Balita

Harapin mo

Kapag ikaw ay inaakusahan

Dapat sagutin mo ng harapan

Hindi iyong maninira ka ng talikuran

Mapagtakpan lamang iyong kasalanan

Kung wala ka namang ginagawang masama

Pag aakusa sa iyo dapat mong itama

Hindi iyong akala mo ikaw ay kawawa

Ibang tao ang iyong binabalahura

Kapag hindi mo hinarap ang pag aakusa sa iyo

Patunay na lamang umiiral ang karuwagan mo

Pero kapag nakatalikod na iyong tao

Saka ka naman mag aalburuto

Kung ikaw ay maraming kasalanan

Panlalamang sa kapwa ang dahilan

Dapat lamang na ibunyag iyan

Upang wala nang mabiktima na sinuman

May pagkakataon ka na ipagtanggol ang sarili mo

Upang patunayan na malinis konsensya mo

Dahil ang lahat ng masamang gawiin mo

Karma na ang maniningil sa iyo

Exit mobile version