Ni Edwin Esteba
Sa ating pagtanda tayo ba ay handa?
Mayroon ba tayong inaasahan na mag aalaga?
Kung wala tayong ipon tayo ay kawawa
Pasalamat kung may anak na mag aaruga
Huwag natin silang obligahin
Na sa pagtanda natin tayo ay papasanin
Dahil sila ay may mga pamilya din
At dapat gawin ang kanilang tungkulin
Kung may anak na tayo ay hindi kakalimutan
Aalagaan tayo hanggang sa huling hantungan
Ipagpasalamat natin ang kanilang kabaitan
Pero kung hindi naman huwag natin huhusgahan
Sa lahat ng bagay dapat tayong maging handa
Dahil ang pupuntahan natin lahat ay sa pagtanda
Hindi natin alam kung sa atin ay may magtitiyaga
Huwag natin hahayaan na tayo ay walang wala
Hindi naman basehan ang pera
Pero paano ka mabubuhay kung walang wala ka?
Sa mga anak natin dapat ba tayong umasa?
Kung sa pamilya nila ay kulang pa
Kaya kahit kaunti ay magtabi ka
Kahit papaano ay may dudukutin ka
Huwag aasa na tutulungan ka
Hintayin natin magkusa sila