Q. Magandang araw po attorney, Tanong ko lang po kung paano ko po malalaman kung may makukuha akong mana sa father ko.
I mean yumao na po siya pero walang sinabi o sinabihan kung mayroon kaming mana galing sa kanya. Maykaya naman po sila kaya lang hindi ko alam kung may will na tinatawag. Saan po ko kukuha ng impormasyon tungkol dito. Hindi ko siya na meet mula ng pagkabata hanggang sa huli.
Apat (4) po ang legitimate at dalawa (2) kaming illegitimate children ng kuya ko. Apelyido po niya gamit ko sa birth certificate ko.Salamat po.
ANS: Ang isang tao bago magka roon ng karapatan at mai tuturing na tagapagmana, ay dapat alamin muna legal na basishan nito. Ang kinikilala ng batas na “Compulsory heirs” ng namatay, ay legal spouse, mga anak(legitimate or illegitimate child) ng namatay. So kahit na kayo ng kapatid ay isang illegitimate children kayo ay maituturing na compulsory heirs ng iyong ama.
Kung ginagamit ninyo ang surname ng ama ninyo bilang mga illegitimate children, there is a presumption na kayo ay kinikilala na mga anak ng ama ninyo. Ito ay mapapatunayan sa pamamagitan ng mga documents tulad ng inyong birth certificates,lalo na kung may signature ang father ninyo sa inyong mga birth certificates or sa inyong mga baptismal certificates. At mga iba pang mga documents tulad mg mga sulat niya at mga pictures ninyo kung saan kayo ay kinakalong ng inyong ama , at mga testimonia ng mga saksi na magpapatunay na anak nga kayo ng namatay.
Kung mapapatunayan ninyo ito, ang next step ay mag punta kayo sa Assessor’s Office kung saang lugar na sa palagay ninyo ay may mga ari-arian ang inyong ama. Tingnan ninyo sa Tax Mapping ng nasabing office, kung sino ang mga tax payers on file ng nasabing office . Kung nandoon ang pangalan ng iyong ama, ito ay mag papatunay na pag mamay-ari siyang mga lupain or real properties ng nasabing lugar. At basi doon sa Real estate Taxpayments ng nasabing office, ay makikita din ang mga Tax Declaration Certificates ng tax payers , kung anong title number ng lupa, at area nito, pangalan ng registered title owner, kasama ang mga buildings at improvements nito.
Next step ay maki pag ugnayan kayo sa first family ng ama ninyo kung saan pag usapan ninyo ang tungkol sa inyong karapatan na mag karoon ng parte sa mana. Ang isang illegitimate child ay entitled sa katumbas na ½ ng share ng legitimate child. Halimbawa, kung ang mana or share ng legitimate child is P100,000.00, bawat isa, ang illegimate child ay P50,000.00 lang bawat isa. Ngayon, kung ayaw kayong bigyan at kilalanin ng first family, kumunsulta na kayo ng lawyer upang makagawa ng legal na hakbang at mapangalagaan ang inyong karapatan bilang tagapag mana. Maaring ang usaping ito ay hahantong sa Hukuman. At kung magkaganoon man at kung mapapatunayan ng evidence ninyo na mga illegitimate child nga kayo at heirs ng namatay, ang korte na mismo ang mag bigay ng hatol na bigyan kayo ng inyong mga shares or parte doon sa estate or property ng namatay.
Naway nabigyan linaw ng iyong mga katanungan ng Batas Pinoy Global Community.
Disclaimer: Batas Pinoy Corner Not Legal opinion:
Material placed on this corner is for the purpose of providing information only. It is not intended as practice of law or legal services. Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer. Such circumstances or understanding of the facts as conveyed to the writer by the sender may not actually reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and as understood by the writer.
This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The content provided by Batas Pinoy Corner is not meant to be a substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professional for legal advice as regards to the information obtained in this column.
* * *
Readers who may have legal concerns affecting their persons, property, rights,title and related interest concerning Philippine laws and jurisdiction, are welcome to e-mail their query either in English or Pilipino in plain, concise and orderly presentation of facts in order to avoid vagueness and misunderstanding of your stories, for appropriate comments to: attyrw@gmail.com .