Balita

HELLO PO, TORONTO!

Trust Sen. Miriam Santiago to author bills that stem out from her ‘inis’ with what she seems to regard as ‘sobra na’. Tiempo naman that most of the Philippine public shares her feelings with what both see as ‘kapalaluan’- yun bang over- over and major- major talaga.
Hence her bill that is getting to be known as the anti- epal bill- Senate Bill Number 1967, ‘An Act Prohibiting Public Officers from Claiming Credit through Signage Announcing a Public Works Project’. Wala daw pagkatalo yan ang sabi ni Sen. Tito Sotto at ilan milyon pa sigurong mga Pinoy.
Paano ba naman e this bill proposes to jail epals who have hides so thick that they persist in plastering their names and images to signages in public works projects- mga tulay, kalye, iskinita, estero at kung saan pa pwedeng mabasa ng balana na sila, bukud- tanging sila ang may pakana ng whatever public works improvement is underway.
The word ‘epal’ nga pala po refers to someone na may kakapalan ang mukha na gagawin ang lahat sumikat at magningning lamang ang kanyang pangalan at pagmumukha. ‘epal’ hango sa word ‘kapal’.
Madami ng mga ganyan dito sa Philippines- lalo na mga politikong gustong magkaroon ng big break, ma re- elect at manatili sa office for a long, long time. Sa pinilakang tabing, mayron din ng mga ganyan pero iba naman ang style- mag a anunsyo ng katakut- takot na gimmick press releases mapag- usapan at maging controversial lang. Sa advertising world meron ding ganiyan. I remember noong araw as I talked to Channel 4’s account executives to brief them about my current special tv productions and their ‘selling’ points- para naman maibenta nila at mabawi man lang kung ano namang kagastusan we in production incurred (at para naman din may kaunting pondo ang very poor na Channel 4 noon), the AE would try to find pabonus na ‘media values’- yun bang hindi direct commercial pero meron ding good recall effect sa madlang manonood ng tv. Andung sabihin sa akin na ‘manay pwede bang isalpak natin ang company logo ng advertiser sa microphone ng iyong program host para makita ng viewer?’; or ‘manay pede bang pakiusapan ang tv announcer natin na itahi ang company logo ng advertiser sa lapel ng kanyang coat?’; o kaya ay may ipapatong na coffee mug na may company logo sa desk ng tv host…hay naku andami daming naiisip ng very creative na mga tao sa industriya at malimit ‘overkill’ na pero ok na ok pa rin ang network at ang kawawang producer para makuha ang advertising revenue. Well that’s life ika nga, kung kailangang magsipsep yan ang ginagawa ng karamihan.
In other words, ‘media value’ din ang hanap ng mga nagpapaskel ng kanilang pangalan and photos sa mga announcement ng project sa kalye- sa walang gastos napapanatili nila ang awareness ng publiko- dakila, makatao, at matulungin. KAHIT DI NILA SARILING PERA ANG GINAGASTA sa mga public works project na ito. Isa pa tungkulin naman talaga ang paglilingkod sa bayan kaya nga sila nakilahok sa eleksyon para mahalal sila (‘owwsss ,’sabi ni neighbor’ di totoo yan may ulterior motive yan.’ )
Ang laging may pinanggigigilang Senadora says iyang praktis ng pagpapasikat na iyan promotes’ a culture of political patronage and corruption aside from being pointless and unethical.’ Agree ako at marami pang iba diyan.
Agree ang Catholic Bishops Conference of the Philippines. Agree ang Malacanang- di ba cited for its initial successes in good governance ang Aquino administration. We even became a member of the steering committee of the newly formed global good governance forum (Pres. Obama’s concept daw ito). Agree pa rin ang maraming non government orgs civic associations at the rest of the public.
The anti- epal bill proposes a jail term of between 6 months to a year for a public official who allows the printing and display of his name and/ or photo on signage announcing any public works activity- the building or repair of these.
Okay lang naman daw (ibig sabihin walang kulong) yung signage that bears the project title and the government agency implementing the job- that’s enough to let the public know and be aware of government efforts to provide better service to the citizens.
Tingnan nyo nga daw ‘tong si PNoy, suklam na ipamarali ang kanyang malinis na pangalan at hindi kagwapuhang mukha sa mga signages na tulad ng mga iyan. That’s an order! Tanggal sa trabaho ang sinumang sumubok magsipsep sa ganyang paraan.
Palakpakan din naman my kabarangays dahil dito sa Quezon City, talaga namang sawang sawa na ang lahat sa naglipanang nakasabit/ nakapakong mga tarpaulin/ plywood signs bearing the face of our Mayor Herbert (si Bistek ng pinilakang tabing ) and announcing projects that the local government is undertaking as if galing sa bulsa nya ang pondong pinantutulak para makumpleto ang mga ito…or mas kagila- gilalas, ay nanggaling sa kanyang mapanuring isipan ang konsepto ng activity.
Hmp, sabi ni kabarangay Tony, isang alalay ng isang nabotong kagawad, pang neutralize lang ni Bistek yan kasi dami nang naisukbit na monicker sa Lunsod Quezon ngayon- carnapping capital at most garbage- laden city daw ang mas kilala ang Quezon City for. Not to mention na andito ang killer road- Commonwealth Avenue, nakupo, kadaming nasasagasaan, nagbabanggaan, at kung anu ano pang sakuna sa malawak na kalyeng ito.
Not to fret too much mga politicos! May pag- asa pa for some of your media values- nabanggit ko yung mga coffee mugs- hala pagawa kayo ng milyon na tasang ito at ipamudmod ngayong Pasko- lalo na sa mga nangangailangan ng tasa ang inyong mga botante sa Payatas at iba pang lugar na merong pagkarami raming manhahalal. Tshirts bearing your greetings for all occasions tulad nitong nabasa ko sa tarpaulin na nakasabit sa wire ng Meralco dito sa aming kalye- Happy Fiesta from Councilor…..(our fiesta is on Dec. 8 so dami pang time mabasa iyan. Isinabit yata iyan noong October pa. ). I am sure marami na ang nagpapaimprementa ng Merry Christmas and a Happy New Year greetings; naka schedule at may pondo na rin siguro para sa Happy Valentine’s Day at Happy Graduation- limitless talaga ang pagkakabitan ng inyong pangalan. Meron pa nga rito nagpapahiram pa ng tents bearing the pllitician’s name of course- mahihiram at magagamit ng botante kapag mayron syang ipaglalamay na patay, may pabinyag, kasal o debut- minsan din naipasasara pa ang kalye on these occasions magrequest ka lang din kay politician.
Yan ang thinking out-of-the-box to the max level- hanggang sa kaliit- liitang bagay ay pwedeng magamit for media mileage.
Magaling ang marami sa atin sa ganyan. Hindi naman din siguro masama hwag lang sobrahan. Baka naman taos sa puso ng mga politikong ito ang pagbati sa atin ng Merry Christmas, Happy Valentine’s Day at kung anu ano pang happy occasion.
Sabayan na lang sana ng karapatdapat na serbisyo publiko- yung trabahong ipinangako nila sa botante noong panahon ng eleksyon. Sana hwag na rin nilang gastahin ang pondo ng bayan sa signage bagkus sa project na lang.
THANK YOU, TORONTO!

Exit mobile version