Q. Nakapag asawa po ako ng foreigner, pero devorce na kami since 2014 clear na po dito sa Dubai court yong devorce namin at napa authenticate ko na rin sa Dubai embassy dito sa United Arab Emirates (UAE) .
Pero diyan sa Pilipinas hindi pa daw clear yon ang sabi ng DFA, Kinasal kami by Muslim rites abroad.
1, Ano po dapat kong gawin para maging clear na rin diyan sa Pilipinas yong divorce paper namin?
2.Ano kailangan kong paper para maibalik na po single status ko?
3.Ano po kailangan kong gawin para matanggal yong apelyedo ng dati kong asawa sa birth certificate ng anak ko?
Please tulungan nyo po ako kong ano dapat kong gawin, Nagmamakaawa. P
ANS: Ang una among gawin, kumuha ka ng Divorce Judgment/Decree na na issue ng Korte sa Dubai. Then ipa translate mo ito sa wikang English at ipa authenticate mo ito sa Philippine Consulate natin sa Dubai kasama na rito ang certification ng kaakibat na government official ng Dubai, kung saan siya ay mag issue din ng certificate na ang batas ng Dubai pinapayagan ang divorce sa kanilang bansa. Ipa authenticate at ipa translate mo sa wiking English ang dokomentong ito.
Nabanggit mo na kinisal kayo sa abroad under the Muslim rites. So maaring walang record sa Philippine Statistics Authority(PSA) dito sa Pilipinas ang iyong kasal at maaring single ka pa. However, kung ang kasal mo sa abroad ay nakaregister sa PSA through our Philippine Consulate abroad, kailangan na dapat mai register ang divorce mo sa PSA. Kung ganito ang situation, ay
dapat mag file ka ng petition sa Family Court(RTC) sa Pilipinas for the Recognition of Foreign Judgment na nabanggit sa itaas ng ating korte upang sa ganoon, kung kikilalanin at kakatigan ng hukuman natin ang iyong petition na mapapawalang bisa ang iyong kasal dahil sa iyong divorce.
Ayon sa ating Family Code, as amended, kung ang isang mamamayang Filipino na nakapag asawa ng foreigner at idini divorced siya nito, ang kanyang kasal ay mapuputol na rin ang bisa nito.
Kung di naman kayo kasal sa Pilipinas or di naka register ang iyong kasal abroad, maari mo paring gamitin ang maiden name mo. Pero kung sa iyong kasalukuyang passport ay ginamit mo na ang surname ng asawa mo, maari mo lang palitan at ibalik ang surname mo noong di ka kasal, kung ang iyong kasal mo ay mapawalang bisa sa pamamagitan ng Order or Decision ng ating Korte. Ang order ng korte natin ang pag babasihan ng Department of Foreign Affairs(DFA) upang ibalik sa dati ang pangalan mo ng iyong Philippine passport.
Tungkol naman sa pag papalit ng surname ng anak mo, doon sa surname mo dahil divorced kana at kung ang pagbabasihan natin ang batas ng Pilipinas at nakarehistro sa Pilipinas ang birth certificate ng anak mo na dala niya ang surname ng ama nito, hindi ito maaring palitan ng surname mo kasi noong pinanganak ang anak mo ay kasal ka sa ama nito at ang inyong anak ay maituturing na isang legitimate child ang iyong anak. Bilang isang legitimate dapat gamitin niya surname ng ama niya na kasal sa iyo.
Naway nabigyan linaw ng iyong mga katanungan ng Batas Pinoy Global Community.
Disclaimer: Batas Pinoy Corner Not Legal opinion:
Material placed on this corner is for the purpose of providing information only. It is not intended as practice of law or legal services. Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer. Such circumstances or understanding of the facts as conveyed to the writer by the sender may not actually reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and as understood by the writer.
This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The content provided by Batas Pinoy Corner is not meant to be a substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professional for legal advice as regards to the information obtained in this column.
* * *
Readers who may have legal concerns affecting their persons, property, rights,title and related interest concerning Philippine laws and jurisdiction, are welcome to e-mail their query either in English or Pilipino in plain, concise and orderly presentation of facts in order to avoid vagueness and misunderstanding of your stories, for appropriate comments to: attyrw@gmail.com .