Pagyao ni Dolphy, saming last Kalabit,
Amin pong nabanggit: “ Lumuha ang langit…”
Umambon paglabas sa karo ng casket
Hanggang maipasok, nitso ay ipinid.
* * *
Nabanggit din namin, shooting ng Silveria,
Nakasando lang sya , hindi nagte – take pa!
Tinaas ang left arm! “ Hmp! It is you pala! ”
Hinde si Silveria! Tawa kaming Extra!
* * *
Kabayong babatak sa karo, namatay!
Ilang oras lamang bago pa ang burial,
Kung si Silveria ba ang kabayong iyan?
Sinakyan ni Dolphy, puntang kalangitan!
* * *
Sir Tomas Kaluban, maiyak, matawa!
Paanung namete, yung pubring yokaba?
Sa huling eksena nagpatawa pa,
Ating nag – iisang, Hari ng Komedya!
* * *
Buhos pakiramay sa pamilya Quizon!
Lipus pagmamahal kay Dolphy, pabaon!
Kanyang tagahanga sa habang panahon,
Hindi malilimot ang kanilang Idol!
* * *
Ang Buhay Artista, at ang John en Marsha!
Home Along Da Riles! Da best na talaga!
Di ‘pinaliligtas’ ng bawat pamilya!
Masaya! Tawanan! Jack en Jill! Markova!
* * *
Pangalan ni Dolphy, basta mabanggit lang,
Hagikgik kaagad! Ang Tatay Kong Nanay!
“ Ano, sinung ander? Sige, tuloy! Tagaaay! ”
“ Hik! Mukhang uulan!? Yung aking sinampay!”
* * *
Fiesta ng Cavinti! Halina nat dumalo!
Me palabas ule, grupo ng Girimyo!
Mangagsisiganap, sez Ed Avelino:
May ‘ Dolphy’ ‘Panchito’ At saka, ‘Babalu’
* * *
Pang – Famas na naman kanilang palabas!
Kwan aaay! Pampadighay sa mga nabundat!
Rudy Zalameda, a.k.a. ‘Yakatak’
Siya ang Producer nitong Magdapio Arts.
* * *
Mike Relon Makiling! Supi ka lang muna!
Script at Director , Mel Castillo yata!
Kami, anung papel ? Oka – ka! Oka – ka!
Wat? Tagapalakpak!? Wape LOO! Wakanga!