- Good araw po attorney ! Mayron po kaming lupain sa Pilipinas na nakapangalan sa aking ama’t ina at ako po ay magisang anak lamang. Namatay na po ang aking ina nung nakaraang buwan.
So ang pagkakaintindi ko ay conjugal property ang mga lupain na iyon. May tenant po kami na nagsasaka ngayon. Gusto ko pong malaman kung may parte po akong makukuha sa mga ani maliban sa tatay ko na syang kasama ng tenant na nagsasaka?
Kung meron po, ilang porsiyento ito? Meron po kasing babae ang tatay ko sa kasalukuyan kung sakaling maisipan ng tatay ko na ibigay ang lupa ano ang magiging habol ko?
May karapatan po ba akong pigilan ang balak ng tatak ko? Lahat po ng titulo ay nasa pangalan nila ng mama ko. Pwede ko po bang ibenta ang lupa kung nasa akin ang titulo? Maaari po ba nyang ibenta ang lupa na wala akong pahintulot lalo na at nasa Alberta po kami. Nasa akin po sa ngayon ang mga titulo. Gumagalang. J A
ANS: Hello J A. Basi na rin sa pag-kakaunawa ko sa iyong pahayag, ang mga sumusunod ay mga kasagutan sa iyong mga tanong:
a. Kung ang nasabing lupain ay maiituring na “conjugal property” ng iyong nasirang ina at ama, ikaw, bilang kaisang-isang anak at ang iyong ama, ay may karapatan sa lupaing ito at kasama na rito kung mga bunga at ani ng lupa.
b. Bilang isang conjugal na pag-aari, pag namatay ang isa sa mag-asawa, ang kalahati nito ay maiituring na kabahagi ng “conjugal share “ ng buhay na asawa. At ang mga anak ay walang karapatan sa kalahating partidong ito.
c. Ang kalahati naman, ay maituturing na “estate” o “estado “ ng namatay. Ang mga anak ng namatay kasama na ang buhay na asawa(Ikaw at ang iyong ama) ay may parehong karapatan na bilang tagapagmana at bilang “co-owners” o may-ari ng kalating partida ng nasabing lupain.
d. At ayon na rin sa artikulo 998 ng Codigo Civil ng Philipinas , pag-hahatian inyong mag-ama ang tinatinatawag na “ESTATE” o “ESTADO” ng iyong ina. Ang ibig sabihin nito, kung ang halaga ng estate ay $20,000.00, tag-sasampo kaya ganoon din sa lahat ng income o kinikita ng nasabing bahagi ng lupa. In short 50-50 kayo sa hatian at sa mga gastusin tulad ng buwis at iba.
e. Tungkol naman sa pag-agam-agam mo na baka ibigay ng tatay mo ang lupa sa kanyan babae o kanino man, maari niyang gawin ito habang buhay siya . Ngunit hanggang doon lang sa kanyang “conjugal share” na pag-mamay-ari at ang kanyang kalahating share o parte ng estado mula sa mana ang maaari niyang galawin bilang kanyang karapatan. Maari niyang gawin ito habang buhay siya. Ngunit pa ang sila ay nawala na , ikaw bilang solong tagapamana ang may karapatan sa mag-mana ng kanyang ari-arian. Maliban na lang kung muling mag-papakasal at mag-aasawa ng iyong ama. At kung legal ang kasal nila, ang kalahati ng naiwang ari-arian ng iyong ama ay pag-hahatian ninyo ng 50-50 sharing.
f. At hinggil naman sa tanong mo kung maari mong ipag-bili ang nasabing lupain, dahil nasa iyo ang titulo nito. Bilang co-owner o isa sa may-ari, ikaw at ganoon din ang iyong ama, ay karapatang ibenta or ibigay o ipamahagi ang ang inyong mga shares or partida habang kayo ay nabubuhay pa. At karapatan din ng bawat isa na hatiin at ihiway ang kanyang parte doon sa kubuan. Ang tawag nito ay “ physical Partition” ng lupang pag-aari ng isang “co-owner.”
g. Ngunit bago maging lubusan ang inyong mga karapatan sa nasabing lupain at mai-lipat ang titulo sa pangalan mo at sa iyong ama, kinakailangang mag-karoon mo na kayo at lalagda ng tinatawag na “Extrajudicial Settlement of Estate” at kaakibat nito ang pag babayad ng “estate tax “at iba pang mga buwis na babayaran sa pamahalaan. At tungkol sa usaping ito at ung mga nasa ibaba pang mga kasagutan ng iyong mga tanong , dapat maki-pag ugnayan kayo sa inyong abogado upang malapagbalangkas ng mga kaakibat na mga dokomento at kasulatan upang sa ganoon mapa-ayos ninyo ang lahat ayon sa batas .
h. Nabanggit mo rin na ang nasabing lupa ay may tenant. Ayon sa batas ng agrario reporma, ang tenant ay may karapatan din sa nasabing lupain. At hindi siya maaring basta na lang ipa-isang tabi at paalisin na lang ng basta. Kung kaya kinakailangang din makipag-ugnayan kayo sa Department of Agrarian Reform(DAR) upang alamin, kung “qualified” ba ang nasabing tenant na mag-karoon ng karapatang mag-mamay-ari ng nasabing lupain.
i. Ayon sa tinatawag na “Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL), R.A. 6657, ang lahat ng agrariong lupain sa bansa na mahigit sa retention limit na 5 hectares, ay sakop nito, ang mga nagsaka nito ay maaring magkaroon ng karapatan na bilhin ang kanilang sinasaka sa pamamagitan ng Land Bank of the Philippines .
Salamat sa iyong pag liham at sana’y naka-pagbigay ng kasagutan ang iyong abang lingkod sa pamamagitan ng “Batas Pinoy Global Community”
Disclaimer: Batas Pinoy Corner Not Legal opinion:
Material placed on this corner is for the purpose of providing information only. It is not intended as practice of law or legal services. Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer. Such circumstances or understanding of the facts as conveyed to the writer by the sender may not actually reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and as understood by the writer.
This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The content provided by Batas Pinoy Corner is not meant to be a substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professional for legal advice as regards to the information obtained in this column.
* * *
Readers who may have legal concerns affecting their persons, property, rights,title and related interest concerning Philippine laws and jurisdiction, are welcome to e-mail their query either in English or Pilipino in plain, concise and orderly presentation of facts in order to avoid vagueness and misunderstanding of your stories, for appropriate comments to: attyrw@gmail.com .