Balita

KARAPATAN SA MINANANG BAHAY AT LUPA

 

  1. Magandang araw po Attorney! May Nais po sana akong isanguni sa inyo tungkol sa titulo ng aming bahay na namana po namin sa aming namayapang ama.

 

Noong pumanaw po ang aking Lolo at Lola…napagkasunduan po ng mga kapatid ng tatay ko na ilipat sa pangalan niya ang titulo bilang siya ang nakababata nilang kapatid. 

 

Noong 2009, pumanaw po ang aking ama, napagkasunduan naman po naming magkakapatid na ilipat na din sa pangalan ng aking nakababatang kapatid ang titulong namana ng aking ama mula sa aming mga Lolo at Lola.

 

Balak po sana naming ibenta nalang ang lupa na aming namana subalit pinipigilan po Kami ng mga kapatid ng aking ama at sinasabing wala kaming karapatan dahil ipinangalan Lang daw po nila ang titulo ng bahay sa tatay ko. At ito nga po ay pag aari ng aming mga lolo at Lola kaya wala kaming karapatan na ibenta ito.

 

Ano po ba ang mga karapatan namin tungkol sa ganitong usapin? 

 Sana po ay masagot nyo po ang aking katanungan at ako ay maliwanagan.

 

Maraming Salamat po. Gumalang ng lubos, Lourdes

 

Sagot:  Hello Lourdes, mayroong dalawang aspeto ang usaping nabanggit mo. Kung susundin mo ang batas tungkol sa mana at kung wala namang last WILL and testament ang namatay mong Lola at Lola tungkol sa disposition ng kanilang ari-arian pag namatay nila, ang mga anak nila ay maituturing na tagapag mana ng kanilang mga ari-arian. At ang partihan nila ayon sa batas ay pantay-pantay. Ngayon nasabi mo na nagkasundo ang mga magkakapatid ng ipangalan sa tatay mo ang titulo dahil bunso siya. Ito ba ay nakasaad sa isang Extrajudicial Settlement na pirmado nilang magkakapatid ng tatay mo?

 

Kung ang intention ng magkakapatid na silang lahat ay pumahag sa arrangement na ito at ito talaga ang tunay na intention nila ng kanilang pinag pasunduan, nangangahulugan na nag waived sila ng kanilang mga karapatan in favor sa tatay mo bilang bunsong kapatid. So, kung titingan mo sa aspetong ito, eh ang tatay mo ang legal na nag mamay-ari ng lupa at ang evidence nito ay ang titulo ng lupa na nakapangalan sa iyong ama.

 

Di maliwanag kung sa paanong paraan napalipat sa tatay mo ang lupa ng lolo at lola mo.  Ito ba nasa Extrajudicial Settlement of Estate ? or Bilang Donation? Alin man sa mga nasabing dokomento ang ginamit, at dependi kung ano talaga ang nakasaad doon, ito ay ang masusunod at pag babatayan ang pag mamay-ari ng nasabing lupa. Samakatuwid, kung ang pagmamay-ari ng lupa ay talagang sa iyong amang namatay, kayo lang na mga anak na tagapagmana  nito ang maituturing na co-owners nito walang karapatan ang mga kapatid ng tatay mo maki-alam sa disposition ng nasabing property.

 

On the other hand, kung ang tunay intention ng mga magkakapatid ay ipinangalan lang sa tatay mo ang lupa na pag mamay-ari ng lola at lola mo, bilang isang trustee or ipinagkatiwala lang  ito at lalo na kung may kasulatan na maaring pag babatayan nito, ang ibig sabihin nito, ang tatay mo at ang mga kapatid niya ang maituturing na co-owners  or beneficial owners nito at mga taga pagmana ng iyong lolo at lola. Sa aspitong ito, ang maituturing lang na pag mamay-ari ng tatay mo ay yong parte niya or ang kanyang share doon sa legitimes or mana siya. For example kung lima(5) silang magkakapatid,bawat isa sa kanila ay may katumbas na 20% share or interest doon sa nasabing property.

 

So sa nasabing aspeto, maari ninyong manahin mula sa inyong tatay, ay yong katumbas lang ng kanyang mana.

 

Naway nabigyan linaw ng iyong mga katanungan ng Batas Pinoy Global Community.

 

Disclaimer: Batas Pinoy Corner Not Legal opinion:

Material placed on this corner  is for the purpose of providing information only. It is not intended as  practice of law or legal services.  Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer.  Such circumstances or  understanding of the facts as conveyed to the writer  by the sender may not actually  reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and  as understood by the writer.

 

This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The content provided by Batas Pinoy Corner  is not meant to be a substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professional for  legal advice as regards to the information obtained in this column.

 

* *  *   

Readers who may have legal concerns affecting their persons, property, rights,title and related interest concerning Philippine laws and jurisdiction, are welcome to e-mail their query  either in English or Pilipino in plain, concise and orderly  presentation of facts in order to avoid vagueness and misunderstanding of your stories, for appropriate comments  to: attyrw@gmail.com  .

                                              

                                                                

 

Exit mobile version