Sha has changed home studios- from ABS- CBN where she had her shows for the last 23 years to ABC Channel 5, the Kapatid tv network.
Very decent naman daw ang pagpapaalaman nina Sharon Cuneta and Channel 2 bosses Gaby Lopez and Charo Concio…may mumunting luhang tumulo (daw) mula sa mga mata ni Ms Cuneta- malungkot nga namang iwanan ang itinuring mong tahanan (hindi ordinaryong pamamahay lang take note) for almost a quarter of a century.
A very excited Sharon naman greeted her new kapatids at the board offices of Channel 5 in Taguig City some days later. Sha is full of hope that her rekindled energy will translate into bigger and meatier participation in network projects and activities. Buhay na buhay ang dugo ng artistang ito na minahal at minamahal ng milyun milyong Pinoy-‘ may asim pa ako’, yun siguro ang nasasambit ni Megastar these days.
At bakit hindi? At age 45, Sharon has still so many productive years ahead of her. Hindi naman sya kasali sa pangkat ng mga showbiz has-beens na humina nang humina ang ningning habang nadadagdagan ang edad sa kalendaryo. Hmmm, bakit nga ba dito satin e ang popularity is greatly related sa edad ng artista? Nalalaos karamihan kapag naguguhitan ng gatla ang noo. E bakit naman sa ibang bayan, mas lalong nirerespeto ang artistang nagkakaedad, nakaipon ng maraming karanasan, maski pa naman ang mga ito ay dumaan din naman sa maraming unos sa buhay- bakit nga ba minamahal pa rin si Mel Gibson sa kabila ng pagkagumon nito sa alak? Si Clint Eastwood naman ay isang ‘legend’ na sa ngayon…si Michael Douglas remains a hot entertainment subject despite getting afflicted with cancer and being divorced by Catherine Zeta- Jones.
Sa totoo lang, talagang nasa pasimula pa lang si Sha sa pinaka panapanabik na kabanata ng kanyang buhay. Greater things to come from her, ika nga ng maraming senior citizens na tulad namin. Syempre,, we are talking based on our experiences in the past.
Sa ganyang mga edad kasi, parang ang kalooban ng isang Pinoy ay panatag na- wala na ang kapusukan na kung minsan noong araw ay nagagawang magbigay ng mga maling desisyon sa isang tao; sa edad na iyan, mayron na ring maipagmamalaking mga ‘accomplishments’ na pwedeng ipagmalaki( sa isang typical Pinoy family, makikita na medyo malaki- laki na ang mga anak, nagsisipag- aral na; ang kabuhayan naman ay medyo ok na rin- nakapag- ipon ng kaunti, tuloy ng walang palya ang hulog sa housing unit); at sa mga ganyang edad ay umuusbong na rin ang pag- iisip ng ‘how can I give back?’ Sa dami ng naging blessings ni Sharon, I know nag- iisip na iyan ngayon- ‘It’s not for the money’ sabi ng kanyang new manager na si Vic del Rosario (ng Viva Films) Natsitsismis kasi na Php 1billion ang halagang ibabayad kay Sha for her 5- year contract with Channel 5, kung totoo man ito it’s indeed the biggest contract price for an entertainer’s services dito sa bansa so far.
I believe Sharon Cuneta’s transfer is ‘not for the money.’ I believe that Sharon feels that it is now a good time for her to take the next level up- and that is to use her talents, intelligence, and wealth of experiences to contribute in creating a greater, more meaningful, and relevant Philippine entertainment industry. Of course ang ABC5 ang unang makikinabang sa kanya- hindi na natin aalisin ang pribilehiyong iyon sa istasyong nag- iinvest sa kanya. Sugal ang move nilang ito, I think. Maybe apprehensive din noong una ang ilan sa management nila noon when Sha’s transfer was being cooked up- kasi, they saw Sha relegated to the background at ABS when the young stars came in; alam din siguro nila how fickle- minded the Pinoy fans are(the ones who stick to the ‘old’ idol are usually ones who can not afford to buy their own ticket to enter the cinema). At saka,, medyo hindi na significant ang tv rating ng show ni Ms Cuneta- parang kinasawaan na ng publiko.
‘Brilliant’ is how I would describe Channel 5’s move to exhaust all means to get Sha to its side. Dinig ko ay nagkasundo rin both sides to give Sharon more say in the production of her shows- hindi lang sa pagpili ng kanyang repertoire of songs or guests to interview…maraming areas na pwede nyang idutdot ang kanyang daliri with the intention to create a better show.
Sharon Cuneta has been in the Philippine entertainment industry for almost forty years. While she was related to influential personalities who could have used their clout to make it possible for her to be a star immediately, she and/ or her handlers chose to allow her to gain the feel of showbiz the ordinary way. Nag guesting- guesting ng walang talent fee to promote her activities, be this in film, music recording, or tv; nag host- host sa mga programang walang maibayad ng malaki (mga shows daw ni Kuya Germs). Finally, binasbasan sya ng publikong Pinoy ng pinakabonggang karangalan- ang matawag na Megastar ng Pilipinas. Kadaming awards, kadaming box office movie hits, mga platinum records and top- rating shows- san ka pa?
And the public remains in love with her at DI SYA NALALAOS – ang mga Pinay will generally find some common ground to identify with her- sa isang nanay, si Sha ay isang mabuting anak- di palasagot di matigas ang ulo, magalang, ma- alaga sa magulang, at iba pa; sa isang anak, si Sha naman seems the ideal mother, can communicate with her children, empathizes with them in their hours of agony after a split with the boyfriend, guides them wisely trough the other painful episodes in a teen- ager’s life (pimple problems included)- tingnan mo nga how she dotes on her 3 girls; Sha is also an ideal sister(magaling mag- advise; di mahirap utangan); sya rin ang iniisip ng isang prospective mother in law na makawangis ng kanyang magiging manugang( mukhang marunong sa buhay; kayang magdala ng pamilya; di mukhang maluho at gastadora; disciplinarian din pero pusong- mamon); she is perceived to also be an ideal friend(hindi itsitsismis ang mga sekretong alam), ideal boss(just and fair kung magtrato ng empleyado), ideal co- worker(matulungin; hindi sipsep sa boss) at kung anu ano pang ka –idealan dito sa mundong ibabaw. Para bang pinagsama na ang mga karakter na nagampanan na nya sa pelikula at ang kanyang tunay na karakter sa totoong buhay. Maganda ang tingin ng lahat kay Sha.
This love has translated in many ways- pati na sa pag i- endorse ng kung anu anong mga produkto dito sa Pilipinas. She remains as the country’s top product endorser- mula sa byahe sa barko to Mcdo to make up…bangko, telecom products, instant noodle, ice cream, products for female hygiene and hundreds more- ang joke nga ng aking kumadre sa kanilang tahanan e,’ hmp, kaya nga ang taba ni Sharon tingnan mo nga sunud sunod ang commercial nya ng pagkain- e di magpapadala ang mga companies nyan ng mga freeby products nila sa bahay nya, e di mapipilitan syang tikman lahat ng ito…hmp ipadala na lang sana dito sa atin, hahaha’.
Sharon fans will eagerly await what their idol will offer as the public’s entertain-ment fare in her new home studio. I am not a Sharon fan but I am an admirer of her versatility as an entertainer and durability in staying on top of the charts during all these years- I likewise eagerly await welcome changes not only in the programs where she will be the star but in the bigger picture, the Philippine entertainment scene. Mabahiran sana ito ng dagdag na relevance at integridad, qualities na nababanggit na mayron din si Sha.
THANK YOU, TORONTO!