Q. Magandang Araw po Atty. Wong. Una sa lahat maraming salamat po sa opportunidad at serbisyo na binibigay nyo po sa aming mga Filipino.
Ako po sana ay katanungan tungkol sa lupa na naiwan ng Tatay ko. * Namatay po ang Tatay ko nito lang po July 15, 2021
* Siya po ay hiwalay sa Nanay ko since 1988 hindi po sila kasal. Nagkaroon po sila ng 3 Anak at kami po ung wala na po silang ibang anak except po sa amin
* Nagasawa po ulit yong Tatay ko at hindi din po nya pinakasalan, sila po ay nagsama more than 20 years at na stroke po yong tatay ko ng 2005 at yong stepmother ko na po ang nagaalaga sa kanya since po Nuon at hindi po sila nagkaroon ng anak.
* 3 po kaming magkakapatid at wala po siyang ibang anak pati sa step mother ko kami lang po 3 ang kanyang mga anak.
* Bago po namatay ang Tatay namin di na po kami naguusap sa kadahilanan po na masama ang loob sa amin ng Tatay namin at di po kami nagtapos ng aming pag aaral nung buhay pa po siya everytime po na mag aabot ang tulong hindi po tinatangap ng stepmother ko kasi daw po magagalit ang tatay ko.
* Hangat namatay ang tatay ko di po nya kina kausap nung Namatay sya hindi din po kami nakauwi dahil sa Covid sinagot ko nalang po ang pagpapalibing sa kanya sinagot namin mga anak
2
* Meron po syang dalawang Lupa naiwan ung 900 SQ Meter po sa Pangasinan and 2 Hectare sa Masbate na minana po ito ng Tatay ko sa mga grandparents namin.
* Nong namatay po siya napagalaman ko nalang po na ung lupa nya 900 SQ Meter sa Quezon city ay nakasangla po sa kamag anak namin ng 200K ginamit po ung pera nung nagkasakit sya.
* Nung namatay po ang Tatay ko after 5 Months pinag desisyun po ng Stepmother ko na ibenta ang Lupa na naka sangla sa kamag anak since wala pong pera ay kamag anak ko at upang mabayaran sya ay ibenenta po niya sa ibang tao ng 500K.
*Kami po ang mga anak ang pumirma sa deed of sale kasi kami daw po ang heirs
* Nung una hindi po sana kami bigyan ng share ng Stepmother sa bintahan ng lupa kasi ang rason niya ay papagawa daw po niya ng Bayuhan sa palayan ng Tatay ko sa isang lupa niya sa Burdeos
* Hanggat sa Pumayag sa na bigyan kami ng share na 100K( hati hati kaming 3 magkakapatid) ng Stepmother namin sa bentahn ng Lupa at ang napunta po sa kanya ay 150K Yong iba po ay binayad sa mga utang ng Tatay ko ang Net po na natira ay 250K.
* Nasa kanya po ang title ng Lupa sa Masbate kasi nagiwan po ng Last Will ang tatay ko na iiwan sa kanya ang ari arian nya at pag ayaw nya daw sa Lupa ibigay daw nya sa aming 3 magkaapatid hand written po ang Last Will na ginawa.
* Ngayon po gusto kong kuning ang title at gusto ko po kaming mga anak ang hahawak ayaw po niyang ibigay
* Ayaw din po nya kaming share sa income ng palayan naman sa Masbate ang katwiran po nya ay kinuha na daw namin ang share sa lupa sa Infanta ung 100K at wala na daw po kaming Share sa Palayan dahil ung Pera na share nya na 150K ang ginamit nya para bumili ng bayuhan.
Ang tanong ko po ay.
1.Tama po ba ang hatian namin sa bentahan ng Lupa na 100K sa aming 3 Anak 150K sa kanya? May mga utang po ung tatay ko at net po na naiwan ay 250K. 2. Sino po ba ang may karapatan na humawak ng Title ng Lupa? 3. Dapat po ba kaming manghingi ng Share sa income ng palayan namin sa Burdeos sa isang Lupa ng tatay ko kahit sya ang nag ma manage?
Maraming Salamat po! God Bless you po. Claudia xxx
3
ANS: Hello there, Base sa kwento mo at bilang kasagutan sa mga tanong at concerns mo, ay take note of the following :
Dahil hindi kasal ang step mother mo at ang inyong tatay, kung pagbabasihan natin ang batas ang maituturing lamang na compulsory heirs o tagapagmana ng tatay mo sa lahat ng naiwang ari-arian ay kayong 3 anak lamang considering na wala ng ibang anak ng tatay mo sa kasal man o hindi kasal. Ang step mother
hindi maituturing na surviving spouse o tagapagmana.
However, base sa kwento mo at dahil mayroong Last Will and testament ang inyong tatay na sulat kamay lamang, at ito ay maituturing na isang holographic will, ay maaring valid ito, kung ung nasabing WILL ay sangayon sa testamentary succession law. At upang maisakatuparan ang WILL ay kailangan pang i
probate ito sa korte upang mapatunayan ang intrinsic at extrensic validity nito. Assuming na valid ung WILL, ang partihan ng naiwang mga ari-arian ng inyong tatay ang sumusunod: Ung 1/2 ay naka reserved sa inyong 3 tatlong magkakapatid. Ang tawag nito ay Legitimes.
Protektado ang inyong legitimes ng batas. Hindi pwede itong ipagkait ng testator sa mga compulsory heirs. ung natiarang 1/2 ay maituturing na free portion. At dito kukunin ang pambayad ng utang ng tatay mo noong nabubuhay na siya. At dito sa free portion na ito ay kukunin ang legitime ng surviving spouse. However, dahil hindi kasal ang step mother mo at ang tatay mo ay hindi siya entitled na mag mana bilang compulsory heir, pero maaring maitalaga ang step mother mo sa voluntary heir or beneficiary sa ilalim ng nasabing WILL.
Maari lang mag mana ung step mother mo at dito kukunin sa free portion ang maaring ipag kaloob sa step-mother ninyo. Take note na kahit sino, kaibigan, kamag anak ng tatay mo ay maaring maging voluntary heir or beneficiary.
Pag hindi naitalaga ang ang step-mother as voluntary or beneficiary heir ay hindi siya entitled na matanggap ng mana at ano mang mga ari-arian ng tatay ninyo , at ang lahat ng natira sa free portion ay mapupunta na rin sa inyo.
At bilang mga compulsory heirs ng inyong tatay, ay entitled kayong mayroong possession sa lahat ng mga ari-arian ng tatay ninyo including ung titulo ng lupa, mga income or ani ng lupa, palayan,
Sa kabilang dako naman kung walang will o hindi valid ang will at makatapos itong ma-probate sa korte, ang lahat ng mga ari-arian ng tatay mo ay 100% mapupunta sa inyo, kasama na ang ano possession at administration/management ng lupa, mga income, produkto, ani, pinag bilhan ng mga ari-arian ng tatay mo ay mapunpunta sa inyong 3 magkakapatid at 0 at walang mapunta sa inyong step mother.
Base sa naipahayag sa itaas ay nandoon na rin ang mga kasugutan sa mga specific na mga katanugan ninyo.
4
Xxxx xxx
Learning is empowerment. For more information follow the Batas Pinoy Global in the YouTube.com Batas Pinoy Channel. kindly click the subscribed, share, like buttons and tap the notification bell, for future video updates.
Disclaimer: Batas Pinoy Global Community(BPGC). Not Legal opinion:
Material placed on this corner is for the purpose of providing information only. Any communication from this corner does not create lawyer-client relationship of whatever nature and for whatever purpose. It is not intended as practice of law or legal services. Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer.
Such circumstances or understanding of the facts as conveyed to the writer by the sender may not actually reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and as understood by the writer.
This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The contents provided by Batas Pinoy Global Community(BPGC) are not meant as substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professionals for legal advice as regards the emailed or forwarded queries and the corresponding information furnished or as viewed by BPGC.
Readers who may have legal concerns affecting their persons, property, rights, title and related interest concerning Philippine laws and jurisdiction, are welcome to e-mail their query either in English or Pilipino in plain, concise and orderly presentation of facts, (as no follow-up or clarification of queries will be entertained to give way to others in the queue ) in order to avoid vagueness and mis-appreciation of the facts of your stories. For appropriate information write to: attyrw@gmail.com .