Q. Good day po. Itatanong ko lang kung panu po ang process ng naiwang lote ng aking lolo at lola. Patay n po kasi sila pareho, walang anak at parehong patay na ang mga magulang.
Sinu-sino po ang pwedeng magmana ng naiwang lote? Mga kapatid po ba ng parehong lolo at lola ko? Included po ba ang half-sisters?
Merun din po kasing nakatira sa loteng yun,anu po ang maaring gawin?
Anu po ang mangyayari kapag walang nag-ayos ng lupang naiwan? kukunin po ba ng gobyerno ang lupa kung hindi mababayaran ang ang required taxes? Gumagalang. Ofelia
ANS: Hello Ms. Ofelia. Ayon sa batas, kung ang namatay ay walang asawa at anak, or tinatawag na compulsory heirs, ang maaring maging successor at tagapagmana nila ay mga collateral relatives.
Ayon sa kwento mo ang naiwang malapit na kamag-anak ng lolo at lola ay mga kapatid na lang nila at mga half-sisters at ang mga ito ay maituturing na surviving heirs bilang mga collateral relatives or heirs. At bilang surviving heirs, entitled silang magma ng naiwang lote.
2
Ang hatian nila ayon Art. 1006 ng Civil Code, ay ung full blood na magkakapatid doble ang maging share nila kompara sa half-sisters or siblings. Halimbawa, kung ang full blood ay entitled ng $100,000.00 ung half-sisters or siblings ay $50,000.00 lamang. Samakatuwid
kung mayroong limang(5) full blooded na magkakapatid, bawat isa ay entitled lang $20,0000.00. At kung limang(5) half-sisters/siblings ay $ 10,000.00 bawat isa.
Upang makuha nila ang kanilang mga mana, magkaroon mula silang magkakapatid ng Exrajudicial Settlement of Estate with Deed of Partition. Kung saan nagkakasundo sila na kanilang kini-claim at paghahatian nila ang kanilang mana at lote. At dapat din bayaran nila ang mga kaakibat na estate tax at iba pang mga buwis/taxes na bayarin ayon sa Tax Code ng Pilipinas.
Kung may nakatira sa lote at wala namang contrata ito, ay maari nilang paalisin or pag babayarin nila ng upa or maari din nilang ipag bili ito at paghatihatian nila ang pinagbilhan ng sang-ayon sa partihan na naka saad sa Art.1006 ng Civil Code na nabanggit.
Kung walang pag-aayos ang mangyayari, at hindi nababayaran ang mga buwis nito, maarin kunin ito ng gobyerno at ipasubasta or ang lote ay maaring mapunta sa gobyero sa pamamagitan ng Esceat Proceedings ayon sa Art.1012 Civil code at Rule 91 ng Rules of Court.
Upang maiwasan ang mga sur-charges, multa and compounded annual interest sa mga buwis(Estate Due) na kukwentahin mula sa 180 days mula ng namatay ang may-ari ng lupa, samantalahin ninyo ang Estate Tax Amnesty Law(R.A. No.11213) kung saan sa loob ng dalawang taon mula sa June 2019 ay dapat mabayaran ang mga kaakibat na buwis sa gobyerno ng walang mga penalties at compounded interest nito.
Para sa mga kadagdagan kaalaman , sundan po ninyo ang mga sari-saring katanungan at mga kaalamang legal sa YouTube Batas Pinoy Channel ng inyong lingkod at i-share ninyo sa inyong mga kaibigan at kamag-anak ang mga paksang makakapag bigay ng dagdag at mga kaakibat na kaalaman sa usaping
may kinalaman sa batas ng kanilang buhay .
For more legal queries, issues and concerns, follow me at the YouTube “Batas Pinoy” Channel.
Looking forward you’ll find the above in order as the Batas Pinoy welcomes you to the global Community.
3
Disclaimer: Batas Pinoy Corner Not Legal opinion:
Material placed on this corner is for the purpose of providing information only. It is not intended as practice of law or legal services. Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer. Such circumstances or understanding of the facts as conveyed to the writer by the sender may not actually reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and as understood by the writer.
This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The content provided by Batas Pinoy Corner is not meant to be a substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professional for legal advice as regards to the information obtained in this column. * * * Readers who may have legal concerns affecting their persons, property, rights,title and related interest concerning Philippine laws and jurisdiction, are welcome to e-mail their query either in English or Pilipino in plain, concise and orderly presentation of facts in order to avoid vagueness and misunderstanding of your stories, for appropriate comments to: attyrw@gmail.com .