Q. Good day po Atty. Magtanong lang po ako km po ay 8 magkakapatid pero magkaiba po ang tatay naming. Ung 6 kong kapatid sa unang aswa ng nanay ko . Kami 2 sa pangalawa po ung nanay ko po na kasal sa tatay ko na namaty na po. Itatanong ko lang po sana kung sino po ba talaga ang may karapatan sa lupa at bahay? kasi po buhay pa ang nanay ko ay parang inaangkin na po ng Kuya ko sa ina unq lupa at bahay dahil siya po daw nagbabayad ng Lupa. At itatanong ko rin po kunq sakali po may karapatan po ba siya na paalisin kaming 2 magkakapatidd, nakapangalan po ang lupa sa tatay ko. Salamat ko sa inyong sagot.
ANS: Kung kasal ang nanay at tatay mo,at ang nabanggit na lupa ay nasa pangalan ng tatay mo at ang lupang ito ay napundar nilang dalawa, ang ibig sabihin nito, ay silang mag asawa ng may-ari ng nasabing lupain bilang isang conjugal property, lalo na kung sila ay nakasal bago August 3,1988, kung saan naging effective ang Family Code na batas natin. Kung ang nanay at tatay mo ikinasal after the effectivity ng Family Code, ang nasabing property ay maituturing na absolute Community property nilang mag-asawa, lalo pat kung wala silang tinatawag na Pre-Nuptial Agreement.
Sa kadahilanan na ang 6 mong kapatid sa unang asawa at kayong dalawang magkapatid ay anak ng taytay mo, kayong magkakapatid ay maituturing na compulsory heirs ang inyong ama at taga pagmana niya. Kung kaya lahat kayong 8 magkakapatid ay maituturing na co-owners doon sa bahay at lupa na naiwan at pag mamay-ari ng iyong tatay.
Kung hindi kasal ang iyong tatay doon sa unang asawa, ung 6 na anak nila ay maituturing na mga illegitimate children. At kayong dalawang magkakapatid na kung saan kasal ang mga magulang ninyo ay maituturing na legitimate children.
Bilang legitimate children, mas malaki ang parte inyo sa mana mula sa inyong ama. Ang mana ng illegitimate children ay katumbas lamang ng kalahati ng inyong mana. Halimbawa, kung ang mana ninyo ay P100.00, P50.00 lang ang mana ng illegitimate children.
Bilang co-owners lahat kayo ay may karapatan sa lahat ng ari-arian ng inyong magulang bilang tagapamana nila. Tungkol naman sa claim ng kuya mo na siya ang may-ari ng bahay at lupa, ano ang katibayan niya? Nasabi mo na ang titulo ng lupa ay nasa pangalan ng tatay mo. Ang ibig sibihin nito, siya ung may-ari ng nasabing ari-arian.
Di maliwanag sa nabanggit mo na ang nagbabayad ng lupa at bahay at lupa ay ang kuya mo. Ito ba ay buwis ng lupa? Ipalagay na siya ng nag nag babayad ng buwis ng lupa, di nangangahulugan na siya ang may-ari nito. The fact na ang title ng lupa ay nasa pangalan ng tatay mo, ito ay nagpapatunay na ang tatay moa ng tunay na may-ari ng nasabing lupa at bahay.
Looking forward you’ll find the above in order as the “Batas Pinoy Global Community”(BPGC), welcomes you in this corner.
Disclaimer: Batas Pinoy Corner Not Legal opinion:
Material placed on this corner is for the purpose of providing information only. It is not intended as practice of law or legal services. Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer. Such circumstances or understanding of the facts as conveyed to the writer by the sender may not actually reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and as understood by the writer.
This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The content provided by Batas Pinoy Corner is not meant to be a substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professional for legal advice as regards to the information obtained in this column.
* * *
Readers who may have legal concerns affecting their persons, property, rights,title and related interest concerning Philippine laws and jurisdiction, are welcome to e-mail their query either in English or Pilipino in plain, concise and orderly presentation of facts in order to avoid vagueness and misunderstanding of your stories, for appropriate comments to: attyrw@gmail.com .
Dalawa lang po kaming magkapatid. Namatay po ang tatay namin na walang last will of testament. Ngayon pong may sarili na po akong pamilya, pwede ko po bang idemand sa nanay ko na kukunin ko na ang mana ko? Since hindi rin lang naman po kami magkasundo. Legal na anak po kami. Legally married po ang mga magulang namin. Ano po ang legal action na pwede kong gawin para makuha ko na po ang share ko sa mana ko from my dad? Thank you.