Balita

LEGAL BA YONG KASAL KO?

Q. Hi Sir, caregiver po ako dito sa Canada. Widow po ako since 1994. Bago po ako pumunta dito ng 2006 ay may pinakasalan po ako, hiwalay siya sa asawa niya ng mga 20 years na. Kinasal kami na single ang nilagay niya. Pero nakarehistro pa rin ang kasal niya sa una at yung sa akin sa munisipyo.

Ang tanong ko po legal po ba yung kasal namin? Nakipag hiwalay na din po ako sa kaniya mga 1 year na po. Pero wala kaming legal separation. Kung hindi po legal yung kasal namin at nakarehistro sa census, ano po ang dapat kong gawin? Gusto ko po na maging legal yung hiwalay namin. Pero dito po sa Canada widow ang apply ko. Gusto ko po na maging malinis yung pakikipag hiwalay ko. Ano po dapat kong gawin? MARGIE.

ANS: Hi there, tungkol sa iyong situasyon , ang iyong pangalawang kasal ay walang bisa sa ilalim n gating Batas. Ang kasal na ito ay maituturing ng bigamous marriage. Kahit na 20 years na silang magkahiwalay ng kanyang asawa, sila ay mag-asawa pa ring maituring ng Batas.

Ang pag hiwalay mo sa iyong pangalawang asawa ay walang legal na

“significance” dahil hindi mo naman siya legal na asawa dahil ayon

ating Family Code, ang kasal ninyo ay “Void” o walang saysay at bisa,

kahit na naka-rehistro sa census or NSO o hindi ang iyong naging kasal.

Ayon sa batas, hindi nangangahulugan na pag ang kasal ay naka-rehistro sa NSO o sa civil registrar , ito ay may bisa or walang bisa. Ang pag parehistro ng kasal sa nasabing ahensya ng governo ay bahagi lamang ng tungkulin nito na maisaayos ang mga documentong may kinalaman sa kapakanan ng bayan tulad ng kasal. Ang kasal ay may bisa, kung ito ay sinagawa sang-ayon sa batas, at ang hukuman lamang ang maaring maka pag bigay ng hatol kung ang isang kasal ay may bisa o wala sang ayon sa batas na nag tatakda nito .

At kung gusto mo talagang malinis ang iyong pangalan sa usaping ito,

ang maaring mong gawin ay mag-file ka ng “Judicial Declaration of

nullity of prior marriage” sang-ayon sa Art. 39 ng ating Family Code,

lalo na kung may balak ka pang mag-asawang muli.

Kinakailangang lang na kung gawin mo ito, ikaw ay nasa Pilipinas, upang personal kang haharap sa ating hukuman . Good luck sa iyo . Maraming Salamat sa pag-sulat mo.

Disclaimer: Batas Pinoy Corner Not Legal opinion:

Material placed on this corner is for the purpose of providing information only. It is not intended as practice of law or legal services. Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer. Such circumstances or understanding of the facts as conveyed to the writer by the sender may not actually reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and as understood by the writer.

This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The content provided by Batas Pinoy Corner is not meant to be a substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professional for legal advice as regards to the information obtained in this column.

Exit mobile version