Balita

Dolphy namayapa! Nagluksa ang bansa!

Eskeremengoles! Too late senyol ‘judges’
Award kay Dolphy, din na nya nakamit!
Nagluksa ang bansa! Lumuha ang langit!
Bituing Marikit! Home Along Da Riles!
***
Buhay, weather, weather! Line ni Kuya Kim yan!
Sey nitong si P-Noy ay kaiba naman,
“Pagsikat ng araw nasa ating kamay,
Kung pano bubut i ang kinabukasan…”
***
Sa totoo lang! Oka – ka! Oka – ka!
“Nasa Dios ang awa, sa tao ang gawa”
Madasalin ka man, palasimba pa nga,
Sa kapwa mo naman ugali ulikba!”
***
Tubig! Tubig! Tubig! Abut langit hiyaw!
Tikang ang palayan, sa tubig ay uhaw!
Bumuhos ang ulan! Tubig ay umapaw!
Too big ang problema! Tag-init! Tag-ulan!
***
DUN PA RIN SA ATIN! Pinagbabawal na,
Gamit na plastic bag, dapat nung araw pa!
Sa mga imburnal tone – tonelada!
Hindi masalaksak! Manholes di makita!
***
Okedok! Kikodok! Bag yari sa pandan,
Buli at kawayan pawang nalulusaw!
Bebenta na ule, plastic ang ‘pumatay’
Syempre maglalala, merong hanapbuhay!
***
Donaire panalo! Mathebula, groge!
Kahit mas mataas, hihi! Na – Donaire!
Mabuhay ang Pinoy! Visaya din ine!
Viva Sarangani! Bunyi ni Mommy D!
***
Jessica Sanchez, si Kim sa Miss Saigon?
Bien – bien! Siyang bagay sa papel na iyon!
Bakit di si Charice, dami ang nagtanong?
Eno kung me tato! Alahoy! Alahoy!
***
Jack en Jill! Kangkarot! Marami ang kwento,
Maririnig ninyo kung kani – kanino,
Yung tungkol ke Dolphy, isa na po ako!
Di makalimutan, hi – hi! Pidol, thank you!
***
Sampaguita compound, shooting ng Silveria!
Dolphy nakasando, hindi nagta – take pa!
Tinaas ang left arm: “ Hmp! It is you pala!”
Hindi ang kabayo! Tawa kaming extra!

Exit mobile version