Alahoy! Alahoy! ‘Ginaya’ ang EDSA!
Sa Egypt! Sa Yemen! At maging sa Libya!
Sez Barack to Moammar: “Abah, sibat ka na”
Hihihi! ! Sa Hawaii, Baka dun mapunta?
* * *
Tararadzingpotpot! Nagkapetotpetot!
Gulo sa Middle East, ang OFWs!
Sila ‘naiipit’ pirde ang trabahos!
Iniuuwi na! Buhe delikados!
* * *
Sir Tomas Kaluban! Iba e ‘palaban’
Me pamilya na dun, ayaw pong iwanan!
Kung uuwi satin, e balik gutom daw !
Kung kaya dun na lang! Ingat ka kabayan!
* * *
Holy Kalungkaling! EDSA People Power!
Sa ika – 25th, selebrasyon satin!
Pinakamakulay! Kaiba ang dating!
Kaiba si P-Noy! Di anak ng jueteng!
* * *
Okedok! Kikodok! Madla ginunita!
Si Ninoy at Cory! Dinakila, Inda!
Hayut abut langit! Anghel e naluha?
Sa saya at tuwa! Oka – ka! Oka – ka!
* * *
Ibat ibang panig nitong ating bayan!
Me kani – kaniyang mga pagdiriwang!
EDSA ginunita! IIsa ang sigaw!
Long live EDSA! Long live! Mabuhay! Mabuhay!
* * *
Talks ng grupo – grupo! Sa Parliament Street!
Hanggang sa Square One! Nepu. Tsitsiritchit!
Refill nitong kape! Non – stop! Watdahek!
Dun sa Scarborough Town, me refill ba rin, Bert?
* * *
Tropicana Restaurant, dun sa Quality Inn!
Cheers! Aru, Inn na Inn! Pinoy banding – banding!
Tugtugan! Kantahan! Ewan, kung me refill!
Ed / Zeny Fajardo! Tsk! Nanu imung sey?
* * *
Doon po sa atin, paksa ng usapan!
Alagwa ang laway sa balitaktakan!
Tuloy kanta ni Nel, di mo mapakinggan!
Nabilis ang tagay! Ed! Libreng pulutan?
* * *
Kanya – kanyang bangka! Huh, punto por punto!
Matapos ang EDSA! Sa alam ninyo, ano?!
Naging pagbabago! Aber, sabihihin nga nyo?
A, e yung …Romulo! Ngayon…Del Rosario!