Balita

Diary Na, Slumbook Pa

Nang tanungin ako ni Misis kung alam ko ang ibig sabihin ng CTTO, sinagot ko ng “Come To The Outlet.” Kung may hangad man siya na nakabubutas ng bulsa, aba’y sama ako.

“Hindi. CTTO means Credits to the Owner,” sabi niya.

Sagot ko: “Ok, uutangan ko mamaya ang dyip.”

“Heto ang singko, bumili ka ng kausap mo,” dagdag niya.

Kinuha ko ang imaginary singko, pumito ng wala sa tono at nagpunta sa convenience store.

Mabuti na ang nakalalayo, bago humabol ang mga nagliliparang “dollar sands (sandok sa dollar store).”

*****

An old man shared a list of quick quips:

“Know the path. Know the place and time. Stay the course. Enjoy the journey. Be happy.” 

“Think; thus, be. Think nice. Be nice.”

“Being selfish, at times, is golden. To know and love one’s self is a bold step to know and love others.”

“Calling someone a handsome devil is an insult. There are no handsome devils.”

“Mirrors fail to reflect the good and beautiful. Be your good self. Show your beautiful self.”

“Things happen. To argue is useless. Embrace the good. Learn from the bad; never clone it.”

“Ideas are not worthless. They are priceless. Only great men and women value the potency of an idea.”

“Earth spins around the sun, as it spins itself. Like life, some spins cause headaches; others, just perfect.”

“Never own secrets. Time will always tell. Speak the truth. Be honest.”

“Battling fire with fire enrages the blaze. Crossings are lost when bridges turn to ash.”

“Those who err know if and when they deserve a second chance.”

“Hardly easy or easily hard, unless it is the right thing to do, nothing comes easy.”

“Jungle King’s chest beating may show how strong the weakest link is. Let humans sing about you.”

“Pride, when misplaced, is like stale cheese not worth licking.” 

“Conscience and free will are God-bestowed gifts. Unwrap and use them well. 

“Be patient. It takes a lifetime to meet an angry hungry bear.”

“The turtle slowly makes its way to the sea. Speedy bunny swims with a surprised fish.”

“Done enough to save the universe? Remember, a rubber band stretched too far snaps.”

“Too much talk may spoil the broth. Similarly, blowing too many candles may spoil the cake.”

“After all is said and done, the feeling will always be mutual.”

“Moments and memories are fleeting. Keep joyful ones. They fly in when needed.”

“Live the dream. Wake up, chase it, catch it.”

“This moment will be a past and was a future. Capture and own the split second.”

“Birthstones, milestones, tombstones tell a lot. But what counts is the narrative in the dash in the orb of life.”

“God is good and kind. Ask Him for anything. Keep in mind: He works in mysterious ways,” 

“Thank God when you wake up. Thank God before sleeping. You’ve thanked everyone and everything.”

One curious bystander asked “What are the 26 all-of-the-above for?”

“A quip may make a point. But it loses its worth when it does not relate.” 

“The 28th?” he flashed a wide grin. “Figure it out.”

*****

Ewan ko ba yang pesbuk. Sasalubungin ka lagi ng tanong: “What’s on your mind?”

Sinasagot ko naman paminsan-minsan: “Mind you, I don’t mind. Never mind. Business own your mind?”

Ang siste, hindi yata nagsasawa sa katatanong. Wala raw basagan ng trip, kaya hinahayaan ko na.

I don’t know kung ano ang gagawin ng pesbuk kapag sinagot ito ni Mang Kadyo na matagal nang yumao.

*****

Nang matapos ang halalan sa lalawigan ng Ontario at sa bansang Pilipinas, naglaho na rin sa pesbuk wall ko ang mga lathala, totoo’t tsismis, patungkol sa eleksiyon at sa mga kandidatong lumahok doon.

Salamat naman sa pagwawalis ng hindi-na-nakatutuwang asaran, bangayan at tunggalian ng mga campaign at political supporters, na sinisilaban pa ng mga mapanirang social media trolls at mapanlinlang na spinmasters.

*****

Hehehe. Nagmistula namang diary at kalendaryo ang pader ko nitong mga nakaraang araw.

Everyday, sagad ang mga pagbati sa mga friends and family na nagdiriwang ng anibersaryo ng kanilang araw ng kapanganakan.

Hindi na mahalaga kung ilang taon na sila sa mundo. Numero lang daw ‘yun. Ang importante, patuloy nilang tinatamasa ang mga biyaya ng buhay. At continue din ang kanilang pakikibaka upang maging maunlad at masagana. Sa inyong lahat, maligayang pagbabalik-tanaw sa dakilang araw nang pagluwal.

Wala man akong regalong maipadadala sa pesbuk, malugod naman ang aking pagbati ng Happy Birthday! Saka na ako maniningil ng blowout.

Siyempre, ang bagong panganak (anak, kapatid, pinsan, lalo na ang apo) ay may lugar sa social media. Madalas, sa pesbuk nakatala ang nakatutuwang balita ng panganganak. Mula sa pagsilang, binyag, kumpil at paglaki, babaha ang mga picture ng bata sa pesbuk.

Mas kaaya-ayang pagmasdan ang mga litrato kaysa sumilip sa mga malalagim na mga pangyayari sa mundo.

*****

Nandiyan din ang masayang pagsalubong sa mas matagal pang pagkakaisa at pagsasama ng mga mag-asawa. Happy Wedding Anniversary po sa inyo, lalo na sa mga friends na mahigit limampung taon nang kasal.

Ito’y pagpapatunay na may forever, to the moon and far beyond the stars. Walang panama ang alamat ni Malakas at Maganda sa mga kuwento ng matamis at walang hanggang pagmamahalan at friendships. 

Always like ang mas nakaka-inspire na kuwento ng forever. Iwasan nang pagka-abalahan ng iyong precious and productive time ang mga balita’t usaping digmaan, krimen sa pali-paligid, pandemya at pulitika.

*****

Bagamat nakatutulo ng luha ang tunghayan sa pesbuk ang araw ng pagpanaw ninuman, let our hearts shed tears of joy and love. Celebrate the life and respect the memory ng mga kaibigang umuwi at bumalik na sa kaharian at kandungan ng Poong Maykapal.

Mahirap mang sambitin, narito pa rin ang aming pagbati: A blessed death anniversary sa inyong lahat.

Gatuldok man o malaki ang naging kaugnayan nila sa atin, ang pagiging bahagi nila sa ating paglalakbay sa balat ng lupa ay hindi dapat kalimutan.

Puwedeng mag-request? Kung maaari lang, iwasan ang pag-imbita kaninuman na maging panlimang manlalaro ng koponang basketball diyan sa langit. Repeat, baka puwede lang naman.

*****

As of deadline, hindi na aabutan ng column ko kung sino ang nagkampiyon sa NBA Finals, Boston Celtics ba o Golden State Warriors. Eniweys, mabuhay ang nagwagi! Nakatala kayo sa kasaysayan ng NBA. 

Wishful thinking, sana Toronto Raptors.

*****

Naging parang high school slum book din ang pesbuk wall ko.

“What is your favourite food?” Wika ni Mang Karding: “Sa dami ng nakahaing litrato sa harap ko, hindi ko malaman kung aatakihin ako ng diarrhea o anorexia.”

“What is your favourite plant?” Napansin ni Aling Maria: “Umuunti na yata ang post ng plantito at plantita.” 

“What is in your bucket list?” Sabi naman ni Lolo Kardo: “Sa assortment ng mga scenic spots at natural wonders na background ng mga selfies at groufies, kailangan ba akong magpatingin sa optometrist?” 

“What is your favourite fashion?” Sagot ni Inang Chayong: “Paminsan-minsan, nagsusulputan ang mga flyers ng mga nagbebenta ng pananamit, para sa bata man o matanda. Hindi naman yata bawal ang maghanapbuhay sa pesbuk, kaya sige lang ng sige.”

“What is your favourite colour?” Nakaismid si Ate Pinang: “’Di ba, tapos na ang eleksyon?”

“Who is your favourite actor?” Anonymous: “Nasa hukay na ang mga magagaling at pang-FAMAS. Pasensiya na, walang mapagpilian sa panahong ito, kaya ibinoto ang ilan sa Kongreso’t Senado at pamahalaang lokal.” 

“Who is your favourite politician?” Anonymous pa ulit: “No comment. Baka ma-blanko ang isip ko.”

Sa mga tanong na “Who is your first crush/first love/first date/at iba pa?” sumagot si Kuya Eddie: “Naghahanap ka ba ng away?”

“What is your favourite quotation?” A Mark Twain meme said: “It is better to keep your mouth closed and let people think you are a fool than to open it and remove all doubt.”

*****

Heto nga’t stay home na ang mga katotong hypochondriac.

Mabuti na raw ang ligtas, kaysa lumabas at baka maging biktima ng hit-and-run o mass shooting.

Ingat, mga kaibigan. Paalala po: Huwag madudulas at mauumpog sa banyo o hagdanan.   

*****

Hanggang sa muli. “Know the path, place and time. Stay the course. Enjoy the journey. Be happy.” #####

Exit mobile version