Huwag Ipokrito ni Edwin Esteba 

By | July 12, 2024

Sa content creator na taga canada

Bakit kinikita nyo dito sa pinas ay ikinukumpara?

Oo, dito dolyar ang ating kinikita

Pero pesos ba ang ating ginagasta?

Huwag nang ipagyabang kung malaki ang sweldo mo

Alam naman natin sa bills dito kulang pa ito

Kaya nga karamihan ay nagdodoble ng trabaho

Lalo na iyong mabababa ang sweldo

Hindi naman lahat tayo parehas ng kapalaran

Marami pa rin talaga sa atin ang nahihirapan

Lalo na iyong mga nagsisimula pa lamang

Pero huwag nating tatawanan ang kanilang kakayahan

Hindi natin pwedeng pagkumparahin

Kinikita mo dito at sa pilipinas kung saan ka nanggaling

Dahil magkaibang magkaiba lalo na sa gastusin

Kaya sarili nyo huwag nyo nang stressin

Kung palagi nyong pinagmamalaki kita nyo dito

Upang manonood ng video nyo ay makaengganyo

Nagagawa nyo pang magsinungaling sa ibang tao

Sana lahat tayo ay magpakatotoo

Isa lamang ang masasabi ko

Sa mga content creator dito na akala mo eksperto

Hindi nyo naman nararanasan lahat ng mga content nyo

Maling impormasyon pa pinapakalat nyo