Q. Dear attorney, good day! may tanong po sana ako, about po sa legality and sa inherited property. 7 buwan palang nung pinagbubuntis siya ng biological mom nya ay namatay yung biological father nya. Noon pinanganak siya sa home lang. Meron siyang birth certificate ng biological mother niya sa pangalang Dexter at ginamit din ito para sa SSS pension. Noong nag 1yr and 8mos sya, ang kapatid na lalaki ng kanyang biological mom ay humingi ng pahintulot na kukunin nila si Dexter ng kanyang asawa.
Pumayag naman ang biological mom niya kasi wla din siyang trabaho. Si Dexter ang ika anim nyang anak. At ok lang din naman kasi kapatid nya ito at nasa kabilang bahay lang nakatira. Wala silang adoption papers kasi sabi daw ng attorney na walang capacity sila na mag adopt ng bata at mahirap din yung adoption papers. Ang advice nito ay gawing legal child nila ang bata. Ginawa nila itong legal child sa pangalang RAY bale anak nila ito sa birth, at sa birth cert niya ay sa bahay lng din siya pinanganak. Register din po sa NSO.
After nun pinabinyagan nila ang bata at yun n ang ginamit ni RAY hanggang sa makapagtpos siya ng pag aaral, nagpakasal at nagkaroon ng mga anak. Namatay ang papa niya una, pagkatapos namatay din ang mama niya. Ngayon, dahil sa claims magulo na ang mga kapatid ng mama niya, dahil gusto nila sa kanila mapunta lahat ng claims kasi governmnt employee kasi mama nya. At eto pa, guguluhin daw nila ang pangalan ni Ray kasi meron daw birth cert si Ray na Dexter sa kanyang biological mom..
Kasi gusto nila kunin din ang bahay at lupa ng kanyang parents na nagpalaki sa kanya. Conjugal property daw at walang right si Ray pra dito kasi di daw xa totoong anak. Peru legal child siya sa birth certificate . Ito namang property ay inheritance pa ng papa niya sa magulang niya. Hindi ito conjugal property nilang mag asawa. Bale yung bahay lang ang naipundar nila mag asawa peru yung lupa ay galing pa sa inheritance ng papa niya. Wala din sila agreement prior to their marriage. Peru itong mga kapatid ng mama niya ay gustong angkinin ito kahit hindi naman ito sa kanila. Ikakaso daw nila ito kasi sisirain nila ang pangalan ni RAY at lahat ng transaction niya gamit ang pangalan nato dahil sa kasakiman nila. Ano po ba ang mapapayo nyo about dto? may laban po ba si RAY if ever ikakaso nila?
kasi 1yr old and 8mos pa si Ray nung kinuha xa ng mag asawa at ginawang legal child and only child at hindi pa nya kaya manloko ng isang documento. kakasohan daw kasi nila falsification of document.. eh patay naman din yung mag asawa. Paano nato atty? ano po pwede gawin ni RAY? Kawawa namn pamilyado pa si Ray. May maliliit pa na mga anak. Ano po mapapayo nyo about dto, gulong gulo isip ni Ray ngayon sa problema. Maraming salamat po.
ANS: Ayong sa pag kaunawa ko sa kuwento mo, kung pag babasihan natin ang birth certificate ni Ray dalawa ang kanyang pag katao. Ray at Dexter at ung isa naman na siyang ginagamit nila all the way na ang pinalabas na parents ni Ray at ng mga nag ampon sa kanya. Ang pag ampon ito, ay di masasabing “legal” kasi ang legal adoption(ung sang ayon sa batas) lamang na may basbas ng hukuman ang kinikila upang sa ganoon ang isang bata na di anak ang biological parents ay maituturing na legal na anak ng adopter.
At kasama na rito ang right for support at ang mag mana mula sa adopting parents niya. Ang pag ampon kay Dexter ng di dumaan sa legal na proceso or adoption. Ito ay maituturing na simulation of birth, na isang krimal offense sa ilalim ng Revised Penal Code. Ang mananagot nito ay ung mga taong may kinalaman sa pag ganap ng nasabing krimin. Walang criminal at civil liability si Ray or Dexter dahil ng naganap ang usaping ito, musmus pa lang siya at wala siyang kinalaman dito. At dahil mga patay ang may mga kinalaman nito, extinguished na rin ang kanilang criminal liabilities.
Kung talagang kokontrahin ang pagkatao ni Ray bilang di tunay na anak ng mga tumatayong magulang ni Ray ay maari nila itong gawin ng mga tao na dapat ay co-heir(s) din or in the absence or default ni Ray, sila dapat ang tagapagmana ng namatay.
Patunayan nila ito sa husgado. Ung birth Certificate kasi ni Ray kung saan na ang lumalabas na biological parents niya ay ung mag asawa na kapatid ng biological mother niya, is entitled to presumption of regularity. Ang ibig sabihin nito, mayroong presumption na ito ay authentic at tunay ung birth certificate ni Ray, unless ma proved nila ay di ito authentic.
Magka ganoon pa man, at kung dudulog ang mga partidos sa hukuman, hayaan na ang evidensya ng magkabilang panig ang maging gabay nila at basi na rin sa appreciation ng hukuman ng mga ito.
Dapat mag konsulta din kayo sa inyong abogado upang mabigyan kayo ang karagdagang professional na pananaw sa usaping ito.
Looking forward you’ll find the above in order as the “Batas Pinoy Global Community”(BPGC), welcomes you in this program.
Disclaimer: Batas Pinoy Corner Not Legal opinion:
Material placed on this corner is for the purpose of providing information only. It is not intended as practice of law or legal services. Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer. Such circumstances or understanding of the facts as conveyed to the writer by the sender may not actually reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and as understood by the writer.
This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The content provided by Batas Pinoy Corner is not meant to be a substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professional for legal advice as regards to the information obtained in this column.
* * *
Readers who may have legal concerns affecting their persons, property, rights,title and related interest concerning Philippine laws and jurisdiction, are welcome to e-mail their query either in English or Pilipino in plain, concise and orderly presentation of facts in order to avoid vagueness and misunderstanding of your stories, for appropriate comments to: attyrw@gmail.com .