Balita

How to regain grandfather’s land share and condition of title

Q. Good morning attorney. Ask ko lang po ano po ba pwede gawin namin. Pito(7) magkakapatid yung lolo namin at siya yung panganay. Malaki yung inawang lupa ng kanilang ama.

Pero ngayon wala na yung lolo namin at dalawa nalang sa kanilang magkakapatid ang natira. Ngayon po ung gusto sana namin hingin yung share ng lolo namin. Kaso ang may hawak ng titulo ng lupa yung tiyuhin ko na pamangkin ng lolo ko, siya kasi nag asikaso sa pagpapatitulo ng lupa .

Ngayun humihingi kami sa kanya ng copy ng boundaries sukat ng lupa para malaman sana nmin yung sukat ng lupa. kaso ang problema ayaw magbigay ng copy at hinala namin may something na ginawa sa titulo. Anu po bang legal na hakbang ang maari naming gawin? Sana matulungan nyo ako sa problema namin. Umaasa po ako sa inyong kasagutan

ANS: Mag sadya kayo sa office of the Register of Deeds at sa Assessor’s Office kung saan nakaregister and nasabing lupa. Malaman ninyo kung kanino naka register at nakapangalan ng lupa. Sa lolo pa ba ninyo, kung sa parent/lolo pa ng lolo ninyo or sa ibang tao na.

Kung nalipat na sa ibang tao, tingnan ninyo ang history kung paano at sino ang naglipat nito at anong mga dokomento ang ginamit sa pag lipat? Deed of Sale? Donation? Settlement of Estate? Hindi madali gawin ito kasi medyo technical matters ito at kailangang ang tiyaga. Maari din kayong kumuha ng lawyer upang matulungan kayo professionally kung ano ang dapat gawin basi sa mga dokomento na makuha ninyo.

Kung batas kasi ang pag uusapan ang lahat ng anak ng lolo mo kasama ang inyong magulang ay maituturing na tagapagmana sila. At kung sakali man na namatay na ilan sa kanila, ang baling tatayong kinatatawan nila ang mga anak nito, by “Right of Representation”. Kung hindi pa formally na subdivide and nasabing property, dapat magkaroon muna ng Extrajudicial Settlement of Estate with Deed of Partition, kung saan ang lahat na mga surviving heirs including yong mga descendants ng namatay na heirs(mga anak nils) ay by right of representation as lalagda sa nasabing Extrajudicial Settlement of Estate with Deed of Partition.

Sino man sa mga co-heirs ay maituturing na co-owners din ng mga naiwang property ng inyong lolo na minanan niya mula sa magulang nila. At bilang co-heirs and co-owners lahat ay may pantay pantay na karapatan sa partihan ng mga mana. Kung hindi kayo magkakasundo at ayaw kayong bigyan ng parte ng ayon sa batas, ay maaring kayong dumulog sa husgado for “Judicial Settlement of Estate and with Deed of Partition”, lalo na kung wala naman iniwang Last Will and Testatment ang inyong lolo.

Naway nabigyan linaw ng iyong mga katanungan ng Batas Pinoy Global Community.

Disclaimer: Batas Pinoy Corner Not Legal opinion:

Material placed on this corner is for the purpose of providing information only. It is not intended as practice of law or legal services. Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer. Such circumstances or understanding of the facts as conveyed to the writer by the sender may not actually reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and as understood by the writer.

This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The content provided by Batas Pinoy Corner is not meant to be a substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professional for legal advice as regards to the information obtained in this column.

* * *
Readers who may have legal concerns affecting their persons, property, rights,title and related interest concerning Philippine laws and jurisdiction, are welcome to e-mail their query either in English or Pilipino in plain, concise and orderly presentation of facts in order to avoid vagueness and misunderstanding of your stories, for appropriate comments to: attyrw@gmail.com .

Exit mobile version