KARAPATAN NG MGA ANAK SA CONJUGAL PROPERTIES NG MAGULANG

By | May 22, 2018

Q. Hello opo Atty. Good day po, mayroon po ako katanungan at gusto po malinawan. ano po ba ang karapatan namin sa nasabi po na conjugal property ng aming magulang.

Ang father ko po ay pumanaw na 3 years ago na po ang nakalipas.Mother ko nalang po ang naiwan. Ngayon po may mga lupain at malaking bahay po na naiwan sa provincial. Anim(6) po kami na magkakapatid at ang bahay na iyon ako po ang nagpatapos at nagpaayos at nagpalaki nito.

Ano po ba ang karapatan ko upang mabawi ko ang pera na naibuhos ko sa bahay ng magulang ko. Lalo na po may lalaki na kinakasama sa ngayon ang mother ko.

Ano po ba ang dapat na gawin ko. At ang karapatan namin upang maprotictahan ang conjugal na ari arian ng magulang ko. May karapatan po ba ako na ibinta nalang ang bahay para makuha ko ang nagastos ko doon. Paano po kapag magpakasal siya doon sa teenage na kinakasama nya ngayon ano po ba ang dapat na gawin ko.

Bilang panganay na anak sa anim na magkakapatid at nandito po ako sa Canada ngayon, hindi po namin alam kng ano ang dapat naming gawin magka kapatid.

Sana po matulungan niyo po ako kung ano ang dapat at nang hindi mapunta doon sa bata na kinakasama niya ang lahat na pinaghirapan ng father ko.

Maraming salamat po atty.sana po matulungan nyo po ako sa problema namin ngayon…God bless po! OB.

ANS: Ang conjugal property ng mag-asawa ay pag aari nila. Pero pag namatay ang isa sa kanila, ang ½ nito ay mapupunta doon sa surviving spouse bilang conjugal share niya. Ung ½ ay pag papapartihin ninyong magkakapatid at ng iyong ina. Ito ang tinatawag na ESTATE ng tatay mo. Kayong mga 6 na magkakapatid at ang inyong ina ay maituturing na compulsory heirs ng iyong ama. Kaya equal sharing kayo doon sa estate ng inong ama.

Dapat magkaroon muna kayo ng Settlement of Estate with deed of partition, kung saan pag hatihatian ninyo ang nasabing estate. Ang sino mang sa inyo ay maaring ibenta ang kanikanilang mga shares. Karapatan ninyo ito bilang mga co-owners. Ang may ari at ang may karapatan lang doon sa ½ conjugal share ay ang iyong ina bilang surviving spouse at doon sa portion ng share niya from the estate or yong tinatawag na legitime.

May mga kaakibat din bayaran ang settlement of Estate tulad ng Estate or Inheritance tax, documentary stamp tax, capital gains tax, transfer tax, among others. At mayroon din mga kaakibat na processo ang dapat ninyong gawin sa lalong madalaling panahon upang maiwan ang pag lubo ng penalty at interest charges sa late na pagbabayad ng estate tax at ibang bayaran sa gobyerno.

Tungkol naman na nagastos mo sa pag paayos ng bahay at sa maintenance nito, you are entitled to reimbursement from all your co-heirs sa mga nagastos mo.

At kung sakali mang mag pakasal uli ang inay mo, ang kanya lang share lang ang madadala niya doon sa kanilang marriage at di kasama ang inyong mga shares. Kaya sa lalong medaling panahon, dapat mag karoon na kayo ng settlement at partition of estate kung saan alam ng bawat isa sa inyo kung alin sa estate ang para sa bawat isa.

Have a good day po atty.. May tanong lang po ako kasi naka bili po kami ng asawa ko ng lote sa anak ng totoong may-ari nito, ung ama nia patay na dalawang taong nakalipas.

Tapos 4 silang magkakapatid at nag kakasundo sila na partihin ang lote sa apat na magkakaptid. kaya nag desisyon ung isang anak na ibenta sa amin ang lote.

Peru gusto po namin itong matitulo na panagalan na namin. kasi ung portion ng lote na binili namin ay pangalan pa sa yumaong ama nila.

Additional na katanungan atty. kasi po wala silang maipakita na titulo ng lupa only ang Tax Declarasyon lang. Okay lang po ba na ma e transfer ang lupa sa pangalan namin kung ganyan ang situation?

Thank you so much atty in advance hoping masagot niyo ang aking tanong. Salamat po. Regards, ZP

ANS: Kailangan munang magkaroon ng Settlement of Estate ng ari-arian ang mga magkakapatid bilang tagapagmana ng kanilang magulang. Sa nasabing Settlement of Estate, kung saan sila bilang mga tagapagmana silang lahat ay lumagda sa nasabing dokomento. Kung buhay pa ang kanilang ina, at ang nasabing property ay conjugal, ½ nito ay share ng ina, at ang ½ ay siya nilang pagpapartihin ng equal sharing nilang lima( Apat (4) na kapatid at ina, total 5).

Ung ½ share na conjugal ng ina ay di maaring paki-alaman ng mga magkakapatid, maliban na lang kung namatay ang kanila ina at bilang mga anak, sila ang mag mamana nito.

At kung ito ay ibibenta nila, lahat sila ay dapat lumagda doon sa deed of sale kung saan ang kanilang na parte na lote ay ibinenta sa inyo. Dapat ipa subdivide ninyo muna ang mga lote ng apat o 5 parte, para malaman dito kung kanino at saan dito ang parte na bili ninyo.

Kung di titulado ang lupa, ma-aari din namang ibenta ito, kahit naka tax declaration lang ng mga heirs ng namatay dahil sila ay maituturing ding mga co-owners ng nasabing lupa. Ang importante, kung sino man ang nag benta sa inyo ay may lagda sa Deed of Sale. At kung di pa bayad ang Estate tax ng mga heirs, at dapat bayaran muna ito, otherwise, hindi mapapalipat ang pangalan ng tax declaration sa pangalan ninyo.

Naway nabigyan linaw ng iyong mga katanungan ng Batas Pinoy Global Community.

Disclaimer: Batas Pinoy Corner Not Legal opinion:

Material placed on this corner is for the purpose of providing information only. It is not intended as practice of law or legal services. Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer. Such circumstances or understanding of the facts as conveyed to the writer by the sender may not actually reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and as understood by the writer.

This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The content provided by Batas Pinoy Corner is not meant to be a substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professional for legal advice as regards to the information obtained in this column.

* * *
Readers who may have legal concerns affecting their persons, property, rights,title and related interest concerning Philippine laws and jurisdiction, are welcome to e-mail their query either in English or Pilipino in plain, concise and orderly presentation of facts in order to avoid vagueness and misunderstanding of your stories, for appropriate comments to: attyrw@gmail.com .