Balita

“ HULI NA ANG LAHAT’

Si Mang Berto ay isang pangkaraniwng empleyado sa gobierno sa maynila at may sariling bahay sa Santa Mesa. Magmula ng siya ay maging balo hindi na ninya inisip na mag-asawa pang muli at ang panahon niya ay inukol na lamang sa kanyang dalawang anak na si Amanda na may gulang na labing pito at si Bonnie na labing lima.  Maligaya sila sa kanilang buhay at si Mang Berto ay sapat naman ang kinikita kaya wala silang masyadong problema maliban kay Amanda na may pagka-tomboy.

 

                Isang hapon bagong dating si Mang Berto buhat sa kanyang pinapasukan ng biglang sinalubong siya ni Amanda “Hello Daddy” kamusta ang trabaho mo?” ang payabang na bati sa ama ng itoy nag-aalis na ng sapatos.

 

                “Ano ba ang nangyari sa iyo at bigla mo akong tinawag ng Daddy?”  ang malumay na sagot sa anak.

                “Daddy hindi naman binibili ang pagtawag ng Daddy” ah.

                “Kahit na, inaalibadbaran ako kapag tinatawag mo ako ng ganyan” ang sagot ni Mang Berto.  “Para sa maykaya lamang ang ganong tawag”.

                “Eh, ano naman ang gusto ninyo…. Pares pa rin ng dati na Tatay ….. ang bakya naman noon ….. ano? ….     ang malambing na tugon ni Amanda.

                “Siya-siya ….  bahala ka sa sarili mo pero huwag mong iparirinig sa mga kapit-bahay natin” ang nakatawang sagot ng ama na parang napilitang lamang na sumang-ayon.

                “Mayroon sana akong hihilingin sa iyo pero huwag kayong magagalit dahil pagka kayo’y nagalit hindi na kayo magmumukhang pogi at hindi na rin kayo magugustuhan ni Aling Alicia na ating kapit-bahay na mestisa” ang biro sa ama.

                “Sige, sabihin mo na at ako’y mayroon pang gagawin sa ibaba ng bahay, marami ka pang pasakalye” ang yamot na sagot sa anak.

                “Gusto ko Daddy ang itawag mo na lang sa akin ay Amando at huwag Amanda” ang tugon ng anak.

                Nagalit si Mang Berto at pinagsabihan ang anak na “hindi maari dahil ikaw ay babae at hindi lalake”.

                “Daddy, oh’ ang puso ninyo “ ang paalala ng anak.

                “Ako nga Amanda’y tigilan mo ha……  ka-babae mong tao ……… ganyan ka kung mag-ayos at kumilos ….. tandaan mo ito, ikaw ay babae… magbihis ka nang bihis babae at kumilos babae …. Maliwanag?.

                Hindi na sumagot sa Amanda pero bumulong sa sarili “ang labo”.

                Parang narinig ng ama ang sinabi, “Ano kamo?” “Wala po….”  Ang sagot ni Amanda.

                “Pambihirang babae ka, ke babaing tao, kung kumilos ay parang boksinghero manong baguhin mo ang kilos at ayos mo” ang galit na galit na wika ng ama.

 

                Kinabukasan ng mag-aalas cinco ng hapon ay sinundo ni Amanda ang kaibigan niyang si Marie sa trabaho at niyayang manood ng sine ng gabing iyon.  Nakita pala sila ng kapatid ni Marie.

                Nang gabing iyon ay pinagsabihan si Marie ang kapatid niyang si Marlon na sama siya ng sama kay Amanda na tomboy, bakit hindi ka sa tunay na lalake makipag-date para hindi siya ma tsismis ng mga tao.

                Ang katuwiran naman ni Marie ay kaibigan lamang niya si Amanda at babae naman siya.  Hindi na kumibo ang kapatid basta sinabi na bahala ka sa sarili mo.

 

                Nang malaman ng mga magulang at iba pang kapatid ang ginawang pagsama ni Marie kay Amanda ay nagalit din sila at pinagsabihan na hindi baleng lalake ang kasama niya hindi sila tutol pero kung sa tomboy ay nakahihiya sa tao.

 

                Isang araw kinausap ni Amanda ang tatay niyang si Mang Berto at hinihingi na ang kaparte niyang mana at siya ay bubukod na ng tirahan sa dahilang parati nalang siyang ginagagalitan.

 

                Nagalit si Mang Berto sa anak at sinabi niyang “Anong kaparte ang hinihingi mo samantalang buhay pa ako.  Kung gusto mong bumukod ay di bumukod ka hindi kita pipigilin” ang galit na wika ni Mang Berto sa anak.

 

                Nagsama sila Amanda at Marie sa isang kuwarto na kanilang inuupahan. Naging maligaya silang dalawa na tulad sa mag-asawa.  Hindi nagtagal at bigla na lamang nawala si Marie at sumama pala sa kayang dating kasintahan na ligid sa kaalam ni Amanda.  Hinanap ni Amanda si Marie hangang sa malayong lugar nasa pagka-alam niya na may kamag-anak.   Napagalaman niya na si Marie pala ay nag-asawa na kay Rafael na dati niyang kasintahan.

 

                Pinuntahan ni Amanda si Marie at pinipilit niyang isamang muli sa kanya at nang malaman ni Rafael ang gayoon, ay kinausap niya si Amanda “kong ikaw ay lalake ay may karapatan kang maghabol sa kanya pero ikaw ay babae, kaya lumayo ka na at baka hindi ako makapagpigil at kung mapaano ka pa”.

 

                Walang nagawa si Amanda at natakot kay Rafael na talagang sa-saktan siya. Bumalik siya sa kanyang ama at kapatid na hindi naman siya tinangihan kahit hindi mabuti ang ginawa niya.

 

                Halos araw at gabi umiiyak at laging malungkot si Amanda sa pagka bigo niya kay Marie.  Sinabi ng kanyang ama na “ang mabuti para ikaw ay makalimot ay mag abroad ka.  Doon ka magtrabaho para makalimot ka sa sawi mong kalokohan.

                Hindi nagtagal at na approved na siya bilang domestic helper sa Hongkong at doon namalagi.

 

                Pagkatapos ng mahabang panahon sa abroad naisip na niyang umuwi sa Maynila at nagbalik siya sa kanilang lugar sa Santa Mesa.  Halos hindi na niya makilala ang kanilang lugar dahil wala na ang kanilang bahay.  Namatay na ang kanyang ama at ang kaisa-isang kapatid niyang lalake ay nasa Saudi na, ang dati nilang kapitbahay na si Aling Alicia lamang ang tanging kakilala niya sa dating lugar nila, na matandang-matanda na.

                Ang sabi sa kanya ni Aling Alicia na dapat sana hindi siya nagkamali sa buhay at nag-asawa siya bilang isang babae, sana ngayon ay mayroon na siyang anak na babalikan at sasamahan di katulad ngayon ni wala siyang mapuntahang anak at matirahang kamag-anak.

                Malaking pagsisisi ang naramdaman niya sa sarili ngunit wala na siyang magawa dahil”Huli Na Ang Lahat” ******

 

Exit mobile version