O,kita nyo na?
Lifted na ang martial law sa Maguindanao. Martial law was declared a week ago on the basis of, according to the national leadership, namumuong rebelyon sa probinsyang iyon. Isang angkan lang naman ang tinarget- ang mga Ampatuan na, habang lumalakad ang mga araw ay tuluy- tuloy din ang pagkakadiin sa Maguindanao ‘massacre’. Ikinanta na sila ng mga dating alipores na sya talagang may pakana ng lahat.
Sa dami yata ng napahumindig na tumuligsa, nagreklamo at natawa sa desisyong martial law dahil sa ‘pagka- OA’ daw nito, na lift na nga. Sabi ng gobyerno, under control na raw ang rebellion.
Salamat naman. Papayapa na siguro ang Kapaskuhan dito sa Pearl of the Orient Seas.
BUT WAIT! Medyo natabunan lang ng Maguindanao massacre news pero may isa pang development na medyo halos kagulu- gulo din ang dating. Di naman sintindi ng magnitude ng nangyari sa Mindanao.
Tingin ko’y 2010 elections- related ito.
Ito bagang naglalabasang desisyon ng COMELEC second division…take note, five or six months at the most before Philippine elections, na nagtanggal sa ilang incumbents:
Una, ang desisyon na alisin si Gov. Joselito Mendoza sa governorship ng Bulacan. Si former Gov. Roberto Pagdanganan daw ang nagwagi by 4, 321 votes. Mendoza used FRAUD daw to win his seat;
Pangalawa, ang desisyon to unseat Gov. Grace Padaca of Isabela. Ang nagwagi daw na totohanan ay si former Gov. Faustino Dy. Gov. Padaca used fraud daw to get 17,000 votes, the number that insured her victory over then incumbent Gov. Dy;
Me tsismis din na susunod naman si Naga City Mayor Jesse Robredo. Hindi daw ‘fraud’ ang gagawing dahilan- kikwestyunin daw ang citizenship nitong si Mayor.
Months earlier, it was also this 2nd division of the Comelec that ruled against Pampanga Gov. Ed ‘Among’ Panlilio, a peaceful man and definitely not an ally of the incumbent Chief Executive.
Sa maraming Pinoy na tunay nga namang nagiging politically mature na dahil sa pulitika na lang lagi ang aming almusal, tanghalian, hapunan at meryenda dito sa ating bayan, walang takot silang nagpahiwatig agad ng kanilang kuru- kuro tungkol dito.
POLITICALLY- MOTIVATED, they sing in unison.
Mendoza kasi jumped over the bakod of the Liberal Party. Isang malaking insulto for the administration party that he deserted; yung kay Gov. Padaca naman, e ano pa daw ba, sa zealousness ni Ms. Grace sa paglilinis sa Isabela ay napanggigilan tuloy sya. Eto namang kay former priest and now Gob. Among Panlilio na wala man lang silang nakitang rason ay ipinag- utos ng Comelec at Supreme Court and recount, e ano pa, it just proved na mas malakas ang ibang sector ng Pampanga kesa sa kanya.
Oo nga naman…paano kaya makakapandaya si Gob. Grace e hirap na nga syang pumunta kung saan- saan dahil naka wheelchair lagi? Si Gob. Among kaya, paano kaya nakapandaya to get the votes that rendered Mrs. Pineda a loser? May ginawa secretly kayang fake election documents in his favor sa mga kumpisalan sa mga simbahan sa Pampanga? These and other questions come to mind even of the simplest of minds in this country.
Hmmmm. Ano pa kaya ang mga kagila- gilalas na balita ang ipaaabot sa atin ng 2nd division ng Comelec?
Meantime, it looks like Pinoys are gearing up for a simple Christmas celebration. My trips to the supermarkets is one proof-not so many are in a frenzy of shopping. Mabuti naman. Christmas is in the heart, not in the wrapped gifts that we receive. Kung tayo man ay magbibigay ng pamaskong material, maghanap kaya tayo ng karapat dapat na bigyan- yung mga umaahon mula sa salanta ng bagyo, yung mga scavengers na may hilang kariton na nagpapalipas ng gabi sa paligid ng kalyeng malapit sa atin…mga batang- kalye – ang iaabot natin ay hindi pamasko lang para sa kanila- your gift will be very vital for their survival even for a few days lang. Ipadala ang inyong pamaskong handog hindi sa akin (hehehe) kundi sa inyong favorite charities dito sa atin or sa mapagkakatiwalaang kamag- anak o kaibigan. Siguruhin nyong makakarating sa pinupuntirya nyong reregaluhan.
Merry Christmas, my friends! May the real meaning of the birth of the Child Jesus be with all of us throughout the coming year!
Many thanks, Ruben and Tess Cusipag, Tenny Soriano, to all Balita readers and to many dear friends who gave more meaning to my life this year.