“Laws relating to family rights and duties,or to the status, condition and legal capacity of persons are binding upon Filipino citizens, even though living abroad.” (Article 15 Civil Code of the Philippines)
Q. magandang araw po attorney, nakita ko po ang isang post ninyo sa balita.ca tungkol sa pagmana ng bahay at lupa.
Nagbabakasakali po akong makahingi ng opinyon ng may alam sa batas tulad nyo po.
Ang sitwasyon po kasi ay ang aming tinutuluyan na bahay ay nakapangalan sa tita at lola ko.
Ang nangyari po kasi ay pumanaw na ang lola ko, at gusto kaming palayasin ng tito namin na anak po ng aming lola sa bahay na tinutuluyan namin, ngunit ayon naman po sa tita ko ay, maaari kaming manatili sa bahay sapagkat sya pa raw po ang nagmamay-ari ng bahay kaya’t nararapat lang na sya ang masunod.
Mahigit isang dekadang nakatira o tumutuloy dito sa bahay. Nais po naming malaman kung sino o kanino ang mas malaki na hati sa bahay ang tita po ba namin o ang tito namin na tagapag mana ng parte ni lola na wala pa sa titulo ang pangalan? Sana po ay makahingi kami ng opinyon, maraming salamat po. GERRY
ANS: Hello GERRY, Di maliwanag sa sulat mo kung paano mo naging tita or lola na kung saan nakapangalan sa kanila ang titulo ng lupa at bahay na pamana. Kung ang nasabing lola ay magulang ng iyong ama or ina sa dugo at ang titang nabanggit ay kapatid ng magulang ninyo , kayo ay may karapatan doon sa nasabing portion ng mana na lupa at bahay.
2
This means and ang kalahati nito ay pag mamay-ari ng iyong lola at ang kalahati naman ay pag mamay-ari ng iyong tita. Yong kalahati na pag mamay-ari ng iyong lola, ito ay ang tinatawag na estate niya. At ito ang pagpapartihin ng lahat ng mga anak ng lola ninyo , kasama na ang nasabing tita mo sa partihan. Kung wala na kayong magulang(Ina or ama) na anak ng lolang nabanggit kayo bilang mga anak nila ay may karpatang humalili doon sa shares or parte ng inyong magulang, “By Right of Representation”.
Halimbawa kung ang anak ng lola ninyo ay tatlo, kasama na ang inyong magulang, ang estate ng lola mo( katumbas ng 1/2) ng lupa na sa titulo, ay equally divided sa kanilang tatlo. Yong parte or share ng magulang ninyo, yon ang magiging share ninyo bilang tagapaghalili ng inyong namatay na magulang.
So “By right of Representation” kayo ay maituturing na co-owner doon sa bahay at lupa na mana na dapat sana ay mapunta sa magulang ninyong namatay. Bilang mga co-owners may karapatan kayong makinabang, mag enjoy or gumamit ng nasabing mana to the extent of the interest or share ng namatay ninyong magulang.
Dahil namatay na ang inyong lola, dapat mag karoon kayong mga tagapagmana ng Extrajudicial Settlement of Estate with Deed of Partition, kung saan kayong mga tagapagmana ay magkakasundo na pag partihin at i-sub divide and nasabing mana into individual lots, ayon inyong mga shares or parte ng bawat tagapagmana. Pag natapos ang prosesong ito, at makapagbayad kayo ng estate tax , documentary stamp tax, transfer fees, at ibang bayarin sa gobyerno, kasama na ang penalty charges, interest kung mayroon man, upang sa ganoon ung titulo ng lupa ay mapapalitan ng bagong titulo at ang bawat isa sa inyong mga tagapagmana ay mabigyan ng separate na titulo ng lupa.
Para sa mga kadagdagan kaalaman pa, sundan po ninyo ang mga sari-saring katanungan at mga kaalamang legal sa YouTube Batas Pinoy Channel ng inyong lingkod at i-share ninyo sa inyong mga kaibigan at kamag-anak ang mga paksang makakapag bigay ng dagdag at mga kaakibat na kaalaman sa usaping
may kinalaman sa batas ng kanilang buhay .
Looking forward you’ll find the above in order as the “Batas Pinoy” global community welcomes you in this program. For more legal queries, issues and concerns, follow me at the YouTube “Batas Pinoy” Channel.
Looking forward you’ll find the above in order and welcome to the Batas Pinoy Global Community.
Disclaimer: Batas Pinoy Corner Not Legal opinion:
Material placed on this corner is for the purpose of providing information only. It is not intended as practice of law or legal services. Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from
3
the writer. Such circumstances or understanding of the facts as conveyed to the writer by the sender may not actually reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and as understood by the writer.
This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The content provided by Batas Pinoy Corner is not meant to be a substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professional for legal advice as regards to the information obtained in this column.
* * * Readers who may have legal concerns affecting their persons, property, rights,title and related interest concerning Philippine laws and jurisdiction, are welcome to e-mail their query either in English or Pilipino in plain, concise and orderly presentation of facts in order to avoid vagueness and misunderstanding of your stories, for appropriate comments to: attyrw@gmail.com .