HOLIDAY GREETINGS/MERRY CHRISTMAS DEAR READERS !!! KARAPATAN NG DALAWANG PAMILYA

By | December 18, 2017

 

  1. Dear Sir, Kami po ay 5 magkakapatid, ang aming tatay po ay may naiwan na real property, at ang titulo po ay nakapangalan sa kanya “married to”  sa unang asawa nya na namatay na noon 1968.   Si tatay  ay  nagpakasal uli at nagkaroon sila ng 2 anak.  Kasabay ng panahong ito  ay nagkaroon pala sya ng mga anak din  sa ibang babae.  

 

Ngayon po ay plano sana namin na ipagbili na ang lupa at partehin sa aming lahat ng naaayon sa batas.  Paano po ba at ano-ano ang karapatan ng unang anak, ng surviving spouse (ikalawang asawa), ng anak sa 2nd family at illegitimate children nya?

 

Will the law on Separation of Property by default and the Law on succession applies or contradicts the shares of his heirs? Salamat po, ANAK SA UNA

 

ANS: Ayon sa batas at ang proceso nito, kailangan mo na iliquidate  ang estate or mga ari-arian ng unang family kung saan namatay ang iyong ina. Ang mga anak nila sa unang pamilya ay maituturing na compulsory heirs kasama na rito ang iyong ama as surviving spouse.

          

          Ang nasabing property ay maituturing na conjugal property ng iyong ama at yumaong ina. Lalo kung sila ay nakasal bago August 3,1988 kung saan naging effective ang Family Code, at wala  silang pre-nuptial agreement.  So dahil conjugal property ang nasabing real property, ang kalahati nito ay conjugal share ng inyong ama. At ang kalahati naman pag hahatian ninyong magkakapatid (Anak sa Una)  at kasama inyong ama sa parehong parte or equal sharing bilang mga compulsory heir ng iyong ina.

 

        Ung mga anak ng iyong tatay sa pangalawang asawa at kasama na rito ang kanyang pangalawang asawa at mga anak sa ibang babae ay walang karapatan ng mag share doon sa real estate na nabanggit.

 

        Magkakaroon lang sila ng karapatan na mag mana, kung mamatay ng iyong ama. At kung mang yari ito, kayo bilang anak sa Una, ay maituturing din mga compulsory heirs ng iyong ama. Ang mga anak ng iyong tatay sa una, pangalawang asawa at mga anak niya sa iba na di sila kasal, ay maituturing din compusory heirs, kasama na ang surviving spouse, kung kasal sila. Kaya lang ang share ng mga illegitimate children ay kalati lang ng share ng legitimate children.

       

      Upang ang mga kaukulang dokomento para sa Extrajudicial Settlement of Estate with Deed of Partition ng nasabing real property maki pag ugnayan kayo sa inyong abogado upang magawa ang mga dokomento na kaakibat nito, kasama ang pag bayad ng estate tax, at iba pang mga alituntunin sa pag babahag ng inyong real property, pag survey at pag partition ng lupa, pag cancel ng lupang title at pag issue ng panibagong titulo ng bawat isa sa inyo kung saan nakasaad ng inyong share o parte doon sa mana.

 

Looking forward you’ll find the above in order as the “Batas Pinoy Global Community”(BPGC), welcomes you in this program.

 

NOTICE: Due to the long queue of patrons waiting to be accommodated, this corner will NOT entertain  follow up queries , piecemeal , speculative or clarificatory questions relative to your email or letters.  

 

Disclaimer: Batas Pinoy Corner Not Legal opinion:

Material placed on this corner  is for the purpose of providing information only. It is not intended as  practice of law or legal services.  Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer.  Such circumstances or  understanding of the facts as conveyed to the writer  by the sender may not actually  reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and  as understood by the writer.

 

This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The content provided by Batas Pinoy Corner  is not meant to be a substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professional for  legal advice as regards to the information obtained in this column.

 

* *  *   

Readers who may have legal concerns affecting their persons, property, rights,title and related interest concerning Philippine laws and jurisdiction, are welcome to e-mail their query  either in English or Pilipino in plain, concise and orderly  presentation of facts in order to avoid vagueness and misunderstanding of your stories, for appropriate comments  to: attyrw@gmail.com  .