
and forgive us our trespasses,
as we forgive,
those who trespass against us,
and lead us not into temptation,
but deliver us from evil.
Amen.
Nagkalas ang kanilang mga kamay. Lumapit sila sa isa’t isa at isa-isa silang nagyakap.
WAKAS
Rene Calalang
Scarborough, Ontario
December 12, 2009