ANO BA NAMAN?????????ANG GANDA NA SANA NG TAKBO!!!!!!!!!
Daig pa ang nag- hire tayo ng the best PR company sa balat ng lupa sa napakagaganda and inspiring news stories about our country, the Philippines that appeared in media- print, broadcast, the internet- worldwide yan, ha, take note!
Si Pacquiao, hayun, the first international boxer lang naman na naka accumulate ng seven (7) worldboxing titles- kaya nila yan, aber? Proud na proud tayong lahat,Pinoy mang andito sa homeland o yung mga tulad nyo na transplanted and imbibing your new country’s culture and lifestyle. Di natin malimutan ang di- matinag na beauty ni Manny na paminsan- minsan ay nasasapol ng kalabang Puerto Rican habang ito naman ay nagkamaga- maga ang mukha at di na tuloy naaninag ang pagka tisoy nya in the end. But, pansinin, ha, tuwa naman ako dito kay Koto from Puerto Rico sa pagyakap at tuluyang acknowledgment nya sa pangingibabaw ni Mr, ‘Napay man from Gensan’ after the 12th round of the fight.
Ang ating proud moment ay sinundan pa mandin, just some days ago when Efren Penaflorida became The CNN HERO OF THE YEAR, besting 9 others in the worldwide search for the most remarkable everyday hero of the world. Sa magarang awarding ceremony sa Kodak Theatre sa Hollywood, iginiit ni Efren na ‘There’s a hero in each of us.’ Tayo lahat- lahat ay pwedeng maging bayani kung ating iibigin. Tayo ay maglingkod sa iba nang may ngiti sa ating mga labi…Maglingkod ng buong puso at maglingkod ng buong galing para sa iba.’
Kabata pa ni Efren ng pasimulan nya ang ‘KARITON KLASROOM” o ‘CKASSROOM ON WHEELS” sa Cavite Noong 1997. Noon, sya at ang kanyang mga kasamahan ay pinagtatawanan at kinukutya ng komunidad. Para sa kanila, gago talaga ang sinuman na nagtatangkang tumulong sa iba, lalo na sa mga kabataang kalye na ang tutunguhin lang ay pagsali sa barkada at gangs, eventually ay magiging istambay at mang-Hoholdap at magnanakaw kapag nangailangan ng pera.
Binigyan ng katauhan ni Efren ang salitang ‘PAGBO BOLUNTARYO’. Ang mga bata ay tinuruan ng simpleng pagbasa, pagsulat, at maging pagiging malinis sa sarili (paliligo, paglilinis ng katawan, pagsusuot ng malinis na damit, etc.)
Nakabalik na sa Pinas si Efren kagabi (nov 25). Nakatakda nyang tanggapin ang Order of Lakandula, pagkilala ng pamahalaan sa kanyang katangi- tanging kontribusyon sa bansa. While it is an irony that it took people from outside this country to notice and pay tribute to Efren and his group for their effort (congratulations to my alma mater, Cable News Network!), salamat na rin lang sa pagkilala ng ating mga lider kay Efren. Huli man daw at magaling, huli pa rin as usual, hahaha.
As I said in my opening, ang ganda na sana ng mga publicity ng Pinas- di pa binayaran, yan ang magaling.
Pero ano ba to??????
Tinalo na natin ang IRAQ! Tayo na ang kampeon! Tayo na ngayon ang natatanging bansa sa mundo sa
Biyolente at masamang pagtrato sa mga mamamahayag- mga journalists! Ang Pilipinas ang pinaka DELIKADONG bansa ngayon para sa mediamen!
It’s a vile reputation that no Pinoy would wish to be attached to his country no matter how poor and miserable it may be.
As of presstime (Nov26), 57 cadavers have been unearthed in Sharif Aguak, Maguindanao in what is now dubbed the ‘Maguindanao Massacre’ and is today acknowledged worldwide as the most heinous crime in connection with a political activity. The victims consisted of members of the Mangundadatu family on its way to file a certificate of candidacy for one of its members, Esmael, a local vice- mayor who is angling for the governorship of Maguindanao province, a number of lawyers and official consultants of the family, and members of media who were performing their duties to record the news. 13 newsmen have been identified killed in the Maguindanao Massacre
The perpetrators are allegedly members of another notable Maguindanao clan, the Ampatuans whose members include the incumbent Maguindanao governer and the incumbent governor of the Autonomous Region for Muslim Mindanao. Ito ang binanggit mismo ng mga Mangundadatu, mga naka-Ligtas na mediamen na dapat sana ay nakasama din sa convoy ng mga minasaker, mga kilalang pangalan sa probinsya, at maging ng mga ordinaryong mamamayan doon.
BUT, clueless pa raw ang Philippine National Police. Ipinagpapatuloy pa ang imbestigasyon magpahanggang ngayon ( sana naman ay hwag maging magpakailanman man).May task force na. Augmented na pati ang lakas ng military sa area.
WALA PANG HINUHULI, WALA DING IKINUKULONG, BAKIT NGA BA? Wala daw direct evidence linking the Ampatuans to the crime. ANI BA YAN!!!!
Heto nga, katabi ko ang transistor radio kong ‘made in china; (na kailangang alug- alugin bago tumunog). Nagtataka tong si Joe Taruc ng DZEH, bakit daw dun sa local case nung isang nakabaril na pamangking buo ni Freddie Aguilar (ng kantang ‘Ina’). Sinambit lang ng 3 witnesses ang pangalan ng alleged salarin, hayun at ni- raid ang iba’t ibang kabahayan na pinagsuspetsahang pinagtataguan. Sa kasong ito, sabi ni Tata Joe, dami na ng nagpapatotoo at inu ulit ulit ang ngalang Ampatuan, e nag courtesy call pa raw ang Task Force head na si Jess Dureza at nakita sa camerang nakikipagchikahan pa sa pamilya Ampatuan sa pagsisimula ng kaniyang ‘imbestigasyon’. Take note, ipinalabas ang footage ng ngitian sa buong mundo! Hagakhak siguro sa katatawa ang ibang mga bansa. Ala, e, para silang mga guests of honor, ninong at ninong at ninong din sa isang garbong kasalan, a.
Balita balita kasi dito na malaki ang utang na loob ng administrasyon sa mga Ampatuan sa kanilang pagkakapanalo sa nakaraang eleksyon sa Maguindanao.
Ganun ba? Kaya ba tigas ng pagkakaplaster ng smile ni Task Force head habang nasa kanan nya si ARMM Gob Zaldy Ampatuan at sa kaliwa naman nya ang another influential Ampatuan?
Tsismis lang ito, ha? Sabi- sabi, kunu- kuno at kuning- kuning. Hay, buhay Pinoy, kailan kaya matatanggal sa ating sistema ang sobrang pagtanaw ng utang na loob? Sabagay, kasakit ding sabihin ng ‘WALA KANG UTANG NA LOOB! ’Dami mong nakuhang boto dito, trinabaho kong mabuti tapos ito pa ang igaganti mo saken? Sukab, palamara, etc. Ay, ewan, wag namang mawala sa lugar. Yun lang naman ang aming hiling.
Alam naman natin na sa maraming malayong lugar dito sa Pinas o sige na nga, tanggapin na natin, maging dito samalapit- lapit na areas, maraming local officials consider themselves and are considered local lords and the areas they control as their fiefdoms. Very personal ang pamumuno. Kaya ng mga opisyal utus- utusan ang mga nasa ilalim ng kanilang pamamahala. And syempre pa, hangad ng buong pamilya na perpetual ang ganitong sistema- salin- salin sa pamilya ang posisyon para di mawala ang daming pribilehiyo. For protection, officials create their own armies- they become the warlords. Kapag may ,nagtangkng tumalo, tsugi!!! No questions asked.
Well, may latest ako dito- suspended daw lahat ng Ampatuans na myembro ng partidong Lakas- Kampi.Kagabi lang ito dinesisyunan ng kampo (Nov 25). Sa akin lang, talagang dapat masibak ang may mabahong pangalan sa partido- talo ka sigurado sa eleksyon kapag kasali pa rin ang mga ito. In the end, syempre, protecting the party is the prime consideration.
At heto pa ang latest (kung aabot itong revised version ng column ko). Ang anak ni Maguindanao Gob na mayor of one of the local towns was taken into custody na and flown to Manila amidst very strict security late afternoon of Thursday Nov. 26. He insists on his innocence, claiming he was in his office during the time of the massacre. The voluminous records of statements of witnesses gathered by Justice Sec. Agnes Devaradera claim otherwise- si Mayor Ampatuan daw was there orchestrating everything.
Simula na ng ikalawang kabanata ng istoryang ito.
Magkakaroon ba ng whitewash, preferential treatment at kung anu- no pa?
Sundan natin ang saga…
So, tuluy pa rin ang publicity- sikat na sikat pa rin ang Pinas sa International Media. PANGIT NA NGA LANG. Move over Pacquiao and Efren. This time, magbuhos ka man ng gabundok na pera sa pinakamagaling na PR outfit to work on deodorizing the issue, walang magagawa. Ang BAHO TALAGA! !!!! Baho ng image lalo na ng administrasyong ‘ala yatang magawa kundi magpress con at magdeklara ng ‘ Day of Mourning’. Parang ang laki ng takot sa malaking desisyong dapat gawin at inaantay na magawa ng mga mamamayan sa bansang kawawa. Sa tindi ng pressure mula sa mamamayan, mga organizations, media at pati mga foreign countries, bumigay din sa wakas…may naipresent ding nag- iisang Ampatuan sa NBI hq sa Manila. Hmmm, isa nga lang kaya ang nakaisip at may kagagawan ng pangyayaring ito?
Calling everybody….let’s do an Efren or a Pacquiao naman, pwede????? Let’s truly love our country, please naman. Pag nagawa natin yan, wala na itong mga fiefdom, mga warlords, kanya- kanya, amin- amin systems.
Till next issue, my friends in Toronto. Sorry for my sad end notes. Hoping I will give you happier news and stories in the next issue. Take care!
‘
Please email reactions and comments to mediastrat@gmail.com.