Balita

Kakayahan o Kayabangan ba?

Ni Edwin Esteba

Lahat naman tayo ay nag umpisa sa wala

Iniisip nga natin noon paano sa hirap makawala?

Ngunit dahil sa kakayanan natin ay may nagtiwala

Lahat nang ito ay ating nagawa

Mahirap ang mag umpisa ng walang wala

Sa harap ng iba mukha kang kawawa

Karamihan sa kanila pilit kang hinahatak pababa

Hindi matanggap umangat ang kanilang kapwa

Pero dahil sa iyong kakayahan

Lahat ng hirap ay nalampasan

Kahit ang iba ikaw ay pinagyayabangan

Hindi pinansin sa kanila wala kang pakialam

Ngayon ikaw na ay asensado

Sasabihin ng iba ikaw ay nagbago

Sa buhay mo wala namang ambag ang mga ito

Noong wala ka pa natatanggap mo panay insulto

Masaya ka na ngayon sa narating mo

Kayabangan ba kung ito ay ipagmalaki mo?

Hindi ba kayabangan kung manglalait ka ng tao?

Hindi marunong tumanaw ng utang na loob ito

Kahit ano naging estado ng buhay natin

Sa salapi huwag tayong papaalipin

Kung tayo man ay nagbago sa kanilang paningin

Isipin mo na lamang dumaan ito na parang hangin

******************

Exit mobile version