Eskeremengoles! Saming Last Kalabit,
Isang Receptionist, bumula ang bibig!
Dahil kanyang ngiti e very expensive!
Bihira mangilid! Di malaman, bakit?
* * *
Dahil me reklamo! At bulungbulungan!
Butihin nyang bossing e talked to her naman!
Pinay Receptionist, dati dating Badang!
OK na po ngayon! Wah! Appy Valentine!
* * *
Sa Araw Ng Puso! Me saya, me lungkot!
Kapiling ang irog! Palundag ang tibok!
Malayo ang mahal? Parang matitigok!
Hwag kayong bibigay! Ecayo babagot!
* * *
Kulas at Kulasa! Di lahat e pera!
Sa buhay ng tao ang nagpapasaya!
Tambak ang datung mo, pero ang problema!
Tsk – tsk! Gangga Mayon! Parang eErap ba!
* * *
Undersickretary Popoy Balengtino,
Kanyang sinasabi, taganang totoo!
Buhay parang relo! Sa bawat sigundo,
E, puedeng huminto! Baka, de palito!?
* * *
Alahoy! Alahoy! Saan man naroon!
Sigaw madlang pipol! Tuloy, walang urong!
Sating pagsalungat sa mga ‘pabaon’
At sa ‘pasalubong!’ Amen sa kurapsyon?
* * *
Sa OFWs, ang Bagong Bayani!
Nepu ang kabayan e saludo pirme!
Nang dahil sa inyo, ating economy
E, ‘nalutang’ pa rin! Tenkyu nang marami!
* * *
Ngayong Valentine’s Day, e pinaaabot
Sa milyun – milyunes na OFWs!
Sang “Happy Valentine!” Iwaksi ang lungkot!
Bayan me pag – asang mahango sa lupot!
* * *
At, Domestic Helpers, dito po sa atin!
Kapuripuri! Binabati rin namin!
Sabi nga ni Tembing! Just keep on smiling!
Pasasaan ba at! Magiging citizen!
* * *
Sey ni Fr. Gomez: “Feel mo! Gets mo! Do mo!
Katabi, tingnan daw! Sabihin mo kuno:
“You are my Valentine…” Anung sagot sayo?
Hmp, ewan ba, basta! Stars nakita ko!*&^%$#*