Balita

Last Will and Testament and Rights of Step-Mother

Q. Magandang Araw po Atty. Wong. Una sa lahat maraming salamat po sa  opportunidad at serbisyo na binibigay nyo po sa aming mga Filipino. 

Ako po sana ay katanungan tungkol sa lupa na naiwan ng Tatay ko. * Namatay po ang Tatay ko nito lang po July 15, 2021 

* Siya po ay hiwalay sa Nanay ko since 1988 hindi po sila kasal. Nagkaroon po  sila ng 3 Anak at kami po ung wala na po silang ibang anak except po sa amin 

* Nagasawa po ulit yong Tatay ko at hindi din po nya pinakasalan, sila po ay  nagsama more than 20 years at na stroke po yong tatay ko ng 2005 at yong  stepmother ko na po ang nagaalaga sa kanya since po Nuon at hindi po sila  nagkaroon ng anak. 

* 3 po kaming magkakapatid at wala po siyang ibang anak pati sa step mother ko  kami lang po 3 ang kanyang mga anak. 

* Bago po namatay ang Tatay namin di na po kami naguusap sa kadahilanan po  na masama ang loob sa amin ng Tatay namin at di po kami nagtapos ng aming  pag aaral nung buhay pa po siya everytime po na mag aabot ang tulong hindi po  tinatangap ng stepmother ko kasi daw po magagalit ang tatay ko. 

* Hangat namatay ang tatay ko di po nya kina kausap nung Namatay sya hindi  din po kami nakauwi dahil sa Covid sinagot ko nalang po ang pagpapalibing sa  kanya sinagot namin mga anak 

* Meron po syang dalawang Lupa naiwan ung 900 SQ Meter po sa Pangasinan and 2 Hectare sa Masbate na minana po ito ng Tatay ko sa mga grandparents  namin. 

* Nong namatay po siya napagalaman ko nalang po na ung lupa nya 900 SQ  Meter sa Quezon city ay nakasangla po sa kamag anak namin ng 200K ginamit  po ung pera nung nagkasakit sya. 

* Nung namatay po ang Tatay ko after 5 Months pinag desisyun po ng  Stepmother ko na ibenta ang Lupa na naka sangla sa kamag anak since wala  pong pera ay kamag anak ko at upang mabayaran sya ay ibenenta po niya sa  ibang tao ng 500K. 

*Kami po ang mga anak ang pumirma sa deed of sale kasi kami daw po ang  heirs 

* Nung una hindi po sana kami bigyan ng share ng Stepmother sa bintahan ng  lupa kasi ang rason niya ay papagawa daw po niya ng Bayuhan sa palayan ng  Tatay ko sa isang lupa niya sa Burdeos 

* Hanggat sa Pumayag sa na bigyan kami ng share na 100K( hati hati kaming 3  magkakapatid) ng Stepmother namin sa bentahn ng Lupa at ang napunta po sa  kanya ay 150K Yong iba po ay binayad sa mga utang ng Tatay ko ang Net po na  natira ay 250K. 

* Nasa kanya po ang title ng Lupa sa Masbate kasi nagiwan po ng Last Will ang  tatay ko na iiwan sa kanya ang ari arian nya at pag ayaw nya daw sa Lupa ibigay  daw nya sa aming 3 magkaapatid hand written po ang Last Will na ginawa. 

* Ngayon po gusto kong kuning ang title at gusto ko po kaming mga anak ang  hahawak ayaw po niyang ibigay 

* Ayaw din po nya kaming share sa income ng palayan naman sa Masbate ang  katwiran po nya ay kinuha na daw namin ang share sa lupa sa Infanta ung 100K  at wala na daw po kaming Share sa Palayan dahil ung Pera na share nya na  150K ang ginamit nya para bumili ng bayuhan. 

Ang tanong ko po ay. 

1.Tama po ba ang hatian namin sa bentahan ng Lupa na 100K sa aming 3 Anak  150K sa kanya? May mga utang po ung tatay ko at net po na naiwan ay 250K. 2. Sino po ba ang may karapatan na humawak ng Title ng Lupa? 3. Dapat po ba kaming manghingi ng Share sa income ng palayan namin sa  Burdeos sa isang Lupa ng tatay ko kahit sya ang nag ma manage? 

Maraming Salamat po! God Bless you po. Claudia xxx

ANS: Hello there, Base sa kwento mo at bilang kasagutan sa mga tanong at  concerns mo, ay take note of the following : 

Dahil hindi kasal ang step mother mo at ang inyong tatay, kung pagbabasihan  natin ang batas ang maituturing lamang na compulsory heirs o tagapagmana ng  tatay mo sa lahat ng naiwang ari-arian ay kayong 3 anak lamang considering na  wala ng ibang anak ng tatay mo sa kasal man o hindi kasal. Ang step mother 

hindi maituturing na surviving spouse o tagapagmana.  

However, base sa kwento mo at dahil mayroong Last Will and testament ang  inyong tatay na sulat kamay lamang, at ito ay maituturing na isang holographic  will, ay maaring valid ito, kung ung nasabing WILL ay sangayon sa testamentary  succession law. At upang maisakatuparan ang WILL ay kailangan pang i 

probate ito sa korte upang mapatunayan ang intrinsic at extrensic validity nito.  Assuming na valid ung WILL, ang partihan ng naiwang mga ari-arian ng  inyong tatay ang sumusunod: Ung 1/2 ay naka reserved sa inyong 3 tatlong  magkakapatid. Ang tawag nito ay Legitimes.  

 Protektado ang inyong legitimes ng batas. Hindi pwede itong ipagkait ng  testator sa mga compulsory heirs. ung natiarang 1/2 ay maituturing na free  portion. At dito kukunin ang pambayad ng utang ng tatay mo noong nabubuhay  na siya. At dito sa free portion na ito ay kukunin ang legitime ng surviving  spouse. However, dahil hindi kasal ang step mother mo at ang tatay mo ay hindi  siya entitled na mag mana bilang compulsory heir, pero maaring maitalaga ang  step mother mo sa voluntary heir or beneficiary sa ilalim ng nasabing WILL. 

Maari lang mag mana ung step mother mo at dito kukunin sa free portion ang  maaring ipag kaloob sa step-mother ninyo. Take note na kahit sino, kaibigan,  kamag anak ng tatay mo ay maaring maging voluntary heir or beneficiary. 

Pag hindi naitalaga ang ang step-mother as voluntary or beneficiary heir ay  hindi siya entitled na matanggap ng mana at ano mang mga ari-arian ng tatay  ninyo , at ang lahat ng natira sa free portion ay mapupunta na rin sa inyo. 

At bilang mga compulsory heirs ng inyong tatay, ay entitled kayong mayroong  possession sa lahat ng mga ari-arian ng tatay ninyo including ung titulo ng lupa,  mga income or ani ng lupa, palayan, 

Sa kabilang dako naman kung walang will o hindi valid ang will at makatapos  itong ma-probate sa korte, ang lahat ng mga ari-arian ng tatay mo ay 100%  mapupunta sa inyo, kasama na ang ano possession at  administration/management ng lupa, mga income, produkto, ani, pinag bilhan  ng mga ari-arian ng tatay mo ay mapunpunta sa inyong 3 magkakapatid at 0 at  walang mapunta sa inyong step mother. 

Base sa naipahayag sa itaas ay nandoon na rin ang mga kasugutan sa mga  specific na mga katanugan ninyo. 

Xxxx xxx 

Learning is empowerment. For more information follow the Batas Pinoy Global in  the YouTube.com Batas Pinoy Channel. kindly click the subscribed, sharelike buttons and tap the notification bell, for future video updates. 

Disclaimer: Batas Pinoy Global Community(BPGC). Not Legal opinion: 

Material placed on this corner is for the purpose of providing information only. Any communication from this  corner does not create lawyer-client relationship of whatever nature and for whatever purpose. It is not  intended as practice of law or legal services. Although the writer believes this information to be accurate at  the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer. 

Such circumstances or understanding of the facts as conveyed to the writer by the sender may not actually reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and as understood by the writer. 

 This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of  the information provided in this writing. The contents provided by Batas Pinoy Global Community(BPGC) are not meant as substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professionals for legal advice as regards the emailed or forwarded queries and the corresponding information furnished or as  viewed by BPGC.  

Readers who may have legal concerns affecting their persons, property, rights, title and related interest  concerning Philippine laws and jurisdiction, are welcome to e-mail their query either in English or Pilipino  in plain, concise and orderly presentation of facts, (as no follow-up or clarification of queries will be  entertained to give way to others in the queue ) in order to avoid vagueness and mis-appreciation of the  facts of your stories. For appropriate information write to: attyrw@gmail.com .  

Exit mobile version