Aber, tingnan nga natin kung makakatulong masolusyonan ang teribleng traffic sa MetroManila nitong pinakabagong scheme ng MMDA (MetroManila Authority po na sangkatutak na ang ginawa at ipinatupad na mga proyekto para maibsan ang traffic pero andun pa rin magpasahanggang ngayon).
Starting the 15th of this month (November) ay full implementation na ang numbers coding of all public utility buses in MetroManila. Which means na tulad ng sa mga kotse at iba pang maliliit na sasakyang panglupa, there will be one day when buses will not be allowed to ply their routes.This is officially called the Unified Vehicular Volume Reduction Program.
Apektado ang tinatayang 13,000 na mga bus kasama na rito ang mga galing sa mga probinsiya that end their route in MetroManila.
At ano pa, mobilized ang mga kinauukulan for the smooth implementation of the scheme- andun ang mga local traffic enforcers ng MMDA, sa pag ariba na rin ng Philippine National Police, Roadways Clearing Operation Group, and Sidewalk Clearing Operation Group(wow, full force,a!)
Ay naku naman, dati na namang kasali sa numbers coding ang mga buses, e. Anu ba’t mekalakasan yata ang mga bus companies noong year 2004 when, aba, ang lakas, they were exempted bigla! Hayun, lalong namilipit ang traffic.
I know meron na rin karanasan kayong mga Fil- Cans sa traffic dito kapag kayo ay bumibisita/ nagbabalikbayan baga. Di ba nakakainit ng ulo, nakakapanggalaiti, at parang gusto nyong manghataw nang manghataw ng tao???? Parang mga bingi ang mga bus drivers na mayabang na nakaparking sa gitna ng daan habang nag- aantay ng pasahero at di naririnig ang mga busina ng mga naiiritang nasa puwitan ng bus nyang bulok. Only in the Philippines talaga- katitigas kasi ng mga ulo natin ano? Pero hwag ka, kapag nakaswerteng mag- abroad, masunurin naman sa mga regulasyon doon. Paano dito, sanay sila to corrupt traffic enforcers (pa slide naman ng maningkwenta jan, lusot na). Sa abroad, kaya nyong mangorrupt? Hindi nga, e (kalaboso ka agad!) so, susunod na lang sa batas. Tumpak- at tama iyan!
Eto pa rin ang something hot- hindi init ng ulo kundi ‘HOTmoney’. Sa kabila ng karaming mga babala, travel warnings daw on the Philippines dahil maraming lugar dito ang security risks and may threat of terrorist activities, ano ba’t milagro naman nama’t datingan naman ang mga show of support from many quarters.
Portfolio investments na tinatawag ding ‘hot’ money from the US, UK, Luxembourg, Hongkong and other developed nations have come in. Last month alone, an estimated net of $ 1 billion flowed inward. In total as of now, registered portfolio investments have reached $ 8.91 billion, more than 70% of which reached destination at the Philippine stock exchange. TecBasta ang suma total nyan e- ayos for us Pinoys!
Show of faith and support in us pa rin the gesture of the European Union in pro- viding development assistance and aid specially forMindanao development. The package is valued at Euro 69million spread out on a 3- year period beginning in the year 2011. It is regarded as the highest aid package given by the EU to this nation in recent years.
Favorite destination ng European package ay our Mindanao region where napaka raming marginalized because of the continuing conflict between and among various factions.
Dapat lang na doon mapunta ang aid package na ito at sana dun sa mga package pang darating. War torn pa rin ang area, andami talaga ng pagsuportang kailangan. Sana, di naman sa bulsa ng iilan mahilog ang datung. Noy, please, please make sure, ha?
And finally, a ‘spirit of optimism’ message is what PNoy decided to impart when he joined the rest of the member- nations of the Asia- Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit in Japan.
For indeed, Filipinos have much to look forward to- there is now new respect from the international community for the country and its swift economic recovery. Kagalang galang at kapani paniwala din daw ang ating mga bagong lider, sa pamumuno ni PNoy. Tiwala ang lahat na ang mga pagbabagong pagsulong at sabay na paglaban sa korupsyon ay magiging tagumpay.
Hmmm, pwede na sigurong makatulog nang mahimbig. Tulad nga ng awit ni Annie sa kanyang Broadway musical of the same title…’the sun will come out tomorrow…’Matatapos na ang kadiliman at magliliwanag ang buhay ng Pinoy.
Sa personal na lebel naman, sinisimulan ko na rin sa aking sarili ang pagporma ng isang bagong yugto ng aking buhay- retirement. I will be retiring in style- as a small- time farmer in the hills of Tanay, in the province of Rizal. Hosme, bakit ba walang nakapagsabi sa akin noong sobra pa akong madatung na sobrang kahali- halina sa bayang ito? Disin sana’y nakabili ako ng ekta ektaryang sakahan noon! Ngayon, I need ten of you out there to join me to farm- type nyo rin sana (please read my ad on this invitation in this paper).
‘Municipality in the sky’ say nyo! Aba, tunay na haplos ko na ang ulap nung minsang dumalaw ako sa lugar ng friend kong si Beck Avelino(altitude 650 ang place ni Beck, yung sa Erap mansion sa bandang ibaba sa Brangay Sampaloc ay may altitude 250) dating reviewer sa MTRCB. Kalamig pa, sariwa ang kapaligiran, berdeng berde ang mga halaman at puno. Mataba ang lupa and most of all, makakakita ka pa rin at makakapagkaibigan ng mga simple at tunay na tunay na mga kapitbahay. The place is not for the sosyalero and sosyalera, though. Dapat simple lang ang kaligayahan- mahalin ang lupa at putik kung saan pwedeng itanim ang pagkaing para sa hapag kainan, hayaang maglimayon at magkalat ng maliliit nilang dumi habang tumutuka- tuka sila ng kung anu ano ang mga manok sa bakuran( lagot sya, mamaya tinola na !), at lakarin ang kabuuan ng maliit mong bukirin, magsaya at mamangha sa mga biyayang bigay ng langit. Ah, I will run out of superlatives describing the place where I intend to spend the rest of my life soon. Not to worry friends, nakakarating ang internet doon- I will continue doing my column,( with the permission of my publisher). I will provide you with with glimpses of my life as a farmer very soon!
Hello, hello to newfound friends in Tanay- Ricky and Beck Avelino, Mr. Solis of Shell , Sampaloc, Michelle Gose, Tars Pacheco, Millete at sa lahat ng taong- bayan ng Tanay…
Thank you Toronto!