HOLOGRAPHIC WILL, DONATION INTER VIVOS, DONATION MORTIS CAUSES ANO ANG REQUIREMENTS

By | December 17, 2021

Q. Dear attorney, gusto ko lang po mag tanong tungkol sa inyong topic about Deed of  Donation – inter vivos. Nag iwan po ang kapatid ko ng Holographic Will and Testament para na  kung sakali anong mangyari sa kanya mapapunta sa akin ang lupa pero walang signature ng  abogado. 

Gusto ko lang malaman kung kailangan ko ng abogado para gumawa ng Deed of  Donation. Nasa Maynila siya ngayon nakatira. Maraming salamat po. I hope I can hear from you  soon! Sincerely yours, FE. 

SAGOT: Dear Ms Fe, tulad ng natalakay sa video, ang Holographic Will, na kinikilala ng ating  testamentary succession laws ay hindi na kailangan pang ipanotaryo at mga witnesses. Ang  requirements lang nito ay kinakailangang isagawa ang holographic will sa pamamagitan ng sulat  kamay at linguahe or dialect ng testator, at kailangang lagyan niya ng petsa ito at nasa sound and  disposing mind ang testator  na may akda nito. 

In contrast,  sa Testamentary last WILL and testament, ito ay naka print out sa papel, kailangan  na bukod sa pirma ng testator, ay mayroon din itong 3 witnesses at kailangan pang inotaryo. Upang ma implement ang Holographic will at testamentary will ay kailangang ma-probate ito  sa korte upang masuri ang intrinsic at extrensic validity nito.  Ang pag probate ng WILL sa korte  ay maaring isagawa during the lifetime or after the death of the testator. 

Hinggil naman sa Donation Inter Vivos, ang dokomento ay kasulatan na kung saan ung may-ari  ng isang property, out of love and liberality ng may-ari ay ibinibigay, pinagkaloob at inililipat  niya ang kayang pag mamay-ari  sa isang na effective agad ito as soon as tinatanggap ng donee in  writting ung donation. Ang written acceptance ng donee ay maaring maisagawa as dulong parte  din ng donation or sa hiwalay na papel.  

     Pero for convenience, ang acceptance ng donee ay doon din mismo naka saad at pinipirmahan  ng donee sa dulong parte ng donation upang isahang notaryo na lang  ang gagawin sa nasabing  Donation. 

Ung Donation Mortis causa naman, ay kapareho rin ng requirements ng Donation Inter Vivos  at ang pagkakaiba lang nito ay ung Donation Mortis Causa ay manging effective  lamang ang  paglipat ng ari-arian ng donor pag siya ay pumanaw na. Take note Donation Inter Vivos o  Donation Mortis causa at dapat parehong notaryado at mayroong written acceptance ang donee  o ung pinagkalooban nito. Xx 

xxx 

Xxxx xxx 

Learning is empowerment. For more information follow the Batas Pinoy Global in  the YouTube.com Batas Pinoy Channel. kindly click the subscribed, sharelike buttons and tap the notification bell, for future video updates. 

Disclaimer: Batas Pinoy Global Community(BPGC). Not Legal opinion: 

Material placed on this corner is for the purpose of providing information only. Any communication from this  corner does not create lawyer-client relationship of whatever nature and for whatever purpose. It is not  intended as practice of law or legal services. Although the writer believes this information to be accurate at  the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer. 

Such circumstances or understanding of the facts as conveyed to the writer by the sender may not actually reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and as understood by the writer. 

 This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of  the information provided in this writing. The contents provided by Batas Pinoy Global Community(BPGC) are not meant as substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professionals for legal advice as regards the emailed or forwarded queries and the corresponding information furnished or as  viewed by BPGC.  

Readers who may have legal concerns affecting their persons, property, rights, title and related interest  concerning Philippine laws and jurisdiction, are welcome to e-mail their query either in English or Pilipino  in plain, concise and orderly presentation of facts, (as no follow-up or clarification of queries will be  entertained to give way to others in the queue ) in order to avoid vagueness and mis-appreciation of the  facts of your stories. For appropriate information write to: bataspinoychannel@gmail.com , reply to the  queries is based on best effort basis due to the large volume of queries from kababayans all over world 

WARNING: This communication is intended for use by the individual(s) to whom it is specifically  addressed and should not be read by, or delivered to, any other person. Such communication may contain  privileged or confidential information. If you have received this communication in error, please notify the  sender and delete this e-mail message immediately. Thank you for your cooperation.  * * *