KARAPATAN NG KASALUKUYANG ASAWA AT ANAK SA MGA ARI-ARIAN NG PREVIOUS MARRIAGES

By | November 1, 2015

Q. Good araw po attorney. May tanong lang po tungkol sa property ng aking asawa doon sa una niyang asawa sa Pilipinas. Ang asawa ko ay pinanganak sa Pilipinas pero citizen na siya dito sa Norway.

Kasal po siya sa Pilipinas ng tatlong (3) babae pero lahat po ng dating asawa ay divorced dito sa Norway. Ang tatlong dating asawa ay nandito na rin sa Norway. Silang lahat ay pawang mga Norwegian citizens na po.

Ngayon po ang last niyang asawa ay mayroon silang property sa Pilipinas at may din tatlong (3) silang anak.
Ako po ang pang apat niyang asawa at dito kami kinasal sa Norway at my isang anak rin. Ngayon po dahil ayaw ng ex-asawa niya na ibinta ang property nila .
Ngayon po dahil matanda na asawa ko, my habol po ba ako sa property nila? Ako po ay Filipino Citizen pa rin at nandito sa Norway naninirahan ngayon.
Ano po ang dapat kung Gawin? Salamat mo sana masagot nyo and tanong ko.

Ans: Bago ko sagutin ang mga katanungan mo, nais ko lang bigyan ng pansin ang mga pinahayag mo na may tatlong (3) pinakasalang babae sa Pilipinas and iyong asawa. At ang tatlong ito kasama na ang iyong asawa sa kasalukuyan ay nasa Norway na at mga Norwegian citizens na silang lahat.
At basi sa pahayag na ito, at sa kadahilanan na silang lahat ay Norwegian citizens na , at ang mga diborsyong nakuha nila ay legal sang ayon sa batas ng Norway, eh maituturing natin na ikaw ay legal na may bahay ng iyong Norwegian na asawa.
Kung pagbabasihan natin ang batas ng Pilipinas, habang buhay pa ang asawa mo, wala kang karapatan doon sa kanyang parte or conjugal share sa mga ari-arian ng asawa mo sa Pilipinas , more particularly doon sa mga properties niya na maiituring na conjugal by nature pero ito ay hindi na nag karoon ng liquidation of conjugal properties doon sa nasabing marriage.
At dahil, divorced na ung tatlong marriages ng asawa mo , at ang pang apat na marriage ay subsisting pa, at kung sakali mang mawala ang iyong matandang asawa, ikaw at ang iyong anak, ayon sa batas ng Pilipinas, ay maituturing na surviving heir-spouse at tagapagmana ng iyong asawa kasama na ang iyong anak doon lamang sa kanyang conjugal share or parte, kasaman na rito ang kanyang tatlong (3) anak sa dati niyang asawa.
At bilang surviving heir ng iyong asawa, ikaw at ang iyong anak ay mayroong karapatan na mag mana ng “conjugal share” ng asawa mo doon sa mga ari-arian at parte niya from the previous marriage. For this purpose, maari ding gumawa ng WILL ang asawa mo, kung saan ipinapag kaloob sa iyo at sa anak mo ang kanyang conjugal share or the “FREE PORTION” ng kanyang estate at sa iba pang mga properties sa Pilipinas or sa Norway para sa iyo at sa anak mo at doon sa kanyang tatlong(3) anak sa nasabing marriage.
Medyo complikado ang katanungan mo, dahil kayong lahat ay mga Norwegian citizens na, liban na lang sa iyo.
At ayon sa batas ng Pilipinas , ang disposal ng mga ari-arian o estate ng isang dayuhan at pag ito ay namatay na, ang batas ng Norway ang mangingibaw kung paano at kanino mapupunta ang kanyang estate or mga ari-arian.
At ang mga ibang mga kaakibat na issues na dapat ding mabusisi ay kung legal ba ang mga tatlong kasal ng inyong asawa considering na ang mga ito ay Norwegian citizens na ayon sa iyong pahayag, kung dito sila ikinasal sa Pilipinas, kung ang mga kasal na ito ba ay may bisa sa ilalim ng batas ng Pilipinas ?
It is suggested that confer with your lawyer in Norway for further professional guidance relative to your queries and concerns. At tungkol naman sa panig ng Pilipinas, kailangang masusuri rin ang mga dokomentong hinggil sa mga tatlong kasalang naganap sa Pilipinas.
Salamat sa pag sulat mo at sa paging bahagi mo ng “Batas Pinoy Global Community”.
Disclaimer: Batas Pinoy Corner Not Legal opinion:
Material placed on this corner is for the purpose of providing information only. It is not intended as practice of law or legal services. Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer. Such circumstances or understanding of the facts as conveyed to the writer by the sender may not actually reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and as understood by the writer.
This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The content provided by Batas Pinoy Corner is not meant to be a substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professional for legal advice as regards to the information obtained in this column.
* * *
Readers who may have legal concerns affecting their persons, property, rights,title and related interest concerning Philippine laws and jurisdiction, are welcome to e-mail their query either in English or Pilipino in plain, concise and orderly presentation of facts in order to avoid vagueness and misunderstanding of your stories, for appropriate comments to: attyrw@gmail.com .